GORGY RULA
Ewan ko kung napansin ninyo noon ang namamagang mukha ni Veteran Actress.
May pinagdaaanan pala ito nang may pinaayos siya para mapanatiling fresh ang kanyang mukha.
No question. Maganda si Veteran Actress.
Pero dahil sa nagma-mature na, kailangan din niyang magpa-enhance o may ayusin para mapapanatili ang alindog.
Kailangan ito ng isang artista.
Maganda naman kasing pakinggan ang komentong, “Ay! Kahit may edad na si Aktres, ang ganda pa rin, ang bata ng mukha!”
Read: BLIND ITEM: Guwapitong aktor, parang hari kung mag-utos sa alalay
COSMETIC PROCEDURE THAT ALMOST WENT WRONG
Sinubukan ni Veteran Actress magpaayos sa mukha na hindi naman ganun ka-invasive.
Sinubukan niya ang face threading.
Non-surgical cosmetic procedure ito para ma-lift ang nagsa-sag na mukha. Parang may sinulid na ipinasok para maiangat ang mukha.
Hindi binanggit ng aming source ang kung saang clinic nagpagawa ang Veteran Actress.
Pero ang kuwento sa PEP Troika, pagkalipas daw ng isang linggo, nagulat si Veteran Actress na parang nagkaguhit sa magkabila niyang pisngi.
Parang tinaga raw ng itak na may guhit na pahalang sa kanyang face.
Nataranta si Veteran Actress siyempre!
Hindi lang alam ng aming source kung gaano katagal hindi nagpakita si Veteran Actress.
Pero nagawan naman daw ng paraan at naayos ito.
Medyo namamaga raw sa una dahil sa ginawang procedure na matanggal ang malalim na guhit sa mukha ni Veteran Actress.
Hindi alam ng aming source kung ano ang ginawa pero natanggal ito at, ayun, napanatili ang ganda ni Veteran Actress.
Read: BLIND ITEM: Hunk actor, effective ang style na pakape-kape sa mga babae
NOEL FERRER
Ang dami nang ganung kaso, na minsan sumasablay ang pagpapaayos ng mukha. Kaya maingat sila sa pagpili ng beauty clinic na gagawa.
Minsan kasi ay naaapektuhan ang pag-arte dahil sa hindi na gaanong maigalaw ang fezlak dala ng matinding botox o kung ano ang pinapagawa sa mukha.
Naging usap-usapan noon ang premyadong aktor na parang laging nakamulagat ang mata dahil sa botox na itinurok sa kanyang noo.
Mabuti at okay na ngayon. Nakakaarte na siya nang maayos, at nae-express ang tunay na nararamdaman sa isang marubdob na eksena.
Isa rin ito sa risk ng mga artista, sa totoo lang.
Bukod sa talento, puhunan din natin ang mukha. Kaya kailangan ding mapangalagaan para mapanatiling maganda.
JERRY OLEA
Kaya saludo tayo sa mga artistang iniingatan ang kanilang mukha at katawan at di na kailangang magparetoke.
Ang beauty secret ng iba ay exercise, kumpletong tulog, healthy lifestyle, at iwas sa mga toxic.
Kaya they age gracefully, at di na kailangang magpasalamat sa agham.
Read: Rave Victoria recalls asking permission to court Ashley Sarmiento
