JERRY OLEA
Premyadong aktres si Tuesday Vargas.
Best actress siya sa Golden Screen Awards para sa pelikulang Ang Turkey Man Ay Pabo Rin (2013).
Best supporting actress siya sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino noong 2019 para sa LSS (Last Song Syndrome).
Kung papansinin ang mga Facebook posts niya this year, makikita ang kanyang pagpupursige para makahanap ng mga pagkakakitaan.
May mga bashing, pero mas marami ang blessings. Narito ang ilan sa mga posts niya, all captions are published as is.
TUESDAY VARGAS OPENS UP ABOUT STRUGGLES
Noong Enero 2026 ay panay-panay na ang kanyang online selling. Rumaket din siyang wedding coordinator.
Pag-amin ni Tuesday sa Facebook noong Enero 24: “My life lately has not been that great. If you are a parent like me who is struggling with dealing with their adult children and you want clarity, I created an episode that might help.
“The goal is not to create a bigger divide among the generations but to gain a better understanding where each of us are coming from.
“Usapang pamilya at parenting naman tayo sa Episode 3 ng aking podcast...”

Hinaing niya sa FB noong unang araw ng Pebrero: “Lord alam ko pong isa kang mahabagin at mapagmahal na panginoon.
"Sunod sunod man itong dagok na ito sa aking buhay, nananatili akong nananalig at lumalaban.
"Patawarin mo po ako sa akin kahinaan at sadyang tao lang at paminsan ay nagkakamali.
“Mabuti naman akong tao subalit napapa tanong ako minsan kung bakit laging para akong tambulan ng suliranin.
“Today I come before you Lord to ask that you give my heart peace. The only thing I am praying for is that you bless me with opportunities because my family relies on me, especially now. I really am in pieces and I do not know what will happen next.
"The only thing that is certain is that I know you will not forsake me…”
TUESDAY VARGAS: A LADY OF MANY TALENTS
Pebrero 3 ay inumpisahan ni Tuesday ang pagbebenta ng paintings na gawa niya.
Pakiusap niya sa FB, “You can bid what you are willing to pay for them po if ok lang na walang bababa po sa PHP500 para lang mabawi yung pambayad ng canvas and paint.
“I just want to collect as much funding as I can for some medical needs I will pay for this month. It will help me and my family a whole lot and I would appreciate of these paintings find their way into loving homes. Thank you po.”

Pebrero 7, ang panawagan ni Tuesday na pumukaw ng pansin ng netizens: “Sa mga kaibigan kong writer, producer at director po, kung meron po kayong projects para sa akin ay available po ako.
“I am a diligent worker and Id like to believe that I am a good and versatile artist. Please hire me po. Promise pag huhusayan ko po. Salamat po”
Umani iyon ng comments, kaya nag-post muli siya sa FB noong araw na iyon: “Sa mga nagsabi po na ‘Ano ba yan nakaka hiya ka nag hahanap ka na ng work sa followers mo, laos ka na ba?’ Please lang po. Maayos naman akong nag pro promote ng aking services at wala naman akong tinatapakan na tao kaya wag naman kayong ganyan.
“May ipon naman ako pero nanay po ako at gusto kong may tuloy tuloy akong pang buhay sa pamilya ko dahil nga nawalan ako ng show. Ganun sa showbiz, minsan mabilis ang turnover at walang warning…
“Sa mga hustlers and breadwinners of the world, huwag tayo mahiya to ask for help para sa pamilya natin. Pagtratrabahuhan mo naman hindi mo naman i aasa di ba? Kung mabait ka at masipag, taas noo mong harapin ang lahat. Respect the hustle guys wag naman kayong nega.
“Yun lang po”
GORGY RULA
Nagtuluy-tuloy ang mga raket ni Tuesday Vargas matapos ang panawagan niya na magkatrabaho.

Meron siyang hosting gigs, patuloy ang online selling, nagpo-podcast, nagpe-painting, entertainer sa cruise, and what have you.
Personal pa siyang nag-deliver ng painting somewhere in the North.
Facebook post niya noong Marso 2: “WALA AKONG PAKE! Pero di naman ako galit, in fact natutuwa nga ako.
“Mula noong nag post ako na naghahanap ako ng trabaho, ang daming samu’t saring reaksyon akong nakuha sa netizens. Madami ang nag alala para sa akin pero nakaka lungkot ay may mga ilan din na ang sagot ay pangungutya.
“Kesyo laos, kesyo attitude, kesyo di mahusay kaya walang karera. Nauunawaan ko po kayong lahat. Hindi naman din ako nag harbor ng ill feelings sa inyo kasi hindi nyo naman din po alam ang buong kwento ko kaya ipagpapa sa Dyos ko na lang ang inyong mga masakit na nasabi sa akin.
“Gumigising ako ngayon nang may ngiti sa mukha ko dahil napaka ganda ng naging epekto ng pagiging transparent ko sa mga tao. Uunahin ko pa ba ang pride at ego bago ang maayos na hanapbuhay?
“I asked nicely and with dignity. I was not looking for a handout, but instead an opprtunity to use my skills that will produce income.
“Alam nyo ba itong sabi ni Rumi sa The Veil Between Human and God: Rumi describes the ego as the primary barrier preventing connection with the Divine. Alam kong may tinuturo ang Dyos sa akin sa season na ito ng aking buhay. Mas lalo akong kumakapit sa kanya at lalo pa akong nagsisikap kasi hindi pa din ako natatalo hanggang sa ngayon.
“Kaya sa mga nagsasabi ng ‘ay nag la live selling na lang kasi walang career’ -- salamat sa inyo. Lalo akong nagkakaroon ng motibasyong lumaban araw-araw upang ipakita sa inyo na kailan man ay hindi nakaka hiya ang marangal na hanap buhay.
“Lord bless all the breadwinners and those seeking for jobs that you will also smile upon them just as you did when I prayed.
“Salamat sa lahat po ng nagbigay sa akin ng projects at work. Patuloy lang po tayo sa pag ganap sa hamon ng buhay. Padayon!”
Bahagi ng FB post niya noong Marso 7: “DREAM COME TRUE. The Lord said, ask and you shall receive.
“I was very forthcoming when I said I needed work. I am not destitute, I am just a mother who is seeking for an honest day’s labor so I can continue to earn from performing which is a passion of mine.
“One fine day, I took to social media and I posted to offer my services. And lo and behold, today I did my first cruise ship performance in a theater filled to the brim.
“In the middle of one song I shed tears because I felt the Lord’s presence on stage. I know he was there with me, assuring me that he is a loving God and that he will always provide for those that remain faithful despite the many hardships we face…
“Today marks a first of many shows abroad. I will be in Canada, the US, Eu and Australia this year all because I was honest enough to say -- IM A GOOD WORKER, BOOK ME.
“So moral of the story is, whenever we feel like we have lost our battles, lets keep our heads high and ask the Lord for provisions. We also pray that when we get the blessings, that we are also bestowed the wisdom to keep the abundance.
“God is really good! Thank you po sa lahat ng mga pasahero ng Costa! Naiyak po ako sa kabaitan ninyo. Hanggang sa ating muling pagkikita.
“Mabuhay ang mga lumalaban sa buhay. Padayon!”

NOEL FERRER
Marso 21, Sabado, ang post ni Tuesday Vargas sa Facebook: “FROM KIDDIE PARTY TO BINGO HOST
“Kahit kailan ay hinding hindi ko ikakahiya ang marangal at malinis na trabaho. Trivia: nag simula akong maging on cam talent noong college sa See You at E! Sa itaas ng tutuban mall ang taping namin.
“Ang una kong hosting job ay Bingo akalain mo? Dahil doon nakaka bili ako ng materials ko sa school. Doon ko kinukuha ang pang bili ko ng film, ang mga pang photocopy ng readings at pang pamasahe noong college.
“Dahil sa pag sigaw ng B-11 ay natawid ko ang mahal na kurso. Mura sa UP pero madami talagang cost ang pag aaral kahit nasa public ka. Kaya naman saludo ako sa mga magulang, mga indibidwal na nag papa aral at nag aaral kasi nde siya biro.
“Ngayon if iba bash nyo nanaman ako at sasabihin na ‘Ay ano ba yan host na lang ng Bingo’
“Aba ay bakit po? Never naging LANG ang trabahong ginagawa nang may dignidad. “Respect the hustle guys.
“Maayos, marangal at malinis na pera ito. Sana i divert nyo sa flood control ang inis nyo kesa sa akin na wala namang masamang hangarin, trabaho lang ang hanap. Kaya maging masaya na lang kayo para sa isang magulang na tulad ko na ang tanging hangad lang ay kumita para sa pamilya…
“Mabuhay ang mga lumalaban!
“Kaya natin ito! “BINGO!”

Meron na namang mga nagtawa sa pagho-host ni Tuesday ng bingo.
FB post ng premyadong aktres ngayong Marso 22, Linggo: “Pinagtatawanan ng 208 na tao sa isang post ang pag ho host ko ng BINGO. Ang ganda nung event kaya kasi ang daming mababait na loyal customers ng hotel na kinausap talaga ako after ng show.
“Mga mommy na nag sasabi napapasaya ko sila at pinapalakas loob ko na lumaban. Pero imbes na masaya kayo para sa akin nakuha nyo pa akong libakin at pagtawanan?
“Ni nde binasa ang back story ko about it, walang interest sa life story mo ke nakaka inspire yan or what. Basta ang goal nila sirain ang buhay mo. Bakit ikinakahiya nyo ang trabaho ko? Ako nga may dignidad akong humaharap sa tao dahil yang hiya hiya ay di nakaka bili ng bigas.
“So tawagin nyo na ako kung anong gusto nyo. All I know is that I am good at my job and I love what I do, I will forever be grateful for it. You will not succeed in making me feel ashamed of my hustle. Maninindigan ako laban sa inyo kasi lagi nyo akong kinukulata ng batikos habang kayo mismo nag darahop sa hirap. Hindi po ako ganyan.
“Nanay ako at paparaan ako para sa mga mahal ko, kaya kayo na pinagtatawanan ako ang masasabi ko ay WALA KAYONG 100k! Hahaha”
Laban lang, Tuesday! Sa iyo ang huling halakhak!!!
