PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sharon Cuneta, magbibida sa collab teleserye ng GMA-7 at ABS-CBN?

Caprice Cayetano at Heath Jornales, pagtatambalin ba ng GMA-7?
by PEP Troika
Published Mar 23, 2026
Sharon Cuneta realizes how "showbiz has changed so much"
Megastar Sharon Cuneta is rumored to headline an upcoming drama series, a rare collaboration between GMA Network and ABS-CBN, alongside a top Kapuso actress.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Sandali naming nakatsikahan ang senior vice-president ng GMA Network na si Atty. Annette Gozon-Valdes sa advance birthday party ni Bernard Cloma na ginanap sa The Vault, Bonifacio Global City, noong nakaraang Huwebes, March 19, 2026.

May naulinigan kasi kaming may nilulutong drama series na collaboration muli ng GMA-7 at ABS CBN.

“Meron. Tuluy-tuloy kasi yung collab. Let’s see. Secret!” napangiti niyang sagot sa amin.

Read: Investigation results about sex video scandal, nakakagulat: Marami pang involved!

SHARON CUNETA TO STAR IN GMA-ABS-CBN COLLAB DRAMA?

Hindi na namin tinanong kung totoong si Sharon Cuneta ang bida sa gagawing teleserye na collaboration ng GMA-7 at ABS-CBN.

Ayon sa isang napagtanungan namin, isang A-lister Kapuso actress na laging nagre-rate ang mga programa ang makakasama ng Megastar.

Sa GMA-7 daw ito iere.

Kaya kung matutuloy, nakaka-excite na muling mapapanood si Sharon na umaarte sa telebisyon at sa GMA-7 pa ito.

Kung hindi ako nagkakamali, GMA Supershow pa ni Kuya Germs ang huling show ni Mega sa Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya sana, matuloy at magandang collaboration ito na dapat abangan.

Hintayin na lang natin ang official statement mula sa dalawang network, dahil ang nakumpirma pa lang sa amin ni Ma’am Annette ay ang gagawin nilang collaboration sa ABS-CBN Studios.

JERRY OLEA

Ano ba ang plano ng Kapuso Network sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 2.0 Big Winner na si Caprice Cayetano?

Marami kasi ang umaasang magka-soap ang batang aktres kasama si Heath Jornales.

Matutuloy kaya ang tambalang CapEath?

“Meron silang shows, pero hindi ko sure kung magkasama sila,” pakli ni Ma’am Annette Gozon-Valdes.

“Si Heath kasi, naka-groom sa action. Yun yung forte niya, e. Si Caprice naman, sa drama.

“So, pinag-iisipan namin kung ano ang tamang project for them, kung saan sila magsa-shine.”

Read: Matthew Lhuillier unarchives posts with Jolie Jurkovich amid split rumors with Chie Filomeno

THE SECRETS OF HOTEL 88

Ang nakakatuwa raw ngayon ay ang seryeng The Secrets of Hotel 88 kung saan tampok ang unang batch na PBB Celebrity Collab Edition.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Happy sila sa ratings nito at maganda rin daw ang feedback na inaabangan ng fans.

“Actually, ang daming nanonood ng Hotel 88,” bulalas ng GMA executive.

“Parang nababasa ko rin sa mga comments na inaabangan nila ang bawat labas ng mga housemates.

“Every time na lalabas ito, lalabas na siya, o si ganito. Talagang ang lakas ng following nila.

“Nag-e-enjoy yung mga fans nila to watch the show,” sabi pa ni Atty. Annette.

the secrets of hotel 88
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

May ilang taga-telebisyon na talagang dumadaing na ngayon sa hirap ng buhay.

Mahirap na ring mag-produce ng isang TV show na talagang tututukan ng mga manonood. Lalo na’t bumababa na ang viewership ng TV shows.

Bukod pa riyan, mas concern ng karamihan ay ang patuloy na pagtaas ng gasolina. Ipa-prioritize pa ba nila ang panonood sa telebisyon?

Sabi ni Ma’am Annette tungkol dito: “Ang tingin ko kasi, ang mga Pilipino, di ba? Kapag mahirap ang buhay, talagang kailangan nila ng escape, entertainment. Libreng entertainment.

"Makukuha nila yun sa mga TV shows, di ba?

“Saka napapansin ko, marami talagang nanonood ng news. Talagang nakatutok sila. Gusto nilang maging up-to-date sa mga nangyayari.”

Sana, malagpasan na natin ito, at patuloy lang tayong maaliw sa mga susubaybayan nating mga programa sa telebisyon.

Sana, tuluy-tuloy na ang paggaling ng Megastar para makapagsimula na siyang mag-taping kung matutuloy nga itong collaboration ng GMA 7 at ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Nic Chien reveals learning about parents’ split from Instagram comment

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Megastar Sharon Cuneta is rumored to headline an upcoming drama series, a rare collaboration between GMA Network and ABS-CBN, alongside a top Kapuso actress.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results