PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ron Angeles, balik-trabaho na matapos masangkot sa video scandal

Ron Angeles, suportado ng kanyang management, pamilya, at church.
by PEP Troika
Published Mar 23, 2026
ron angeles back to work
Bryan Diamante of House of Mentorque on how their talent Ron Angeles (in photo) handled his video scandal: “In the beginning, it wasn’t easy for him, of course. Ang inaalala niya lalo na yung pamilya niya. Lalo na yung community niya. It wasn’t easy for him, but you know, at the end of the day, wala na kaming magagawa. Nandiyan na yan, di ba? And I think he’s coping up naman. But of course, Ron wants justice also on his end. Personally, of course, he wants justice."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Isa sa napag-usapan namin ng film producer na si Mr. Bryan Diamante ng Mentorque Productions ang tungkol sa pagsuporta nila sa talent nilang si Ron Angeles at kung paano na-handle ng aktor ang sex video scandal nito, pati na ang pamilya at simbahang kinabibilangan nito.

Ayon kay Bryan, nakita nilang sobrang apektado ang aktor nang nasangkot ito sa eskandalo.

Mabuti at naiintindihan daw ng Iglesia Ni Cristo ang pinagdadaanan ng aktor, kaya sinuportahan nila si Ron at walang paghuhusga siyang natanggap.

Read: Ron Angeles, nagsampa ng reklamo kaugnay ng leaked video scandal

MALE VICTIMS

Ang iba pang nabiktima ng leaked video scandal na sina Gil Cuerva, Arron Villaflor, Nikko Natividad, Nico Locco, at Andre Cue ay lubos ding naapektuhan.

Sinasabing sangkot din sa serye ng sex videos sina Sam Adjani at Thirdy Galvin ngunit wala pang pagtanggi o kumpirmasyon ang dalawa.

“Ang ano ko lang talaga, apektado yung mga artists,” sambit ni Bryan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I think isa siguro… iba talaga ang trato ng mga Pinoy kapag lalaki yung biktima, no?

“Ang nakakalungkot dito, iba yung ano… but definitely, yung pamilya apektado, yung komunidad nila apektado.

“Lalo na po si Ron, very religious. I think may guidance and understanding naman yung church.”

Mabuti at okay na raw ngayon si Ron, at bumalik na ito sa trabaho.

Read: Ron Angeles: “Sanay na akong mahusgahan.”

JERRY OLEA

Nakahanda ang House of Mentorque na tulungan si Ron Angeles na ipasok sa counselling, pero mukhang okay na raw ito ngayon at bumalik na sa trabaho.

“In the beginning, it wasn’t easy for him, of course. Ang inaalala niya lalo na yung pamilya niya. Lalo na yung community niya,” pahayag ni Bryan Diamante.

“It wasn’t easy for him, but you know, at the end of the day, wala na kaming magagawa. Nandiyan na yan, di ba?

“And I think he’s coping up naman. But of course, Ron wants justice also on his end. Personally, of course, he wants justice.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ngayon, nagwo-work na siya. Kagagaling lang nga niya ng gig yesterday sa Quezon.

“And then, he’s doing a teleserye, and then continue naman ang pagtatrabaho niya.

“Currently, he’s working and he’s keeping up… ano naman siya... ngayon naman, okay-okay na siya.”

THE BIG FOUR

Take note na ang Mentorque ang organizer ng White Party Manila 2026: Reignite na gaganapin sa Hunyo 27, Sabado.

Hopia ako na magkasama-sama sa Pride Party na ito ang kontrobersyal na "The Big Four" — Ron Angeles, Nikko Natividad, Arron Villaflor, at Gil Cuerva.

Mas bongga kung kasama rin sina Nico Locco at Andre Cue — at maging adhikain nila ang paglaban sa mga nambibiktima sa sex video.

Read: Investigation results about sex video scandal, nakakagulat!

NOEL FERRER

Hindi maiwasang nakakantiyawan at napapaglaruan ang "The Big Four" sa social media. Pero naha-handle naman daw ito ni Ron Angeles.

May iba kasing sa halip na tulungang makabangon ay ginagawa pang katatawanan at kung anu-anong memes pa ang ginagawa kaugnay sa iskandalong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, minsan hindi maiwasan nabibiro,” pahayag ni Bryan Diamante.

Nandiyan lang daw ang House of Mentorque na all-out ang suportang ibinibigay kay Ron.

“Nagpapasalamat din kami of course sa pamilya niya, sa mga kaibigan niya, na naintindihan ang sitwasyon. And then, lalo na dun sa community niya, sa church niya na naintindihan na… na biktima siya rito.

“Kami naman, wala kaming magagawa dun sa mga pinagtatawanan yung sitwasyon, sine-share pa.

“Kami naman sa House of Mentorque, we are ready to assist him lalo na sa kanyang mental health,” sabi ni Bryan.

Read: Alleged video scandal ng "The Big Four" kumakalat

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bryan Diamante of House of Mentorque on how their talent Ron Angeles (in photo) handled his video scandal: “In the beginning, it wasn’t easy for him, of course. Ang inaalala niya lalo na yung pamilya niya. Lalo na yung community niya. It wasn’t easy for him, but you know, at the end of the day, wala na kaming magagawa. Nandiyan na yan, di ba? And I think he’s coping up naman. But of course, Ron wants justice also on his end. Personally, of course, he wants justice."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results