JERRY OLEA
Nine consecutive days na No. 1 ang comedy special ni Alex Calleja na Tamang Panahon sa talaan ng Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines — mula Pebrero 9, 2025, Linggo, hanggang Pebrero 17, Lunes.
Ang ikalawang comedy special ni Alex na Past Is Past ay two days lang na topnotcher sa nasabing listahan — Marso 20 at 21, 2026.
Bumaba ito sa second place noong Marso 22, Linggo.
Ang nanguna ay ang BTS The Comeback Live | Arirang.
Ang logline ng naturang concert: “BTS makes their monumental return to celebrate their new album with a global live performance from Seoul's historic Gwanghwamun Square. (Live in Korean.)”

Read: Sharon Cuneta, magbibida sa collab teleserye ng GMA-7 at ABS-CBN?
ALEX CALLEJA ON BTS OVERTAKING HIM ON NETFLIX
Kaugnay rito, nag-post agad si Alex sa Facebook: “And yes, we are at Number 2 na.
“As expected, malakas talaga ang BTS. Pero nasa Top 3 pa rin tayo. Lagi naman tayong thankful sa mga blessings na binibigay sa atin.
“Salamat sa suporta at sa dalawang araw na Number 1!”
After a few hours, nag-post uli si Alex sa FB: “Dahil Number 1 na ang BTS at nagconcert ang Seventeen dito sa atin, sakto naman na kasama sila sa mga jokes ko!
“Watch kayo ng Past Is Past.
“Currently Number 2 sa Netflix!”
Andaming hanash ng netizens sa posts ni Alex.
Read: Nic Chien reveals learning about parents’ split from Instagram comment
TAMANG PANAHON VS PAST IS PAST
Bago maghating-gabi, nag-post uli si Alex: “Kwento lang ako. Mahaba pero tyagain niyo. Sensya na
“Parehong nag-number 1 ang Tamang Panahon (2025) at Past Is Past (2026) (yabang)
“Nakakatuwa dahil maraming nagmemessage na mas gusto nila ang Tamang Panahon kesa sa Past Is Past, at marami rin ang mas gusto ang Past Is Past kesa sa Tamang Panahon.
“May mga konting basher na hindi raw natatawa sa akin. Wala akong pake sa inyo kasi sa sobrang overwhelming ng positive feedback, nagmumukha lang kayong bitter.
“May shield na ako ng mga positive supporters para maapektuhan sa inyo. Sa dalawang magkasunod na Number 1, magrereklamo pa ba ako! Maglaway kayo sa inggit! Charot
“Magkaiba ang challenge ng Tamang Panahon at Past Is Past. Sa Tamang Panahon, wala akong idea kung tatanggapin ba ako ng mga nanunuod sa Netflix. Anong klaseng comedy ang kakagatin.
“Kaya sugal talaga ang pagproduce. Nagkataon pa na may Incognito. Pero nag-Number 1 ang Tamang Panahon kaya nasagot ang nga tanong ko.
“Pero may nagbash pa rin na wala naman daw kasi akong kasabay na malakas at ang Incognito daw eh hindi kalakasan kaya nag-Number 1 ako.
“Talaga ba? Daniel Padilla, Ian Veneracion at Richard Gutierrez. Samahan mo pa ng Maris Racal! Echosera kayo (matching taas kilay)
“Sa Past Is Past naman, kakaiba din ang challenge. Pressure na dapat mag-Number 1 din. Dapat magustuhan ulit ang comedy ko.
“Pero ang nagpakaba sa akin, nakita ko ang mga makakasabay. March 10 ang One Piece, March 19 ang Past Is Past, March 21 ang live concert ng BTS at March 27 ang docu! Susmaryosep!
“Kaya tanggap ko talaga na papasok lang ako sa Top 10 at masaya na ako dun. But wait, ginawa niyo akong Number 1 for 2 days.
“Ngayon tignan niyo ang Top 10, nakagitna ako sa dalawang malakas na shows! Bongga diba!
“As expected Number 1 ang BTS, pero Number 2 ako! Masaya talaga ako sa nangyari dahil napatunayan ko na kayang sumabay ng local standup comedy sa mga bigating shows sa ibang bansa.
“Maraming maraming salamat sa inyo. Sa sobrang saya ko, nanuod ako ng show ni Richard Calleja!
“Ano, gawa pa ba ako ng pangatlong Netflix Special?”

Ngayong Marso 23, Lunes, nanatiling No. 1 sa TV Shows ng Netflix PH ang BTS The Comeback Live | Arirang.
Pumangalawa ang One Piece, at pangatlo na ang Past Is Past.
Ang iba pang nasa Top 10 TV Shows ng Netflix PH today ay Phantom Lawyer, Girl From Nowhere: The Reset, Boyfriend On Demand, Pursuit Of Jade, Frieren: Beyond Journey’s End, Steel Ball Run: JoJo’s Bizaare Adventure, at Jujutsu Kaisen.
Read: Matthew Lhuillier unarchives posts with Jolie Jurkovich amid split rumors with Chie Filomeno
NOEL FERRER
Kapuri-puri ang ginagawa ni Alex Calleja na paraan para aliwin ang mga Pilipino.
Sa kanyang pagpapatawa, maraming karaniwang karanasan natin ang ating mas naiintindihan at napapahalagahan tulad ng komunikasyon sa pamilya sa panahon ng advance na teknolohiya, paggalang sa mga nakatatanda, hanggang sa pagmamahal sa bayan.
Ang maganda sa Past Is Past, he picked up from yung taong nang-isyu sa kanya ng panggagaya ng joke, at nang na-vindicate siya, nakapag move on na si Alex.
At heto, he is thriving sa larangan ng comedy at tunay ngang Past Is Past.
At present, patapos na ang successful US tour niya, at alam kong may Japan pa siya at ibang tours sa ibang bansa.
Mabuti ito at napupunan daw niya ang homesickness ng ating mga kababayan.
At napapansin ninyo, hindi ganid si Alex sa limelight.
Ang gusto niya, tuwing siya ay nagpe-perform as a headliner, merong stand-up comedians na pini-feature at tinutulungan.
That’s paying it forward talaga!
Kaya good karma si Alex at kaya naman blessed kasi patuloy niyang bine-bless ang kanyang mga nakababatang kasamahan.
Ang tingin niya’y hindi kumpetisyon kundi ka-collab at kasama sa pagpaagaan ng buhay ng mga Pilipino!
Mabuhay ka, Alex Calleja!
And yes, Part 3 of the Netflix special is expected… and more and more pa!
GORGY RULA
Sa talaan ng Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines, No. 1 ang Squid Game mula Disyembre 28, 2024 hanggang Enero 15, 2025.
Nanguna ang Single’s Inferno sa sumunod na dalawang araw, Enero 16 at 17.
Kinabog iyon ng XO, Kitty the next day. Isang araw lang sa tuktok ang XO, Kitty.
Topnotcher na ang Incognito mula Enero 19 hanggang 30.
Tinalo ito ng The Trauma Code: Heroes On Call noong Enero 31 at Pebrero 1.
Pumuwesto muli sa top ang Incognito noong Pebrero 2 hanggang Pebrero 8.

At iyon na nga, rumatsada ang Tamang Panahon ni Alex Calleja mula Pebrero 9 hanggang Pebrero 17.
Bumalik na naman sa No. 1 ang Incognito noong Pebrero 18.
And then, umariba sa top place ang American Murder: Gabby Petito mula Pebrero 19 hanggang Pebrero 24.
And then, nanguna again ang Incognito mula Pebrero 25 hanggang Marso 1.
Kinabog ito ng HALO, pero pumuwesto muli sa No. 1 ang Incognito noong Marso 5, 2025.
Iyon ang last day ng Incognito sa top.
Ngayong first quarter ng 2026, bukod-tanging ang Past Is Past ni Alex ang gawang-Pinoy na No. 1 sa Top 10 TV Shows ng Netflix PH.
NO. 1 TV SHOWS ON NETFLIX IN 2026
Ang mga TV show na nanguna sa Netflix PH this year:
The Walking Dead, Enero 1, Enero 4 hanggang Enero 9
Stranger Things, Enero 2 at 3
Jujutsu Kaisen, Enero 10 hanggang Enero 14, Enero 17, Enero 24, Pebrero 7, Pebrero 14
His & Hers, Enero 15 at 16
Can This Love Be Translated?, Enero 18 hanggang Enero 23, Enero 25 hanggang Enero 27
Skyscraper Live, Enero 28 at 29
Bridgerton, Enero 30 hanggang Pebrero 6, Pebrero 27 hanggang Marso 2
Jeffrey Epstein: Filthy Rich, Pebrero 8 hanggang Pebrero 13
The Art of Sarah, Pebrero 15 hanggang Pebrero 26
Baki-Dou: The Invincible Samurai, Marso 3 hanggang Marso 6
The Dinosaurs, Marso 7 at 8
Girl From Nowhere: The Reset, Marso 9 hanggang Marso 11
One Piece, Marso 12 hanggang Marso 19
Past Is Past, Marso 20 at 21
BTS The Comeback Live | Arirang, Marso 22 at 23
Read: Investigation results about sex video scandal, nakakagulat!
