JERRY OLEA
Nakakabaliw ang threesome nina Lucio (Yasser Marta), Brenda (Robb Guinto) at Hesus (Mhack Morales) sa pelikulang Desperada.
Naalala tuloy namin ang menage a trois nina Luisa (Maribel Verdu), Julio (Gael Garcia Bernal) at Tenoch (Diego Luna) sa 2001 Mexican road drama ni Alfonso Cuaron na Y tu mama tambien (And Your Mother Too).
Ibang-iba ang 2026 Desperada ni Robb sa 1986 Desperada na pinagbidahan ni Vida Verde, kasama sina Greggy Liwag, Elsa Enrile, at George Estregan.
Read: Ron Angeles, balik-trabaho na matapos masangkot sa video scandal
Ang bagong Desperada ay kalahok sa 8th Sinag Maynila filmfest, at nag-gala premiere noong Marso 23, 2026, Lunes ng 8:00 P.M. sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City.
Idinirek ito ni Louie Ignacio, mula sa panulat ni Dennis C. Evangelista na siya ring line producer.
Ang executive producer ay si Lito de Guzman (LDG) na manager nina Robb at Mhack.
Nasa cast din ng movie sina Sue Prado, Mercedes Cabral, Julianne Richards, Jorge Guda, Marife Necesito, Adda Musni, Joko Rivera, Tabs Sumulong, Maestro Po, Byuti Veloso, at Vhize Negra bilang Beauty.

Pahayag ni Direk Louie matapos ang screening, “Maliit na pelikula, maliit na budget, isang independent film pero nasa Sinag Maynila kami.
“Maraming-maraming salamat, Sinag Maynila!”
Ang sabi ng executive produ na si LDG: “This is an experimental movie na parang nagko-coffee lang kaming tatlo [nina Dennis at Direk Louie] lagi.
“Nagkukuwentuhan about the stories. Tapos boom! Biglang ginawa na namin because of Dennis.
“This is my first time of course na sumali ng isang prestigious film festival, Sinag Maynila.”
Read: Posts ni Tuesday Vargas, realidad ng struggles ng ilang artista
ROBB GUINTO ACCEPTS PROJECT DEPSITE LIMITED BUDGET
Karamihan sa pelikulang prinodyus ni LDG ay nag-streaming sa VMX na dating Vivamax.
Nagpasalamat si LDG na tinanggap ni Robb ang movie kahit pakiusapan ang budget.
Pinasalamatan din ni LDG ang iba pang cast members ng Desperada.
Isiniwalat ni LDG na second choice si Jorge Guda sa papel na Pau sa Desperada.
“Yung role ni Jorge, unang in-offer kay Jhon Mark Marcia. Parang hindi nakayanan ni Jhon Mark, ipinasa niya kay Jorge. Nagampanan naman niya nang maayos,” sabi ni LDG.
Naghubo’t hubad si Jorge sa eksenang naligo ito. Ang isa pang hombre na nagtalop sa Desperada ay si Joko Rivera.
Mensahe ni Robb Guinto kay Direk Louie: “Direk, maraming-maraming salamat sa pagkuha sa akin. Alam ko, pangarap mo itong klaseng pelikula na ito. Salamat dahil nasama ako doon.
“And of course to our writer din, producer, sa aking manager. Salamat sa tiwala. And sa lahat ng bumubuo ng Desperada, maraming-maraming salamat po sa inyo.
“Alam ko, bawat isa, ginawa namin yung best namin. And congratulations sa ating lahat.”
Read: Investigation results about sex video scandal, nakakagulat: Marami pang involved!
GORGY RULA
Itong Desperada ang unang mapangahas na pelikula ng Kapuso hunk actor na si Yasser Marta.
Ani Yasser: “Gusto ko lang din pong magpasalamat sa time ninyo, sa oras ninyo, sa family ko na nandiyan. Si Mama. Ma, OK ka lang? Baka…
“Sana lahat kayo paglabas, normal pa rin — hindi kayo nahawa. Ang gusto kong sabihin, don’t do drugs!
“Kidding aside, gusto kong magpasalamat siyempre sa LDG Productions, kay Tito Lito for the opportunity. Direk Louie, first time kong makatrabaho, maraming salamat po. Kay Kuya Dennis.
“Maraming-maraming salamat po sa opportunity na ito at siyempre, sa love of my life.”
Napangiti nang pagkatamis-tamis ang kasintahan niyang si Robb Guinto.
Read: Yasser Marta and Robb Guinto now in a relationship
Dagdag ni Yasser, “Sana po, paglabas nyo po, e, mas maintindihan pa po natin iyong mga taong nasa laylayan at may pinagdadaanan.”
Singit ni Robb, “Gusto ko lang idagdag, nandiyan din yung family ko. Yung mama ko, yung papa ko, and ayan, yung tito ko.
“Thank you, thank you sa inyo. Actually nahiya nga ako! Hi! Hi! Hi! Hi!”
Kung nagbiro si Yasser at napahagikgik si Robb, emotional naman si Mhack Morales nang magpasalamat.
Maluha-luhang pagtatapat ni Mhack: “Nandiyan din pala yung mama ko, yung pamilya ko. Maraming-maraming salamat sa pagpunta ninyo. Tita ko, mama ko, at mga kapatid ko.
“At ito ay para sa lola ko na… nawala na… Yung movie ko… sorry po, ahhmm… ipinakita ko po ito sa lola ko, yung behind the scene po.
“Yun po yung umiiyak ako, akala niya po totoo. Gusto ko po sanang ipapanood sa kanya ito kaso wala na siya.”
Noong Pebrero 27, 2026 pumanaw ang lola ni Mhack.
Read: Nic Chien reveals learning about parents’ split from IG comment
NOEL FERRER
Markado ang papel ni Sue Prado sa Desperada bilang Mama Miriam, na katuwang si Sister Carol (Mercedes Cabral) sa pagkupkop sa mga taong may mental health problem.
Sabi ni Sue: “Maraming-maraming salamat sa lahat ng bumubuo nitong proyekto na ito. Ahhm salamat po sa inyo, kasi kahit mahal po ang petrolyo, nandito po kayo.
“Kasi napakamahal pong bumiyahe ngayon! Kahit na isang kendeng lang ang Cubao, di ba? Mararamdaman mo.
“Pero higit po sa lahat, ahh personally po, hindi man po ako kamag-anak pero iniaalay ko po ito para sa mama ni Direk Louie, sa lola ni Mhack.”
Pumanaw ang ina ni Direk Louie na si Fe Lagdameo Ignacio noong Marso 16, 2026, Lunes.
Pagpapatuloy ni Sue: “Siyempre masakit na nawalan tayo ng mahal sa buhay pero sigurado ako… ang lola mo, Mhack… ang mama mo, Direk Louie…
“Naku! Baka tuma-tumbling iyon sa clouds! Kasi, sobrang proud nila sa inyo!
“And of course, with that, maikli lang po ang panahon natin sa mundo. Kaya i-express po natin ang pagmamahal natin sa mga mahal natin.
“Kasi hindi natin alam kung hanggang kailan.”
