PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TV Ratings: Finale ng Hating Kapatid, pilot ng Born to Shine

Elias J.Tv. papasok na sa Sang'gre.
by PEP Troika
Published Mar 24, 2026
hating kapatid born to shine ratings
Hating Kapatid, starring the Legaspi family, aired its last episode on March 20, 2026. It was replaced by the musical Born To Shine, topbilled by Zephanie and Michael Sager, which debuted on March 23.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Nagbubukas pa kaya ng telebisyon ang mga tao o talagang nagtitipid na lang?

Mas bumaba kasi ang viewership ng mga programa sa telebisyon, lalo na sa hapon.

Posibleng may iba nang pinagkakaabalahan ang mga tao, o nagtitipid na sila dahil sa patuloy na pagtaas ng gasolina.

Hindi lang gasolina, kundi damay-damay na ang mga bilihin sa pang-araw-araw na pangangailangan.

Ngayong araw, March 24, 2026 ay nagdeklara si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na national energy emergency dahil sa nagaganap na conflict sa Middle East.

Nakakalungkot na lalo pang bumaba ang ratings mga programa sa hapon.

Nataon pang nag-pilot ang musical drama na Born To Shine, na pinagbibidahan ni Zephanie kasama si Michael Sager, noong Lunes, March 23.

Ang rating ng pilot episode nito ay 3.9% lamang.

Read: Nic Chien reveals learning about parents’ split from IG comment

born to shine pilot
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit ang mga kasunod nitong afternoon drama ay mababa rin.

Ang House of Lies na 3.9% din, at ang sumusunod na Apoy Sa Dugo ay 3.3%.

Pagkatapos ng Apoy sa Dugo ay ang Fast Talk With Boy Abunda na 2.3%; at ang The Sweetest Taboo ay 1.7% lamang.

Ang Family Feud ay 5.7%.

Sa noontime shows naman, ang It’s Showtime ay 4.6%, at ang Eat Bulaga! ay 3.1%.

MARCH 23 PRIMETIME RATINGS

Medyo tumaas naman ang ratings pagdating sa primetime.

Tama ang sinabi ni Atty. Annette Gozon-Valdes ng GMA-7 na karamihan ay nakatutok sa news at maaring tumuluy-tuloy na sila sa mga kasunod na programa.

Ang 24 Oras ay 12%; ang Frontline Pilipinas ay 1.9%, at ang TV Patrol ay 3.1%.

Tumaas pa ang Sang’gre na naka-10.6%; ang The Alibi: Ang Buong Katotohanan ay 4.5%, at ang Totoy Bato ay 1.5%.

Ang Never Say Die ay 6.4%; at ang What Lies Beneath ay 2.9%.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sumunod ang The Secrets of Hotel 88 na 3.2%; at ang Love Scout ay 1.3%.

Ang Saksi naman ay 1.7%.

Siyangapala, sa Marso 30, Lunes Santo, ay lalabas na raw sa Sang’gre si Elias J.TV. Abangan!

Read: Sharon Cuneta, magbibida sa collab teleserye ng GMA-7 at ABS-CBN?

elias j.tv. sang'gre
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Noong Marso 21, Sabado ng hapon, nag-finale ang Hating Kapatid, ang programang pinalitan ng Born To Shine.

Naka-5.5% ang finale ng Hating Kapatid; samantalang 0.8% ang Lavender Fields, at 1.6% ang Frontline Pilipinas Weekend.

hating kapatid

Ang Cine Cinco: Hit na Hit ay 0.7%.

Bumaba ang rating ng Tadhana na naka-4.2% at Wish Ko Lang na naka-3.1%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Dapat ay finale na ng What Lies Beneath noong Biyernes, Marso 20.

Ini-stretch ito dahil na-postpone ang pilot ng Coco Martin’s Sigabo.

Pakiwari ko’y tamad nang manood ang televiewers habang palapit ang Semana Santo.

Looking forward tayo sa mga pagbabago sa television landscape sa Abril, na umpisa ng second quarter ng taon.

Abril magtatapos ang Sang’gre, na papalitan ng The Master Cutter ni Dingdong Dantes umpisa Abril 20, Lunes.

Exciting ang bakbakan ng The Master Cutter at Coco Martin’s Sigabo.

Sa pagtatapos ng What Lies Beneath, inaasahan nating aariba na ang Blood vs. Duty nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson.

Sa TV5, Abril din ang nakatakdang pilot ng A Secret in Prague nina Enrique Gil at Andrea Brillantes. Ito ba ang kapalit ng Totoy Bato?

Read: Matthew Lhuillier unarchives posts with Jolie Jurkovich amid split rumors with Chie Filomeno

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hating Kapatid, starring the Legaspi family, aired its last episode on March 20, 2026. It was replaced by the musical Born To Shine, topbilled by Zephanie and Michael Sager, which debuted on March 23.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results