PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bayani Agbayani, binura ang video ng Atayde family minus Maine

Video ng Atayde family na wala si Maine Mendoza, inintriga ng netizens.
by PEP Troika
Published Mar 25, 2026
bayani agbayani maine arjo
Bayani Agbayani explains why he deleted his TikTok post showing the Atayde family singing “Happy Birthday” to celebrants Art Atayde and daughter, Ria Atayde. Netizens took note of Arjo Atayde’s wife, Maine Mendoza, being absent from the special occasion.
PHOTO/S: Instagram / Khryzztine Joy Baylon

GORGY RULA

Kaagad inintriga ng ilang netizens ang ipinost ni Bayani Agbayani sa kanyang TikTok account na video ng selebrasyon ng pamilya Atayde sa kanilang tahanan.

Sa video ay mapapanood na kinantahan ng "Happy Birthday" ang mag-amang birthday celebrators na sina Art at Ria Atayde.

May hawak na cake si Sylvia Sanchez na katabi ang mister na si Art, at may hawak ding cake ang actor-politician na si Arjo Atayde na katabi naman si Sylvia.

Ang bunsong anak nina Art at Sylvia na si Xavi naman ang may hawak ng cake para kay Ria, na katabi ang mister na si Zanjoe Marudo na bitbit ang kanilang baby.

Katabi ni Ria ang kapatid na si Gela Atayde.

Wala roon ang misis ni Arjo na si Maine Mendoza.

Lalo pa itong naintriga dahil pagkatapos pansinin ng netizens kung bakit wala si Maine sa video, tinanggal ni Bayani ang TikTok post niyang iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Deleted na ngayon ang video na ito.

Read: Maine Mendoza: Arjo Atayde not capable of stealing people's money

WHY BAYANI AGBAYANI DELETED THE VIDEO

Nag-text ako kay Bayani ngayong Miyerkules, March 25, 2026, para linawin kung bakit niya dinelete ang post sa kanyang social media account.

Tinanong ko rin siya kung wala nga ba talaga sa party si Maine.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At kung sinabihan ba siyang tanggalin ang post.

“Hindi. Ako lang ang nagtanggal,” text sa akin ni Bayani.

Dagdag pa ng comedian, “May sakit si Maine, e.”

Iniiwasan na raw ni Bayani na magkaroon pa ng isyu kaya niya tinanggal na lang ang post.

“Kasi, naisip ko, private gathering nila yun, e," sabi niya sa amin.

JERRY OLEA

Let us not overthink. Lalabas at lalabas ang totoo sa tamang panahon.

May mga chismis noon na kesyo hiwalay na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde.

Supalpal ang mga dalahira nang dumalo si Ria sa screening ng pilot episode ng pinagbibidahang serye ni Zanjoe, ang The Silent Noise, noong Marso 10 sa Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City.

Read: Zanjoe Marudo, itinangging hiwalay na sila ni Ria Atayde

Hopia ang mga delulu na magkahiwalay sina Maine Mendoza at Congressman Arjo Atayde, at “magkabalikan” sina Maine at Alden Richards.

AlDub forever?!

NOEL FERRER

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Oh, may meaning na pala agad yun?

Ang naging kataka-taka kasi ay ang pagkakatanggal ng video.

Pero karapatan naman yun ng nag-post.

May sarili nang haka-haka ang mga tao.

Hihintayin natin ngayon kung paano ito ia-address nina Arjo o Maine.

Meron kayang pa-official statement o dedma lang?

Ano sa tingin ninyo?

Read: Maine Mendoza stands by Arjo Atayde amid Discaya allegation

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bayani Agbayani explains why he deleted his TikTok post showing the Atayde family singing “Happy Birthday” to celebrants Art Atayde and daughter, Ria Atayde. Netizens took note of Arjo Atayde’s wife, Maine Mendoza, being absent from the special occasion.
PHOTO/S: Instagram / Khryzztine Joy Baylon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results