JERRY OLEA
Nakakatulig ang hiyawan ng RaStro fans sa premiere night ng GL movie na I Fell, It’s Fine (IFIF) noong Marso 24, 2026, Martes, sa Cinema 11 ng Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City.
Sa red carpet pa lang ay todo tili na ang avid supporters ng tandem nina Rhian Ramos at Glaiza de Castro.
Pahayag ni Rhian bago ang screening: “Gusto ko lang pong magpasalamat sa inyong lahat, sa inyong pagpunta at sa inyong pagsuporta dito sa pelikula namin na napakatagal nating lahat hinintay na mangyari.
“Napakaespesyal talaga ng gabing ito. Dahil sa gabing ito, nagsama ang Apoy at Yelo.”
Sabi ni Glaiza: “Pero walang puksaang mangyayari ngayon. Pagmamahalan lang!”
Sa Encantada Chronicles: Sang’gre ay nagtatagisan sina Pirena (karakter ni Glaiza) at Mitena (karakter ni Rhian).
Si Pirena ang tagapangalaga ng brilyante ng Apoy, samantalang si Mitena ang Ice Queen ng Mine-a-ve.
Read: Matthew Lhuillier unarchives posts with Jolie Jurkovich amid split rumors with Chie Filomeno

KILIG SCENES OF RHIAN AND GLAIZA
Sa mga eksenang lambingan, landian o halikan nina Rhian at Glaiza sa IFIF ay kilig na kilig ang karamihan sa audience.
Tanong ni Rhian sa mga nanood matapos ang screening: “Anong masasabi nyo kay Direk Sigrid? Nagustuhan nyo ba yung kuwento? Magaling ba siyang direktor?"
Sigawan ang fans, may mga nagpalakpakan, “YES! YES!”
Sey pa ni Rhian sa RaStro fans, “At maraming salamat din sa inyong lahat. Naging posible ito dahil sa inyong lahat at hindi kayo bumitaw. So, maraming salamat po…”
Sambot ni Glaiza: “Ang sarap makakita ng mga lumang mukha, bagong mukha, sobrang luma. Kaya hanggang ngayon, parang speechless pa rin ako.
“Kasi sobrang nakakatuwa lang na makita, marinig ang inyong mga tawanan, hiyawan.
“At doon pa lang, ramdam na randam na namin na nag-enjoy kayo. Hindi na namin tatanungin.
“Ang ipapakiusap lang namin sa inyo ay let’s share this movie. Sana marami pa ang cinemas na marating nitong pelikula na ito.
“Sana umabot pa ito sa iba’t ibang bansa, di ba? Marami pang stories ang ma-touch ng pelikula na ito.”
Sigawan muli ang fans nang pasalamatan ni Glaiza ang kanyang leading lady.”
Nabuo ang RaStro tandem sa Kapuso primetime series ng The Rich Man’s Daughter, na umere noong Mayo-Agosto 2015.
Read: Nic Chien calls mom Lea Salonga “progressive”; recalls only time he got spanked

NOEL FERRER
Maliban sa RaStro, present sa premiere night ng I Fell, It’s Fine ang co-stars na sina Rafael Rosell, Queenay Mercado, Alchris Galura, at Ice Arago, ang writer-director na Sigrid Andrea P. Bernardo, at ang executive producers na sina April Martin at Pauline Mae Publico.
Pahayag ni Direk Sigrid Andrea P. Bernardo: “Maraming salamat po sa inyong pagtangkilik sa aming pelikula, lalung-lalo na ang mga fans ng RaStro.
“Talaga naman, hindi mapipigilan. Isang dekada na. Sana worth it ang panonood niyo po dito sa pelikula…
“Ang pakiusap ko lang po sana, wala pong spoiler. Please po! Sana po, matulungan niyo po kami dahil April 4 po ang aming palabas.
“Mas maganda kung sabay-sabay tayo makakaalam kung ano ang totoong kuwento.”
R-16 ang MTRCB rating ng IFIF.
GORGY RULA
Walang keber sa tetraphobia ang mga nasa likod ng GL movie na I Fell, It’s Fine.
Ipinagsigawan at iminuwestra nila ang 4-4 (meaning April 4) na playdate ng IFIF.
Ang tetraphobia ay pangamba o pag-iwas sa numerong 4.
Pamahiin ito sa ilang kultura sa East Asia, partikular sa China, Japan, Korea, at Taiwan.
Nag-ugat ito sa phonetic similarity ng salitang “four” at “death” sa mga wikang ito.
Ang tawag naman sa takot sa numerong 13 ay triskaidekaphobia.
May mga iba pang numerong kinatatakutan sa iba’t ibang dahilan — 1 (henophobia, unophobia), 3 (triskaphobia, trhobia), 6 (hexaphobia), 7 (heptaphobia), 8 (octophobia), 14 (tetradecaphobia), 67 (hexakontaheptaphobia), at 666 (hexakosioihexekontahexaphobia).
Read: Carlos Yulo, maayos na ang relasyon sa mga kapatid; pati kaya sa mga magulang?
