JERRY OLEA
Si Barbie Forteza ba ang Kapuso actress na co-star ni Sharon Cuneta sa bagong teleserye collaboration ng GMA-7 at ABS-CBN?
Sa premiere night ng pelikulang Until She Remembers noong Pebrero 19, 2026 sa The Block, SM North EDSA, Quezon City, sinabi ni Barbie na sobrang excited siya sa bago niyang primetime series.
Bago ang makakasama niya?
“Ay! Hindi mo kaya, talaga!” bulalas ng Kapuso Primetime Princess.
“Basta ano, basta sobrang excited ang nanay ko. Hi! Hi! Hi! Hi!”
Inamin ni Berbie na sila ng nanay niya ay fans ng makakatrabaho niya sa primetime series.
“Siya ang dahilan bakit ako artista,” sambit ni Barbie.
Read: Sharon Cuneta, magbibida sa collab teleserye ng GMA-7 at ABS-CBN?
BARBIE AND SHARON: MAGING SINO KA MAN
Nagbida sina Barbie at David Licauco sa Kapuso action romance serirs na Maging Sino Ka Man, na umere noong Setyembre-Nobyembre 2023.
Base iyon sa 1991 mega-blockbuster film of the same title na pinagbidahan nina Sharon at Robin Padilla.
Sa Facebook page ni Barbie ay pinost noong Nobyembre 25, 2011 ang pagpapalitrato niya with Sharon.
Nahalukay iyon sa promo ng 2023 TV series na Maging Sino Ka Man.
At sa nasabing teleserye ay nagpugay pa si Barbie kay Megastar.
Kaya nang mapabalita na isang Kapuso actress ang makakasama ni Ate Shawie sa bago nitong teleserye, ang hula namin ay si Barbie iyon.
Read: Barbie Forteza, nag-enjoy sa solo date last Valentine's day
NOEL FERRER
From Charo and Boots to Sharon?
Kung totoo, ha, mapalad nga si Barbie Forteza kung matutuloy ito.
Bilang Sharonian, excited akong makita ang nanay ko sa isang regular na teleserye dahil panibagong hamon na naman ito sa kanyang career.
After what she posted about her health challenges, masaya ako na merong ganitong project na naghihintay sa nag-iisang Megastar.
Sana matuloy na ito, at full support tayo rito!
GORGY RULA
Baka nga si Sharon Cuneta itong tinutukoy ni Barbie Forteza.
Noong napag-usapan ito sa radio program namin, marami ang nag-message sa aming mas bagay kung si Barbie ang makakasama ni Mega.
May mga nagsasabi ring okay raw kung si Marian Rivera, o si Bianca Umali.
Kung matutuloy ang collaboration na ito, hintayin na lang natin ang official announcement mula sa Dreamscape at GMA-7.
May iba pa kasi akong naririnig.
Pero hintayin na lang natin! Huwag na nating pangunahan.
Read: Bayani Agbayani, bakit binura ang video ng Atayde family minus Maine?
