GORGY RULA
Isa si Ejay Falcon sa dumalaw sa Pinoy Big Brother (PBB) house sa Lopez Drive, Quezon City, bago ito lumipat sa ibang lugar.
Nag-emote ang aktor sa kanyang post sa social media na nagpasalamat sa malaking nagawa ng PBB sa pagbabago ng kanyang buhay.
Si Ejay ang Big Winner ng PBB: Teen Edition Plus noong 2008.
Read: Caprice Cayetano, Lella Ford Big Winners of PBB Celeb Collab 2.0
Emote nito sa kanyang post (published as is): "March 23, 2008.
"Isang simpleng teenager mula sa liblib na lugar ng Oriental Mindoro ang pumasok sa Bahay ni Kuya, at hindi ko inakalang lalabas ako bilang Big Winner.
"Hindi lang ito bahay, dito nabago ang buhay ko.
"Dito nabuksan ang mundo ko sa industriyang hindi ko man lang pinangarap noon.
"At kung nasaan man ako ngayon, malaking bahagi nito ay dahil sa Bahay ni Kuya.
"Maraming, maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa Pinoy Big Brother, sa staff, sa mga taong nasa likod ng bawat kwento, kay @direklauren , at higit sa lahat… kay Kuya.
EJAY FALCON BIDS GOODBYE TO PBB HOUSE
Isa raw siya sa nalulungkot sa pagsasara ng original PBB house.
Sabi pa ni Ejay: "Ngayong magsasara na ang Bahay ni Kuya, mabigat sa puso.
"Pero ang mga alaala, aral, at pagbabagong iniwan nito ay mananatili habang buhay.
"Kuya, kahit wala ka man sa pisikal na anyo, hinding-hindi mawawala ang utang na loob ko sa’yo.
"Habang buhay kang mananatili sa puso ko"
Tiniyak naman ng mga taga-PBB na tuloy pa rin ang reality show, at ia-announce nila kung saan na ililipat ang Bahay ni Kuya.
Read: PBB Celebrity Collab 2.0 Big Night, umalagwa sa ratings
JERRY OLEA
Ano ang hinding-hindi makakalimutan ni Ejay Falcon sa pananatili niya sa PBB house?
Hinding-hindi raw niya makakalimutan noong dinala sila sa Palawan.
Ani Ejay: “First time ko pong sumakay ng eroplano at helicopter, kahit naka-blindfold kami, ramdam ko talaga yung experience, lalo na yung elise ng helicopter.
“Dinala kami sa isang island na parang gubat, at nagkaroon kami ng survival challenge sa mga kweba.
“Doon ko naramdaman na parang naging leader ako ng grupo, siguro dahil lumaki ako sa probinsya at sanay sa ganung environment.
“Isa talaga yun sa pinaka-unforgettable moments ko sa loob ng bahay ni Kuya.”
Tuluy-tuloy ang trabaho ni Ejay sa ABS-CBN Studios.
Pagkatapos niya sa Roja, may kasunod agad siya.
Kasama siya sa cast ng Blood vs. Duty na eere umpisa Abril 6, Lunes.
Read: Bayani Agbayani, bakit binura ang video ng Atayde family minus Maine?
NOEL FERRER
Nagpapasalamat si Ejay sa nabuong magandang friendship sa co-housemates niya sa PBB: Teen Edition Plus.
Saad niya: “Hanggang ngayon po, nakaka-work ko pa rin at madalas ko makita sina Robi Domingo at Beauty Gonzalez, at masaya ako sa kung nasaan na ang careers nila ngayon.
“Si Josef Elizalde naman ay active pa rin, at nagkakausap-usap pa rin kami paminsan-minsan.
“Nakaka-miss din talaga lahat ng naging housemates ko noon.”

LESSONS FROM EJAY'S PBB JOURNEY
Higit sa lahat, hinding-hindi raw makakalimutan ni Ejay ang mga natutunan sa kanyang PBB Journey noong 2008.
“Sa loob ng Bahay ni Kuya, ang pinakamahalagang natutunan ko ay ang pagiging totoo sa sarili, pakikisama sa iba’t ibang klase ng tao, at kung paano maging matatag sa kahit anong sitwasyon.
“Malaki ang naging ambag ng experience na iyon sa kung sino ako ngayon,” sabi pa niya.
Magandang ipakita ni Ejay na patuloy niyang pinahahalagahan ang buildup na yun by doing something relevant and excellent.
Aabangan namin iyan, Ejay!
Read: Nic Chien reveals learning about parents’ split from Instagram comment
