JERRY OLEA
Nagkaaberya ang showing ng pelikulang Ang Bangkay (The Embalmer) sa unang araw ng 8th Sinag Maynila filmfest noong Marso 23, 2026, Lunes.
“Nagkaroon kami ng kaguluhan kaya noong first day na opening ng Sinag Maynila, hindi kami naipalabas,” pagsisiwalat ni Vince Tañada sa talkback session matapos ang gala premiere ng Ang Bangkay noong Marso 25, Miyerkules ng gabi, sa Gateway Mall II, Cubao, Quezon City.
Si Vince ang writer, direktor, producer, at lead actor ng pelikula.
Read: Bayani Agbayani, bakit binura ang video ng Atayde family minus Maine?
Pagpapatuloy ni Direk Vince: “So, kahapon lang kami nagkaroon ng palabas sa Uptown. Hanggang Linggo [Marso 29] pa ito. Kaya sugod po kayo!”
Nasa pelikula ang paghuhubad nina Lili Montelibano, Vean Olmedo, Mercedes Cabral, at Rain Perez, maging ang frontal nudity nina Vince at Juan Calma, pero wala yung kay Johnrey Rivas.
Natatawang sabi ni Direk Vince: “Kahapon po, punung-puno yung Uptown, naghihintay sa b*r*t ni Johnrey.
“Di ba, totoo, yung mga nakasama kong nanood kahapon, lahat naghihintay, sabi, ‘Bakit wala namang naibalik?’
“Sabi ko, napaka-late na para putulin ko pa.”
Pagtatapat ni Direk Vince, nang lumabas noong Linggo, Marso 22, dito sa PEP Troika ang istorya kaugnay sa frontal nudity ni Johnrey, hinabol daw siya ni Sir Butch Ibañez na general manager ng Solar Pictures Inc. kaya hindi naipalabas ang Ang Bangkay noong Marso 23, Lunes.

"FOR THE LOVE OF THE ARTS!"
Sampung taon na ang nakalipas nang unang itanghal sa entablado ang Ang Bangkay, kung saan naghubad si Vince bilang Señor Segismundo Corintho.
“Masakit yung mahusgahan kapag nahusgahan na, ganoon din si Juan Calma,” pagmamatwid ni Direk Vince.
“Sana lang huwag kumalat sa TG, sa Telegram. Kasi nakakatakot na kumalat yan. Abogado po ako, baka ma-disbar po ako…
“Everything! For the love of the Arts! We are doing this because we want to serve the Art.
“Kapagka kasi ibinibigay mo na lahat para sa Sining, parang wala na dapat limitasyon. Buong kaluluwa, buong puso, at katawan ang inihandog.
“Pero gusto ko lang sabihin na ang Ang Bangkay ay isang passion project na hindi namin akalaing magkakaroon ng commercial release.
“Dahil ginawa ko lang ito after ng Katips [2021] at alam niyo naman, medyo kumita yung Katips kaya sinabi ko sa sarili ko, yung mga dula na magaganda ko, ii-immortalize ko sa pamamagitan ng sine, o pelikula.
“Kaya lang isinabmit ito sa Sinag Maynila at nakapasok, kaya salamat sa malaking opportunity na ito na maipalabas sa maraming tao.
“Akala namin hindi na ito magkakaroon ng ganito pero salamat po, salamat po.”
Dalawang beses nag-hello ang private part ni Direk Vince sa pelikulang Ang Bangkay.
Aniya, “Ito po ay work of Art. Ito po ay Sining. Sining ng pelikula, at hindi naman po ito paghuhubad nang walang kawawaan, o walang saysay.”
R-18 ang MTRCB rating ng Ang Bangkay.
Read: Filipino voice cast of Forgotten Island reacts to trailer release
NOEL FERRER
Apat na araw lamang ang shooting ng period film na Ang Bangkay sa Gapan, Nueva Ecija.
Napraktis na nila ang blocking bago nag-umpisang mag-shooting.
Sa tulong ng mga kaibigan at sponsors ay napagkasya ang production budget na PHP1M (or is it P800,000?).
Pahayag ni Direk Vince: “Kasama na po roon ang pakikipag-usap natin, kami po ay tubong-Nueva Ecija, sa pakikipag-usap sa mayor ng Gapan, si Mayor Emeng [Pascual].
“Na talagang ibinigay yung buong Little Vigan at yung bahay at yung pagpapakain sa Gapan, lahat sinagot.
“At nanghiram tayo ng camera kay Dondon Monteverde. Nagpahiram. Nagpa-sponsor sa iba’t ibang tao at pulitiko para matuloy po ang pelikula.
“Kaya noong tinatanong po ito sa ano, nagulat sila na ganito lang ang presyo ng paggawa ng pelikula.
“Hinihimok ko ang lahat na mga filmmakers, hindi po natin kailangang gumastos ng napakalaki.
“Kasi hindi na po talaga kasiguraduhan na maibalik ang ating mga kapital.
“Kaya po sa abot ng ating makakaya, sana makagawa pa rin tayo ng maraming Sining. Maraming pelikula kahit may kaunting budget.
“Nasa ingenuity na po ninyo iyan. Nagawa po namin iyan. Yun din pong buong Peñaranda kung saan ang bayan ng aking ina at sina Dr. Corpuz at marami pang nagtulung-tulong sa Peñaranda para matuloy ang pelikula… yung tinirhan namin doon, nilibre lahat-lahat.
“So puwede rin iyang magawa ng mga kaibigan kong mga filmmakers na naririto.
“Kahapon lang, nag-attend ako ng isang premiere ng isang pelikula, na ang nagastos daw nila, PHP25M.
“Sabi ko, napakalaki, at nakakatakot na baka hindi na mabawi. Kaya hinihimok ko ang lahat, maaari po tayong makagawa ng kahit ganito kaliit lang na pelikula pero may kuwenta sa maliit na halaga.”
Sana, maganda at sulit ang kinalabasan nito sa kabuuan.
Read: Nico Bolzico, Wil Dasovich admit underestimating Alden Richards
GORGY RULA
Panahon ng Duterte administration nang unang ipalabas ang pelikulang Ang Bangkay noong Mayo 14, 2022 sa Shangri-La Plaza, EDSA cor. Shaw Blvd., Mandaluyong City.
May mga simbolismo at pahiwatig ang pelikula kaugnay sa mga kaganapan noon.
Ngayon ay nasa panibagong kabanata na ang ating bansa.
Ano ba ang mensahe na gusto niyang iparating sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan?
“Everything is political,” sambit ni Direk Vince Tañada.
“There is a necessity for the Art to transcend from being entertaining to becoming transformative.
“Dapat, me as an artist, as a writer, and as a theater performer, I’m already jaded entertaining people.
“I have transcended from being an entertainer to becoming an educator. So I truly believe that we can utilize our Art as a medium not only to educate and to inspire people but more important than that, we should be geared to transform our society.
“And I guess that is the core purpose of us artists. Ang tunay na artista ng bayan, hindi po kimi.
“Lagi pong nakikisangkot. Laging nagmamatyag. At kung kinakailangan, tatayo at lalaban.”
Read: Ang Bangkay, pinakamapangahas sa lahat ng 8th Sinag Maynila entries
