GORGY RULA
Nasa bakasyon ngayon si Coco Martin, kasama ang partner niyang si Julia Montes, para magpahinga muna bago mag-taping ng bagong teleserye nilang Sigabo.
Ang dinig namin, nasa Spain daw ang showbiz couple.
Pero ayaw itong kumpirmahin sa amin ng malapit na kaibigan ni Coco na si Ihman Esturco nang nakatsikahan namin siya sa aming radio program sa DZRH noong Miyerkules ng gabi, March 25, 2026.
Kasama si Ihman sa cast ng Sigabo.
MUCH NEEDED VACATION
Di ba, napag-usapang may bahay sa Spain si Coco at doon ay pribado na ang buhay nito kasama si Julia?
Ang sabi ni Ihman sa amin, kailangan lang talaga ng bakasyon ni Coco, at para makapagpahinga rin daw ang buong production staff ng CCM Productions.
“Nagpahinga lang talaga. Kasi napagod din talaga yung lahat, yung mga staff. Kailangan magpahinga.
“Si Coco, hindi napapagod, e!” natawang pakli ni Ihman.
“Yung mga tao sa paligid niya, kailangan magpahinga para makapag-isip nang tama, yung tipong ganun. Para makagawa ng magandang konsepto.
“Pero magre-resume na kami ng taping mga second week ng April.”
Read: Coco Martin at Julia Montes, wala umanong itinatago sa publiko
SIGABO WILL PUSH TRHOUGH
Pinabulaanan ni Ihman ang kumakalat na balitang kanselado na raw itong bagong teleserye ni Coco.
Unang inanunsiyo ni Coco na noong March 16, 20206 ipalalabas ang pilot episode ng Sigabo, o dalawang araw pagkatapos ng finale episode ng FPJ's Batang Quiapo.
“Tuloy na tuloy yung Sigabo,” paniniyak ni Ihman.
“Alam niyo naman si Coco na very particular pagdating sa safety ng mga tao. At saka siyempre, kailangang magpahinga ng mga tao sa paligid niya.
“Exciting itong bagong konsepto ni Coco ng Sigabo. Saka ang ganda ng mga artistang kasama, big cast na naman, yung tipong ganun.
“May bago talaga. Bagong formula, bagong look na tiyak na aabangan ng mga fans ng Batang Quiapo at saka Ang Probinsyano.”
Naghahanda na raw ngayon ang buong production staff para sa pagsisimula ng Sigabo.
Saad ni Ihman: “In fact, nagkaroon nga kami ng meeting kanina. So, kung papano yung mga mangyayari, kung ano yung mga rules.
"Kasi they’re very particular with that in the production.
“So, kausap namin lahat ang mga artista. We’re keep on updating, no? Kung ano yung mangyayari.”
Read: Coco Martin, inanunsiyo ang pagtatapos ng Batang Quiapo
NOEL FERRER
Habang nasa bakasyon si Coco Martin, umalis din si Ihman Esturco patungong Amerika upang asikasuhin ang special screening ng pelikulang Jackstone 5 para sa mga kababayan natin sa Arizona, USA.
Kasama nila si Eric Quizon na isa sa mga bida ng naturang pelikula na idinirek ni Joel Lamangan.

Isasabay na rin daw nila roon ang USA Expansion Tour 2026 ng JuanCollab, na ang nasa ilalim nito ay ang JuanPay at JuanMeds na ine-endorse ni Eric.
Bukod sa Arizona ay pupunta rin daw si Eric sa Los Angeles at San Francisco, at kung kakayanin ay baka daluhan na rin daw ni Eric ang special screening ng Jackstone 5 sa Washington, DC.
Pero nasa Arizona muna ngayon si Eric.
Read: Si Barbie Forteza ba ang Kapuso star na makakasama ni Sharon Cuneta sa teleserye?
JERRY OLEA
Wala pang official announcement kung kailan magsisimula ang airing ng Sigabo. Pero ito na nga kaya ang itatapat sa The Master Cutter ni Dingdong Dantes sa GMA-7?
May lumabas na teaser ang The Master Cutter at nakalagay na magsisimula na ito sa Mayo.
So, mauurong din ang umpisa ng Netflix streaming ng The Master Cutter na napabalitang Abril 17?

UPCOMING SERIES
May mga nai-post sa social media na kuha sa story conference ng Sigabo, at nandoon si Joey Marquez.
Pero nakita rin namin si Joey sa teaser ng The Master Cutter.
Inaalam pa namin kung guest lang ba si Joey sa pilot episode ng action-drama series ni Dingdong.
Nasa si Sigabo rin si Roi Vinzon, pero nalaman naming umatras na ito para makasama siya sa serye ng anak niyang si Anton Vinzon, ang Kamao.
Kailangan lang daw niyang suportahan itong serye na pagbibidahan ni Anton.
Sa Abril 3, Biyernes Santo, ang Netflix streaming ng pilot episode ng Blood vs. Duty nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson.
Abril 6, Lunes, ang airing ng pilot episode nito sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live.

Napanood namin ang pilot week ng Blood vs. Duty nitong Marso 27, Biyernes, sa Trinoma, Quezon.
Umaatikabo na agad ang aksyon at bakbakan dito — Muslim laban sa Kristiyano, Pilipino laban sa kapwa Pilipino.
Pinagkagastusan ang palabas. May pa-helicopter!
Tampok din sa Blood vs. Duty sina Bela Padilla, Barbie Imperial, Baron Geisler, Jaime Fabregas, Ejay Falcon, Edgar Mortiz, Geoff Eigenmann, Rommel Padilla, Elmo Magalina, Junjun Quintana, Gerald Madrid, Susan Africa, Antonio Aquitania, at marami pang iba.
Read: Bayani Agbayani, bakit binura ang video ng Atayde family minus Maine?
