GORGY RULA
Huhusgahan ang lakas sa takilya ng tambalang AlFia o Team Jolly nina Sofia Pablo at Allen Ansay sa summer horror film na Huwag Kang Titingin na magso-showing sa mga sinehan sa April 15, 2026.
Collaboration ito ng GMA Pictures at Mentorque Productions sa direksiyon ni Frasco Mortiz.
Bukod kina Sofia at Allen, kasama rin sa pelikulang ito ang iba pang Kapuso stars na sina Michael Sager, Marco Masa, Charlie Fleming, Sean Lucas, Josh Ford, Anthony Constantino, at may special participation dito si Shuvee Etrata.
Tanging si Kira Balinger ang taga-Kapamilya.
Nagpapasalamat siya sa mainit na pag-welcome sa kanya ng taga-Kapuso network.
Read: Shuvee Etrata recalls intense bashing she faced in the past
SHUVEE ETRATA'S SPECIAL PARTICIPATION
Karamihan sa kanila ay galing sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, at isa sa bentang-benta rito ay si Shuvee na maikli lang ang role.
Gusto mang isama si Shuvee sa main cast, hindi raw pumuwede sa napaka-hectic niyang schedule nung ginagawa nila ang Huwag Kang Titingin.
“Sobrang ikli lang po. Sa sobrang dami po ng taping days, ganito, isa lang,” natatawang pakli ni Shuvee nang nakatsikahan ng PEP Troika sa media conference ng pelikula kahapon, Marso 26, 2026.
“Kasi nung ginagawa nila ito, September. Yun po yung time na kalalabas ko lang ng Bahay ni Kuya. Dun ako pinaka-busy buong buhay ko ng showbiz,” bulalas ni Shuvee.
“Iyon po yung sobrang araw-araw po may ginagawa ako. Kaya wala akong maibigay na commitment, na time. Kaya po isang araw lang ang naibigay ko.
“Ang bida po talaga dito sina Sofia and si Allen po. Sobrang konti lang po ako.”
Sabi pa ni Shuvee, susunod lang daw siya kung ano ang plano ng GMA-7 sa kanyang showbiz career.
“Siguro po ano lang… I take it step by step po, kung ano yung binibigay sa akin ng GMA.
“Kung naniniwala po sila sa akin na gumawa ng pelikula, I would gladly love to have it po.
"To get every little opportunity na puwede po nilang ibigay sa akin, big or small, tatanggapin ko po yan. Para po sa ikabubuti ng career ko.
“Para sa growth ko bilang artista, tatanggapin ko po,” saad niya.
Read: Shuvee Etrata addresses criticisms about her political stand
NOEL FERRER
Kamakailan lang ay muling na-bash si Shuvee Etrata nang nagkita sila ni Donny Pangilinan sa birthday party ni Bernard Cloma.
Nai-post ang video na sobrang kinikilig pa rin siya sa Kapamilya actor, na naging houseguest sa PBB Celebrity Collab.
Dahil dito, pinutakti na naman siya ng bashing mula sa mga nagagalit na DonBelle fans.
Nag-sorry si Shuvee sa fans.
Mensahe ng Kapuso actress sa DonBelle fans: “Sa lahat na po na DonBelle fans, gusto ko pong mag-sorry if I reacted that way.
"I’m so sorry if I’m always fangirling over Donny. I will do my best para mapigilan po yung nararamdaman natin next time.
“Pero, he’s really just a crush. Wala pong chance na magka-level po kami ni Donny.
“Kasi po si Donny po ay isa na pong kumikinang na bituin. Ako po ay paganun pa lang po, pausbong pa lang po ako.
“So, sana po ay mag-enjoy. Keep supporting."
Pakiusap pa ni Shuvee: “I hope you just spread love. Be mindful with how you say your comments online. Kasi, words can really be painful to somebody.
“I know na lahat naman… as long as your intention is good, then patuloy lang po magmahalan tayong lahat.”
Read: Si Barbie Forteza ba ang Kapuso star na makakasama ni Sharon Cuneta sa teleserye?
IS SHUVEE OPEN TO WORKING WITH DONNY?
Bukas ba siya sa posibilidad na makatrabaho si Donny sa isang pelikula o teleserye?
Sagot ni Shuvee: “For sure naman po, kung meron mang mag-offer… kasi Star Magic po si Donny, e. Ako po ay GMA.
“Hindi ko lang po alam kung kaya po nila… wala pa po akong idea ngayon sa kung ano man yung gusto nila.
“Pero kung meron mang trabaho, alam niyo naman po ako, kahit na anong trabaho tatanggapin natin yan.
“Hindi ko lang alam baka kung yung taping days, baka kung 10 magiging 20 kasi hindi ako maka-acting nang maayos.
“Baka hirap na hirap. Grabe naman to!”
Sabi pa niya: “Minsan kasi nakakalimutan ko artista ako. Nakakalimutan ko minsan, ‘Shuvee, please lang, umayos ka!’
“Minsan nakakalimutan ko… minsan sa sobrang totoo ko sa sarili ko, nakakalimutan ko baka may mga cameras na nakapaligid sa akin, na puwedeng punahin ako.
“So, na-OA-han ako sa sarili ko.”
JERRY OLEA
Kasama ni Shuvee sa Huwag Kang Titingin ang Fil-Am model-actor na si Anthony Constantino, na napapabalitang boyfriend niya.
NiIinaw ni Shuvee na nasa ligawan stage pa lang sila. Hindi pa raw niya boyfriend si Anthony.
“Sinabi ko kung hindi ko makuha si Donny, maghanap ako ng kamukha niya,” pabirong sagot ni Shuvee.
“Si Anthony na sobrang guwapong version, sobrang talino. Nasa kanya naman talaga lahat."
Sabi pa ni Shuvee tungkol kay Anthony: “Hindi pa po kami. Pero nag-meet po kami January 24 last year. Nagliligawan po talaga.
“Para sa akin, ten years more. Ang mga lalaki kasi, kapag sinasagot mo, dun pa siya maaaning. May mga ganun.”
Read: Shuvee Etrata appreciates Anthony Constantino’s patience, efforts

SHUVEE ETRATA VISITS PBB HOUSE
Samantala, bago pala dumalo si Shuvee sa mediacon ng Huwag Kang Titingin ay dumaan siya sa PBB house na magsasara na at ilipat sa ibang lugar.
“Kanina, dinalaw ko. Mag-isa akong dumalaw dun,” bulalas ni Shuvee.
“Kasi, wala… yun po yung bahay na nagbigay sa akin ng kinabukasan, e.
“Iyon yung nagbigay sa akin ng napakaraming blessings. So, gusto ko lang magpaalam kanina, kaya pumunta po ako doon. Nag-take ako ng picture.
“Naging emotional ako sa pagbalik ko. Wala na. Wala na yung furniture, wala na talaga.
“Saan kaya sila lilipat?” pakuwelang tanong sa amin ni Shuvee.
Ang sabi-sabi, lilipat ang Bahay ni Kuya sa ABS-CBN Soundstage sa Horizon IT Park, San Jose del Monte, Bulacan.
Totoo kaya iyon?
Read: Shuvee Etrata fulfills dream of becoming a PBB housemate
