PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Michael Sager, aminadong matindi ang pressure sa Born To Shine

Born To Shine, umakyat na ang ratings.
by PEP Troika
Published Mar 27, 2026
michael sager born to shine
Michael Sager on starring in the musical drama Born To Shine: “Yes! There’s so much pressure, afternoon pa nga on GMA. So, talagang gusto lang po namin ihatid sa lahat ng mga Kapuso and sa mga viewers tung istorya about dreamers, and to inspire them. Sana matuwa po sila."
PHOTO/S: Instagram / GMA Drama Facebook

GORGY RULA

Nagulat ako sa mababang rating ng pilot episode ng Born To Shine nina Zephanie at Michael Sager noong Lunes, March 23, 2026.

Pero nang mga sumunod na araw, March 24, ay nakabawi na ito. Tumaas na.

Mula sa 3.9% na pilot episode rating nila, naging 5.1% na siya bigla at na-maintain na ito.

Siguro, mababa lang talaga ang viewing level noong Lunes.

manilyn zephanie born to shine
Manilyn Reynes and Zephanie in Born To Shine
Photo/s: GMA Drama Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya happy na rin si Michael nang nakatsikahan namin sa media conference ng pelikula nilang Huwag Kang Titingin kahapon, March 26.

“Hindi lang siya yung typical musical na show, but yung talagang musical aspect,” sey ni Michael.

“And ako po, nakita ko dun na how I will help the show is really… it’s the perspective of Zeph and her beautiful character there.

“So we will see how she will shine and siguro dun lang po ako to show the side of showbiz as a singer and stuff like that.

“And natutuwa lang po that I was a part of that.”

Hindi maiwasang ma-pressure daw talaga sila, lalo na’t musical ito na iba sa mga drama series na napapanood sa hapon.

“Yes! There’s so much pressure, afternoon pa nga on GMA.

“So, talagang gusto lang po namin ihatid sa lahat ng mga Kapuso and sa mga viewers tung istorya about dreamers, and to inspire them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sana matuwa po sila,” lahad ni Michael.

MARCH 24 RATINGS

Bukod sa Born To Shine, narito ang ratings ng iba pang programa sa hapon noong nakaraang Lunes:

Ang It’s Showtime ay 5.4%, at ang Eat Bulaga! ay 3%.

Pagkatapos ng Born To Shine ay ang House of Lies na 4.8%, at ang replay na Senior High ay 0.4%.

Ang Apoy sa Dugo naman ay 3.8%.

Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 2.6%, at ang sumunod na Sweetest Taboo ay 1.6%.

Nakakapagtaka na ang Family Feud, kung saan naglaro ang Ultimate 8 ng PBB Celebrity Collab 2.0 na pinangunahan nina Caprice Cayetano at Heath Jornales, ay 5.9% lang ang rating.

pbb ultimate 8 family feud
PBB Ultimate 8 on Family Feud: (top, from left) Joaquin Arce, Lella Ford, Ashley Sarmiento, and Caprice Cayetano; (bottom, from left) Heath Jornales, Princess Aliyah, Krystal Mejes, and Miguel Vergara.
Photo/s: Family Feud Philippines Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagdating sa primetime, ang 24 Oras ay 11.1%.

Ang katapat nitong Frontline Pilipinas ay 1.9%, at ang TV Patrol ay 3.1%.

Consistent nang mataas ang Sang’gre na naka-10.4%; ang The Alibi: Ang Buong Katotohanan ay 4.3%, at ang Totoy Bato ay tumaas at naka-1.4%.

Sumunod ang Never Say Die na 6.8%, at ang What Lies Beneath ay 3.1%.

Ang The Secrets of Hotel 88 ay 3.4%, at ang Love Scout ay 1.3%.

Ang Saksi ay 2.1%.

NOEL FERRER

Pagdating ng Miyerkules, March 25, na-maintain ng Born To Shine na okay pa rin ang rating nila.

Simulan muna natin sa It’ Showtime na 5.2%, at ang Eat Bulaga! ay 3.2%.

Ang Born To Shine ay bumabaha nang bahagya sa 4.8%; at nakatapat na nito ang replay ng Can’t Buy Me Love na 0.6%, at ang Frontline Express naman 1.8%.

Sumunod ang House of Lies na 4.7%, at ang Senior High ay 0.4%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Apoy sa Dugo ay 4.1%.

Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 3%, at ang sumunod na My Sweetest Taboo ay 1.7%.

Medyo mababa pa rin ang Family Feud na nagse-celebrate pa naman ng 4th anniversary nito; 5.6% lamang ito.

Sa primetime na sinimulan ng news, ang 24 Oras ay 10.4%. Ang Frontline Pilipinas ay 1.3% at ang TV Patrol ay 2.8%.

Medyo bumaba rin ang Sang’gre na 9.4%; ang The Alibi ay 4.1%, at ang Totoy Bato ay bumaba muli sa 0.9%.

Sumunod ang Never Say Die na 6%, at ang What Lies Beneath ay 2.7%.

Ang The Secrets of Hotel 88 ay 3.3%, at ang Love Scout ay 1.5%.

Ang Saksi ay 2.1%.

JERRY OLEA

Noong Huwebes, March 26, naman ay medyo bumaba ang Born To Shine.

May mga nagkokomento lang bakit hindi raw sila gumagamit ng OPM songs bilang musical naman ito.

Nahahalatang nagtitipid daw sila, kaya hindi nagbayad ng rights ng mga classic na Pinoy songs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MARCH 26 RATINGS

Narito ang ratings ng afternoon shows noong Huwebes.

Ang It’s Showtime ay 5.3%, at ang Eat Bulaga! ay 3.1%.

Ang Born To Shine ay 4.4%; ang Can’t Buy Me Love ay 0.7%, at ang Frontline Pilipinas Express ay 1.7%.

Ang House of Lies ay 4.2%, at ang Senior High ay 0.5%.

Sumunod ang Apoy sa Dugo na 3.6%, at ang Gold ay 0.2%.

Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 3%, at ang sumusunod na My Sweetest Taboo ay 1.9%.

Sa primetime naman ay naka-10.5% ang 24 Oras. Ang Frontline Pilipinas ay 1.8%, at ang TV Patrol ay 3.3%.

Medyo tumaas uli ang Sang’gre na naka-10.3%, ang The Alibi ay 4.2%, at ang Totoy Bato ay 1.3%.

Ang Never Say Die ay 6.9%, at ang ini-stretch na What Lies Beneath ay 2.6%.

Ang The Secrets of Hotel 88 naman ay 3.7%, at ang Love Scout ay 1.4%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Saksi ay 2.1%.

TV SHOWS ON HOLY WEEK

Sa Semana Santa, mas mababa kaya muli ang ratings?

Siyempre, may special programming ang mga TV network sa Huwebes Santo at Biyernes Santo.

Sa Abril 6, Lunes, ay eere na ang maaksyon at madugong Blood vs. Duty nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson.

Totoo bang extended pa nang konti ang Sang’gre?

Ini-announce ng TV5 na eere na sa Abril ang My Bespren Emman ni JM de Guzman.

Yung A Secret in Prague nina Andrea Brillantes at Enrique Gil, happening soon.

Sa Abril ba, sa Mayo, o secret pa ang airing date nito?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michael Sager on starring in the musical drama Born To Shine: “Yes! There’s so much pressure, afternoon pa nga on GMA. So, talagang gusto lang po namin ihatid sa lahat ng mga Kapuso and sa mga viewers tung istorya about dreamers, and to inspire them. Sana matuwa po sila."
PHOTO/S: Instagram / GMA Drama Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results