PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Daisy Reyes, hindi ikinakahiya ang pagbebenta ng kanyang produkto

Daisy Reyes, ipinagdasal ang kanyang mister.
by PEP Troika
Published Mar 28, 2026
daisy reyes business
Former beauty queen-actress Daisy Reyes on her business mindset: “Huwag mong ikahiya. Kasi ikaw mismo ang magpo-promote ng product mo, di ba? Sabi nga nila, ‘O, si Daisy parang trying hard naman. Hanggang dito ba naman…’ Sa sampu, isa lang ang nabuwisit sa akin. Yung siyam, bumili na. Hayaan mo na yung isa."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Mahigit sampung taon na yata kaming hindi nagkita ni Daisy Reyes, at hanggang kumustahan lang kami sa telepono.

Hanggang sa nagkita kami sa SM Aura for lunch noong nakaraang linggo.

Meron pala siyang mga itinitindang mga gawa niyang produkto sa Kultura na matatagpuan sa naturang mall.

Ang dami nang nabago sa buhay ng dating beauty queen at aktres.

Ang ikinatuwa namin, isa na siyang successful businesswoman.

Sa kanya pala ang aromatherapy oils at wellness products na Dr Essentials na nakikita naming naka-display sa Kultura.

Daisy Reyes pala ang ibig sabihin ng Dr sa naturang produkto.

Read: Regine Velasquez announces final major concert in October before retirement

daisy reyes dr essentials
Daisy Reyes proudly showcases her aromatherapy oil products on display at Kultura in SM Aura.
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DAISY REYES PROUD OF HER PRODUCTS

Ipinagmamalaki ni Daisy na siya mismo ang gumagawa ng kanyang produkto, mula sa pagtimpla hanggang sa marketing nito.

Proud siya sa coconut-based na produktong ito at talagang kinakarir niya ang pagtitinda nito.

Hindi raw niya ito ikinahihiya, kahit minsan ay nasisita na raw siya ng kanyang anak.

Saad ng Bb. Pilipinas World 1996 titleholder: “Huwag mong ikahiya. Kasi ikaw mismo ang magpo-promote ng product mo, di ba?

“Sabi nga nila, ‘O, si Daisy parang trying hard naman. Hanggang dito ba naman…’

"Minsan, nagagalit na yung anak ko, e."

Pero dagdag ni Daisy, "Sa sampu, isa lang ang nabuwisit sa akin.

"Yung siyam, bumili na. Hayaan mo na yung isa.

“Kailangan nandun yung passion mo. Kailangang makakatulong siya sa mga tao.”

Hinihintay na lang daw ni Daisy ang approval ng FDA para mailunsad na itong produkto niya.

Read: Former Bb. Pilipinas titleholders, muling nasilayan ng publiko

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Hilig talaga ni Daisy Reyes ang pagnenegosyo.

Naikuwento sa akin noon ng kaibigang Leandro Baldemor na nagka-collab pa sila sa bakya na may Swarovski.

Noong nag-lie low si Daisy sa showbiz, ang dami niyang pinasok na negosyo, at maganda ang kinalabasan nitong huli niyang produkto.

Grabe raw ang passion niya rito dahil inspired ito sa kanyang namayapang ina.

Lahad ni Daisy: “Yung mother ko, mahilig… pag tatanungin mo yan, 'Ano ang gusto mong pasalubong?'

“Alam mo, ang gusto lang niya Salonpas, Tiger Balm, mga ganun.

“Ngayon, meron akong na-meet na nagbebenta ng mga ganito [aromatherapy oils].

“Bibili ako, at mahal ha? Five hundred pesos. Pag inireregalo ko siya, nagugustuhan nila.

“Marami namang ganito sa Pilipinas, e, ang quality maganda din e. Pero ang gusto nila… yung sa mga Kultura ganyan, gusto nila pang-international.

“So, iyon ang ginawa ko.”

COCONUT-BASED PRODUCTS

Ipinagmamalaki ni Daisy ang kanyang produkto dahil sa lahat dawng oil ay itong sa coconut ang pinaka-best.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ang dami nang ganito sa Hong Kong, Thailand... ang dami. Samantalang tayo, coconut oil.

“Hindi tayo vegetable oil, hindi tayo palm oil, coconut oil!

"And that’s the most expensive na… other than argan oil, olive oil. Hindi naman sa atin yun, e.

"Coconut oil is the best around the world!

“So iyon yung naisip ko. Bakit, puwede naman natin pagandahin, e.

“Tinanong ko ngayon yung supplier kung puwede ba magpa-rebrand.

“Kung magpapa-rebrand, magbibigay lang sila ng 20 percent. Siyempre, nag-compute-compute na ako,” bahagi ng kuwento ni Daisy.

Nag-aral pa raw si Daisy sa Aromatherapy Institute of the Philippines para mapaganda niya lalo itong kanyang produkto.

Read: Bayani Agbayani, binura ang video ng Atayde family minus Maine

daisy reyes business
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Ang isa pang ipinagmamalaki ni Daisy ay graduate na siya ng Bachelor of Arts in Theology.

Lahat daw ng hinaharap niya at mga pinagdadaanan niya ay ipinanalangin niya sa Panginoon.

Malaking tulong ang patuloy na pagdarasal, sabi ni Daisy.

Isa na rito ay ang pagkakaroon niya ng asawa.

“Basta legal. Kasi masakit naman pag… alam mo na,” pakli ni Daisy.

DAISY REYES PRAYED FOR THE MAN SHE MARRIED

Ibinahagi rin niya ang pagkakaroon ng relasyon sa ama ng nag-iisa niyang anak. Pero ipinakiusap niyang huwag na itong isulat.

Lahat daw ay ipinanalangin niya, lalo itong pagkakaroon niya ng asawa.

Specific daw ang hiningi niya sa Panginoon kung anong klaseng lalaki ang gusto niyang pakasalan.

“Sabi ko, ‘Lord, gusto ko maganda magdala ng T-shirt. Lord, bahala ka na kung anong trabaho. Basta ayoko ng sa hardware. Ayong magbilang ng pako.’

“Parang suntok sa buwan yun, e,” napangiti niyang pakli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“‘Lord, gusto ko 38 years old.’ Pag babae ka, gusto mo mas matanda sa yo. Ewan ko. Basta iyon yung lumabas sa bibig ko.”

Itinuloy niya ang kuwento na pagkalipas daw ng tatlong buwan, may nagpakilala sa kanyang lawyer sa isang golf tournament.

Ito ay ang kanyang mister na si Atty. Barry Tobias.

Kuwento ni Daidy: “Tapos na yung golf, sinabi sa akin ng isang babae, tibo yun. Sabi niya, ‘Ms. Daisy, single ka ba?’

“'Oo, single mom… lahat yun, documented, ha?'

"‘May ipapakilala ako sa iyo, lawyer siya.’

“'Ilang taon na siya?'

"‘Thirty-eight years old.’

"Nandun yung driver kong babae, kasama ko, narinig niya yun, nagtinginan na lang kami.”

Hanggang sa ipinakilala na raw sa kanya si Atty. Barry pagkalabas niya.

Pagpapatuloy ni Daisy, “Paglabas ko, nandun yung table, 'Hi, hi, eto pala si Attorney…'”

At doon na raw nagsimula ang kanilang relasyon.

Nagpakasal sila noong 2019.

Naniniwala si Daisy na lahat ay idinaan sa taimtim na pananalangin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa siya nagka-baby uli.

Pero proud si Daisy sa kanyang nag-iisang anak na malapit nang mag-graduate sa Notre Dame sa Indiana, USA.

Ayaw na lang niyang masyadong pag-usapan ang ama ng kanyang anak dahil tahimik na raw ito.

Pero natutuwa siya dahil sobrang close daw ang anak niya sa ama nitong isang kilalang politician.

Read: Filipino voice cast of Forgotten Island reacts to trailer release

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former beauty queen-actress Daisy Reyes on her business mindset: “Huwag mong ikahiya. Kasi ikaw mismo ang magpo-promote ng product mo, di ba? Sabi nga nila, ‘O, si Daisy parang trying hard naman. Hanggang dito ba naman…’ Sa sampu, isa lang ang nabuwisit sa akin. Yung siyam, bumili na. Hayaan mo na yung isa."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results