GORGY RULA
Isa si Michael Sager sa kinatutuwaan namin sa mga nakalinyang bagong Kapuso leading men.
Marami ang nagsasabing multi-talented itong 23-year-old guwapito from Canada.
Nakakaarte, kumakanta, magaling sa hosting, at marunong makisama lalo na sa entertainment press.
Kaya napaisip kami sa mga naririnig naming kuwentong nagbago na raw siya.
Nagka-attitude na ba si Michael? Yumabang na ba siya?
Siya ba ang tinutukoy sa mga naglalabasang blind items na "attitude" na raw ang kuys mo?
Read: Shuvee Etrata, nag-apologize sa DonBelle fans sa pagpa-fangirl kay Donny
MICHAEL SAGER ANSWERS ATTITUDE ALLEGATIONS AGAINST HIM
Napangiti si Michael nang diretsahan itong tinanong sa kanya ng PEP Troika sa media conference ng pelikulang Huwag Kang Titingin na ginanap sa Citadines noong Huwebes, March 26, 2026.
“Well, you know, I always listen to the people ahead of me. Kumbaga, the pillars of the industry,” simulang paglilinaw ni Michael.
“And nung nagsimula po ako, ang dami na talagang mga background noise, kumbaga.
“And kung masasabi nating intriga, e, hindi yan maiiwasan sa showbiz.”
Ayon kay Michael, nakikinig siya sa mga artistang nakakasalamuha niya, lalo na yung matagal na sa industriyang ito.
Aniya: “I’m just thankful that there’s people watching and keeping an eye on me.
“Whether it'll be good or bad, pero talagang kailangan nating harapin, kasi ganun ang showbiz. And I’m just really focused on my goal.
“Alam kong yung totoo will always prevail. The truth always prevails.
“You know, sometimes talaga, there will be misconceptions—or even rumors—spread about you.
“But you know, the people that I work with… and Papa P [Piolo Pascual] has told me that na maging mabuting tao lang, and yung mga tao sa paligid mo ang magsasalita for you."
Dagdag pa niya: “And ako, I don’t need to defend myself in terms of the negativity because I know, I work with positivity, and I fight for right stuff and talagang, kumbaga, hindi ako nagtatrabaho nang unprofessional.
“That’s something that I really keep to myself na something I value in this industry, 'no?
“Ayun po! Minsan I make mistakes, but we learn from it and we grow.”
Si Michael ay co-managed ng Sparkle GMA Artist Center at ng Cornerstone Entertainment, kung saan kabilang din si Piolo.
Read: Nico Bolzico, Wil Dasovich admit underestimating Alden Richards
NOEL FERRER
Ang isa pang madalas nakakausap at nagpapayo kay Michael Sager ay ang veteran actress na si Coney Reyes.
Nakasama ng Kapuso young actor si Coney sa afternoon drama ng GMA-7 na Shining Inheritance (2024).
“Yung talagang No. 1 po is Tita Coney for me,” sabi ni Michael.
“Actually, she was messaging me the other day… ang tawag ko sa kanya, Lola.
“And sinabihan niya ako talaga na, ‘Darating ang panahon na marami kang haharapin, mga mabubuti man o mga not so good, right?’
“So she always told me to keep my faith up, to always pray for guidance, to always be level-headed.
“And siguro yung bihira lang kami magkita. Actually, hindi kami nagkikita often, pero nagte-text talaga kami.
“And na-appreciate ko yun, kasi parang reminders niya talaga sa akin na to always stay grounded, and to always pray.
"And I appreciate that, and nami-miss ko na siya.”
BACK TO WORK AFTER SHORT VACATION
Nagpapasalamat si Michael na nakapagpahinga siya noong New Year sa pamilya niya sa Vancouver, Canada.
Pagbalik niya sa Pilipinas ay ratsada na siya sa trabaho, at dito na raw muna siya naka-focus.
Wala na raw muna yung mga personal na aspeto ng buhay niya.
Saad ni Michael: “Alam niyo po, mahirap ma-distract, e.
"Siguro sa ngayon, sa schedule na bihira na nga magka-personal time, I just wanna focus sa taping, sa mga events na ganito.
"Kasi sayang, e. Ayokong sayangin yung mga opportunity.
“Minsan ginagamit yan to hinder us, but ako, I’ll just focus on my goals, working hard, and working with the truth.”
Read: Bayani Agbayani, bakit binura ang video ng Atayde family minus Maine?
JERRY OLEA
Inapi si Michael Sager sa billing ng poster ng Huwag Kang Titingin.
Sina Sofia Pablo at Allen Ansay naman daw talaga ang bida sa pelikulang ito, kaya mas malaki ang pangalan nila sa co-stars na sina Marco Marco, Charlie Fleming, Michael Sager, Kira Balinger, Josh Ford, Sean Lucas, Anthony Constantino, at Shuvee Etrata.
Solo sa third line ang name ni Shuvee, may “special participation,” at angat ang kulay
NKKLK na nasa second line ang pangalan ni Michael sa poster.

Nakatatlong programa na sa GMA-7 si Michael bilang bida — Shining Inheritance, My Ilonggo Girl, at Born To Shine.
MICHAEL SAGER REACTS TO HIS BILLING IN HUWAG KANG TITINGIN
Ano ang reaksyon ni Michael sa billing ng pangalan niya sa Huwag Kang Titingin?
Aniya: “Alam niyo po, ganun talaga. We have to start in places, and siguro this is my first movie talaga na may lines ako, may mga eksena.
“I’m just so grateful.”
Nagpapasalamat siyang binigyan siya ng magandang break ng GMA-7, at excited siya sa pelikulang ito na magso-showing na sa April 15.
“Nagsimula po ako bilang extra sa Disney film before sa Canada. Natutuwa na ako na naglalakad ako sa likod ng mga bida. And ngayon, part na ako ng billing.
“Kung maliit man o malaki, wala akong minamatang ganun. Kumbaga, and everything is a good opportunity.
“And for me, I’m happy that I’m a part of this, and I’m here to learn from it.
"And maybe in the future, mabigyan din tayo ng opportunity,” saad ni Michael.
On second thought, baka blessing in disguise ang "pang-aapi" kay Michael sa billing sa poster.
Sakaling sumemplang ang movie kung saan sina Sofia, Allen, at Shuvee ang pinaboran, alam na…
Read: Sharon Cuneta, magbibida sa collab teleserye ng GMA-7 at ABS-CBN?
