PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Big winners ng 8th Sinag Maynila

Jade Makawili at Angela Villarin, wagi sa acting awards.
by PEP Troika
Published Mar 29, 2026
8th Sinag Maynila Big Winners
Desperada star Yasser Mata (in gray suit) at Pinikas Jade Makawili (in white suit), nanalo ng supporting best actor at best actor, respectively, sa 8th Sinag Maynila. Kasama sa main photo sina Ang Bangkay actor/director/producer Vince Tanada at Pinikas director Cris Fuego.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Napaluha si Jade Makawili nang i-announce ang kanyang pangalan bilang best actor ng 8th Sinag Maynila filmfest sa awards night noong Marso 28, 2026, Sabado, sa Cinema 11 ng Gateway Mall, Cubao, Quezon City.

Nagwagi si Jude para sa Visayan film na Pinikas na major winner with seven trophies.

Panalo rin ang Pinikas bilang best film, best director (Cris Fuego), best screenplay (Cris Fuego), best actress (Angela Villarin), best editing, at best musical score.

Gumagaralgal na sabi ni Jade, “Thank you so much for this recognition! Thank you so much sa aming direktor, si Direk Cris Fuego. Ah, sorry.

“Kung hindi dahil sa sinulat niya na movie, hindi ako... Or kumbaga, hindi makikita iyung acting ko. Salamat, Direk.

“Sa lahat ng bumubuo ng Sinag, sa mga jury, from Cebu, thank you so much!”

Ang tatlong hurado para sa full-length films ng Sinag Maynila ay sina Direk Jeffrey Jeturian, Direk Zig Dulay, at Dr.Shirley Lua.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinasalamatan ni Jade ang mga kapamilya. Nag-shout out siya sa kanyang mama na nasa Cebu at nanonood ng livestream sa Facebook. Binanggit din niya ang ama, at ang wife niyang si Jasmine.

Ang iba pang best actor nominees ay sina Vince Tañada (Ang Bangkay), Shaun Salvador (Lanaya), at Donggun Kang (Sweet Escape).

After the awards ceremony ay hinanap ni Direk Jeffrey Jeturian si Jade para magpa-picture, at tanungin kung bakit nagpaikli ito ng buhok.

Wala si Angela Villarin sa awards night. Ang tumanggap ng best actress award niya ay ang stunt man na si Michael Bacalso.

Sabi ni Michael, “Ano, iiyak din ako?! Angela… ito na iyun! Whooaa!!! Nanonood si Angela. Nasa ano kasi siya ngayon, nasa parang Middle East. Na-stuck sa giyera.

“Gustung-gusto niyang pumunta dito pero hindi talaga kinaya. Pero Angela! Ito na iyun, best actress! Whooaaa!!! Congratulations, Angela!

“At saka ako pala si ano, iyung tatay niya sa movie kaya ako na lang iyung kumuha. Ako naman iyung tatay, e!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dalawa ang nakalaban ni Angela sa kategoryang best actress nominees, sina Robb Guinto (Desperada) at Madeleine Nicolas (Lanaya).

Yasser Mata at 8th Sinag Maynila
Yasser Mata and Jade Makawili at 8th Sinag Maynila
Photo/s: Jerry Olea

Read: ABS-CBN releases statement amid Lopez family dispute

NOEL FERRER:

Ang best supporting actor ng Sinag Maynila 2026 ay si Yasser Marta para sa Desperada, kunsaan gumanap siyang adik.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ito po ang aking unang parangal bilang isang aktor,” sabi ni Yasser.

“At gusto ko lang pong pasalamatan iyong mga taong nagbukas po ng pintuan para sa akin.

“Unang-una ang Panginoon. Sa lahat ng mga dasal ko ay lagi Mo akong pinakikinggan. Maraming-maraming salamat.

“Sa nanay ko, ‘Ma, thank you! Kung hindi dahil sa iyo, hindi ako artista ngayon. Salamat sa akin na mag-audition noong bata pa ako. At ito, minahal ko na.’

“Sa naka-discover po sa akin, si Kuya Germs [German Moreno]. ‘Ahh, ‘Tay, maraming-maraming salamat, nung nakita mo ako sa Nueva Ecija, dinala mo na agad ako sa GMA.’

“At hanggang ngayon, iyun na iyung naging pangalawang tahanan, ang GMA Network. Kaya maraming-maraming salamat, GMA.

"LDG Productions, maraming-maraming salamat po, Tito Lito [de Guzman]. At kay Sir Dennis Evangelista sa napakagandang script, maraming salamat.

“Direk Louie [Ignacio]! Direk Louie, I love you. Maraming-maraming salamat. And of course, sa partner ko, Robb [Guinto], thank you, thank you for supporting me always.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gusto ko lang sabihin po — 15 years ago, 2011, naglalakad lang po ako sa likod ng kamera, binabayaran ng PHP500. Pero ngayon, best supporting actor na ako!”

Ang iba pang nominadong best supporting actor ay sina Johnrey Rivas (Ang Bangkay), Mhack Morales (Desperada), Jun Nayra (Lanaya), Michael Bacalso (Pinikas), at Marlon Mance (Lanaya).

Itong Desperada ang first daring movie ni Yasser. Naghubad siya rito pero walang frontal nudity.

Maalalang nag-audition si Yasser para sa Lockdown (2021) ni Joel Lamangan, kunsaan nag-frontal nudity sina Paolo Gumabao, Sean de Guzman, Jeff Carpio, Alvaro Oteyza, Dincent Lujero, at Kristian Allene.

Si Yasser din sana ang lead actor sa Haplos sa Hangin (2025), for which ang final choice na si Martin del Rosario ay tinanghal na best actor sa inaugural Cine Silip filmfest.

Tampok si Yasser bilang Hesus sa Siete Palabras (The Seven Last Words of Christ) na itatanghal mula Abril 1, Miyerkules Santo, hanggang Abril 3, Biyernes Santo, sa Brgy. Lourdes North West (LNW), Angeles City, Pampanga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, ang best supporting actress ng Sinag Maynila 2026 ay si Mercedes Cabral para sa Ang Bangkay.

Waley si Mercedes sa awards ceremony. Ang tumanggap ng trophy niya ay ang lead actor, writer, director, at producer ng Ang Bangkay na si Vince Tañada.

Sabi ni Direk Vince, “Napakalungkot po ni Mercedes na hindi po siya nakarating. Nagpabunot ko kasi siya. Namamaga po iyung buong mukha niya…”

Ang iba pang nominadong best supporting actress ay sina Lili Montelibano (Ang Bangkay), Sue Prado (Desperada), at Matet de Leon (Sweet Escape).

Vince Tanada at 8th Sinag Maynila
Vince Tanada, tumanggap ng apat na awards para sa mga kasama sa pelikulang Ang Bangkay.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: DISMISSED: Liza Diño cyber-libel complaint against PEP

GORGY RULA:

Apat na beses nag-acceptance speech si Vince Tañada sa Sinag Maynila 2026 awards night para sa apat na parangal ng pelikulang Ang Bangkay. Wagi ang nasabing period film bilang People’s Choice Award, best supporting actress (Mercedes Cabral), best production design, at best cinematography.

Sabi ni Direk Vince, “Marahil kaya po maraming nanood ng Ang Bangkay dahil po nagpunta po kami sa mga paaralan at inilako ang pelikulang ito para makatulong sa ating industriya, at masabi na we have transcended from being entertainers to becoming educators.”

Kagaya ng Desperada na may isang award para sa best supporting actor na si Yasser Marta, nakaisang award din ang Sweet Escape para sa best sound.

Mahigit 400 entries ang isinumite para sa limang kategorya ng 8th Sinag Maynila. Anim ang finalists na full-length feature films, na napili mula sa 23 pelikulang isinumite. Lima ang finalists sa section na Documentary (Open Category), out of 27 entries.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wagi ang Del Mundo ni Rommel Tolentino. Pinagkalooban ng jury prize ang Mga Muni-Muni sa Gitna ng Ambon by Gio Gonzalves.

Labing-apat ang finalists sa section na Short Film (Open Category), na pinili mula sa 131 aspiring entries. Wagi ang Paon ni Seb Valdez ng Cadiz City, Negros Occidental.

Second best short film dito ang Hoy! Pili ka na! ni Banjo Hinolan ng Bacolod City, at third best short film ang Kaon ni Miguel Dimaiwat ng Quezon City.

Anim ang finalists sa section na Best Documentary (Student Category), mula sa 66 student documentaries. Wagi ang Di Lalim, Di Lalum ni Nicole Reyes ng Tagum City National Comprehensive High School.

Second best documentary rito ang Shalom ni Kiah Resurreccion ng Far Eastern University, at third best documentary ang Cemento ni Justine Borlagdan ng University of the Philippines Diliman Film Institute.

Dalawampu’t apat ang nagtagisan sa section na Best Short Film (Student Category). Na-trim down iyon mula sa 202 submissions. Wagi ang Lugud ni Jarno Malonzo ng Ateneo de Manila University.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Second best short film dito ang Mag Unsa Na Lang Ta Ani ni Keith Nemenzo ng Foundation University, at third best short film ang Mga Ulol ni Vince Ivan Vesiete ng Mindanao State University.

Pinagkalooban ng jury prize ang Duros ni Harvey Gozado ng Cagayan State University. Extended nang three days ang 8th Sinag Maynila.

Mapapanood sa mga sinehan ang full-length films hanggang Abril 1, Miyerkules Santo.

Sinag Maynila is an annual independent film festival in the Philippines co-founded by Mr. Wilson Tieng of Solar Studios Inc., and acclaimed filmmaker Brillante Mendoza, who serves as the festival director.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Desperada star Yasser Mata (in gray suit) at Pinikas Jade Makawili (in white suit), nanalo ng supporting best actor at best actor, respectively, sa 8th Sinag Maynila. Kasama sa main photo sina Ang Bangkay actor/director/producer Vince Tanada at Pinikas director Cris Fuego.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results