PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mister ni Kiray, higit pa sa Disney princess ang trato sa aktres

Kiray Celis, pahinga muna sa showbiz para makabuo ng pamilya.
by PEP Troika
Published Mar 30, 2026
kiray cels husband stephan estopia
Kiray Celis excited to start a family with husband Stepah Estopia: “Saka yung asawa ko, excited talaga siyang magkaroon ng anak. Pito ang pangarap niya, di ba? Seven pa naman yung pangarap ko. Hindi ko nga kaya araw-araw, e! Hindi ko talaga kaya. Bigyan niyo ako ng tips.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook

JERRY OLEA

Ikinasal sina Kiray Celis at Stephan Estopia sa Shrine of St. Therese of the Child Jesus sa Newport City, Pasay City, noong Disyembre 13, 2025.

Wala sa itsu ni Kiray na “napuruhan” na siya ng mister.

Naka-high heels si Kiray at payat-payatan sa mediacon ng Kiray’s Brands na Hello Bloom, Hot Babe, Skin Vibe at Day-Li noong Marso 28, 2026, Sabado, sa Storya Kitchen, V. Luna Avenue, Diliman, Quezon City.

“Actually, nagpapataba ako ngayon,” mabining sambit ni Kiray.

“Kasi nga, underweight ako sa height ko. Underweight ako sa weight ko. E, since gusto ng asawa kong mag-start ng family, and ito ngang daily barley juice at coffee ko, nakakatulong siya sa may mga PCOS [polycystic ovary syndrome].

“May Mio-inositol kasi ito. So, perfect siya kasi mag-i-start na kami ng family.

“E, since launching nga ngayon, bago ko ilabas, ako ang unang nag-try. Kaya medyo nagge-gain ako ng weight talaga ngayon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kiray Celis is now married to Stephan Estopia

KIRAY CELIS TAKES A BREAK FROM SHOWBIZ

Naka-focus si Kiray sa pagva-vlog, online selling, at pagpapalago ng Kiray’s Brands kung saan siya ang Chief Executive Officer (CEO).

Iwinaksi muna niya ang pag-aartista?

Tumango si Kiray: “Sa ngayon, yes. At saka po parang mas… siyempre mahirap kapag bumalik ako sa showbiz, tapos biglang nagka-family ako bigla.

“Hindi ko alam kung paano ako papatayin sa eksena. E, noong time na yon, mga dalaga pa naman ako. So, wala naman. So OK lang.

“Pero ngayon, parang feeling ko po, OK po muna mag-business. Saka ikinasal ako. Nung bago naman ako ikinasal, nagpaalam ako sa manager ko sa Sparkle.

“Na soon, mag-i-start na rin ng family. Kasi mag-aasawa. So, ano ba namang next?

“Saka yung asawa ko, excited talaga siyang magkaroon ng anak. Pito ang pangarap niya, di ba? Seven pa naman yung pangarap ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko nga kaya araw-araw, e! Hindi ko talaga kaya. Bigyan niyo ako ng tips.”

Gaano kadalas? Gaano kadalas para makabuo?

Napakunot-noo si Kiray, “Gaano kadalas… yung… feeling ko, mas madalas ka pa rin, Tito. Ha! Ha! Ha! Ha!”

Read: DISMISSED: Liza Diño cyber-libel complaint against PEP, Tirso Cruz III, Joey Reyes, Atty. Joji Alonso

Kiray Celis is now married to Stephan Estopia
Kiray Celis and husband Stephan Estopai on their wedding day.
Photo/s: Kiray Celis on Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Mahirap ba ang adjustment mula sa pagiging single at ngayon ay married siya?

“Single to married? Hindi. Parang best friend ko kasi yung asawa ko,” pagmamatwid ni Kiray Celis.

“So, wala namang adjustment. Saka mahal na mahal siya ng family ko talaga.

“Siguro pinagkaiba lang, ngayon magkasama kami sa bahay every day. Pero kasi, siguro… di ba po, noong bata kasi ako, laging nandiyan sina Mama saka sina Papa.

“Nag-aalaga sa akin, alalay. Parang hindi nawala si Mama at si Papa, kasi ganun siya sa akin.

“Si Papa yung dati nagda-drive, di ba? Kaya nga doon sa vows ko, sabi ko, sana makahanap ako ng kagaya ng papa ko na naglalaba, nagluluto, naglilinis.

“Kasi si Papa yun lahat sa bahay namin. Yung mama ko, chill. Ganun ako ngayon! Totoo.

“Yung asawa ko ngayon, nagda-drive. Naglilinis, nagluluto. Tapos yung business niya, ang nagha-handle, yung kapatid ko.

“Pinaalis namin yung kapatid ko sa work niya. Tapos yung business ng asawa ko na mga paupahan at saka computer shop, siya yung nagha-handle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Para nasa akin siya.”

Lagi silang magkasama ng asawa niya?

“Every day! Every day, tapos ngayon, may editor kami pero nag-e-edit na rin siya ng iba kong videos,” pagsisiwalat ni Kiray.

“Tapos nagbi-video siya ng mga videos ko. Randomly ganun yung mga ginagawa niya. Gusto niya talaga, all-around sa akin.

“Sobrang grabe yung asawa ko talaga.”

Read: ABS-CBN releases statement amid Lopez family dispute

GORGY RULA

Buhay-Disney princess pala si Kiray Celis sa piling ng mister niyang si Stephan Estopia?

“Hindi! Sabi nyo, Disney princess ako? Maa malala pa ako sa Disney princess!” bulalas ni Kiray.

“Kasi yung Disney princess, nagluluto yun, e, di ba? Naglilinis. Si Cinderella, masipag yun. Hindi ako ganun, e.”

E, ano ang ginagawa niya?

“Ako yung daga doon!” pagbibiro ni Kiray.

“Yung daga, kasi wala talagang ginagawa.”

Paano siya bumabawi kay Stephan sa all-around na pag-aasikaso nito sa kanya?

“Pinapayagan ko siyang mag-computer, ganun. Wala, ganun lang,” sey ni Kiray.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun nga, kasi napansin ko, siguro dahil late bloomer ako at late ako nag-asawa, hindi nga ako mahilig.

“So, hindi ko talaga kaya every day kagaya nung mga gusto niyong mangyari!

“Kung pinipilit niyo, hindi talaga!”

Sino ang nangangalabit?

“Siya talaga!”

LIVE PACKING

Pag kinalabit siya ni Stephan, lagi niyang pinagbibigyan?

“Minsan, hindi. Kasi pagod na ako… siyempre, nagla-live ako. Di ba?” paliwanag ni Kiray.

“Pag nagla-live naman ako, asawa ko naman yung taga-check ng stock. Tapos minsan kunyari, trip-trip ko kasi, pag nagla-live ako, live packing.

“Kunyari… iba-bubble wrap nung asawa ko, tapos ako na yung maglalagay sa itim na plastik na dumarating sa inyo.”

Gaano kadalas silang mag-packing?

“Ako, once a week lang ako mag-live packing. Every Friday,” saad ni Kiray.

Kung abala sila sa live packing sa tuwi-tuwina, paano ang pangarap nilang magkaroon ng pitong supling?

“Seven ang gusto ko pero hindi ko alam nga, parang mali yung desisyon ko. Kung ilan na lang yung ibigay,” lahad ni Kiray.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, 31 na po ako, di ba? Alam niyo yan, bata ako nagtrabaho. Bata ako nag-start.

“So feeling ko, ngayon ko lang nae-enjoy yung sarili ko na, ‘Ay! Ganito pala ang feeling na may asawa, ganyan. Na kaming dalawa na lang talaga.’

“So excited ako. At saka siyempre ganito ko rin makikita sa product ko yung bagong labas, yung bagong launch na barley kung talagang effective.

“Kasi ako ang unang nag-try bago ko i-launch, e. Sana this year, masabi ko sa inyo na pregnant na ako.”

Read: Ron Angeles spills details about viral video scandal

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kiray Celis excited to start a family with husband Stepah Estopia: “Saka yung asawa ko, excited talaga siyang magkaroon ng anak. Pito ang pangarap niya, di ba? Seven pa naman yung pangarap ko. Hindi ko nga kaya araw-araw, e! Hindi ko talaga kaya. Bigyan niyo ako ng tips.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results