GORGY RULA
Nade-delay ang pag-uumpisa ng taping ng isang teleserye dahil sa kanilang lead actress.
Dapat ay noong Pebrero 2026 pa nagsimula ang taping, pero ilang beses na raw napa-pack up ang taping.
May schedule na raw ng taping, pero biglang unavailable na ang bidang aktres.
Hanggang sa finally natuloy na ang first taping day, pero waley naman pala si Lead Actress.
“Hanggang kailan kaya ganito tatakbo ang show?” tanong ng ilang taga-production.
LEAD ACTRESS, MAGIGING MOMMY NA?
Kung anu-ano na ang naiisip kung bakit hindi siya puwede, kaya napapagdudahan tuloy na magiging mommy na si Lead Actress.
Hindi kasi maipaliwanag kung bakit hindi pa rin siya puwedeng magtrabaho.
Pero sa totoo lang, hangad ng karamihan na sana totoo na lang na buntis siya.
Her biological clock is ticking, ika nga.
Sa kalagayan niya ngayon, dapat na talaga siyang magka-baby, sa totoo lang.
Read: ABS-CBN releases statement amid Lopez family dispute
NOEL FERRER
Naku, a child is always a blessing, kung totoo mang may bunga na sa sinapupunan ni Lead Actress.
Pero kung wala pa naman, baka mas magandang iupo at pag-usapan kung mas mainam kung aayon ang teleserye taping sa personal schedule ng aktres.
Magandang magkalinawan lahat umpisa pa lang para mas maging mapayapa at maayos ang kanilang pagtatrabaho.
Kaya nilang ayusin yan! Promise!
JERRY OLEA
May kontrata si lead actress sa TV network.
Sakaling kailangan siyang palitan sa nasabing teleserye, puwedeng maging blessing in disguise iyon sa produksiyon.
Abang-abang tayo ng update!
