GORGY RULA
Dinagsa ng mga kababayan natin sa Arizona, USA, ang special screening ng pelikulang Jackstone 5 na ginanap sa Pollack Cinemas noong Sabado, March 28, 2026.
Dinaluhan ito ng isa sa mga bidang si Eric Quizon, na sumabay na rin sa launching ng iniendorso nitong JuanMeds Pharmacy ng JuanCollabs at Juan Pay.
Bago ang sceening noong Sabado, nagkaroon muna ng press conference sa isang Pinoy restaurant sa Arizona.
Natuwa ang mga kababayan natin dahil napaka-accommodating ni Eric.

ERIC QUIZON ON THE STATE OF LOCAL MOVIES
Sa Arizona nakabase ang kaibigan naming si Tito Louie Alejandro, na naimbitahan para makapanayam ang actor-director.
Isa sa napag-usapan nila ay ang mahina pa ring kalagayan ng ating movie industry.
Sa kabila ng paghihingalo ng ating film industriy, tuloy pa rin daw siya sa pagpo-produce.
Ani Eric: “Una sa lahat, I think it is one industry na naging mahal ko na.
“It came to a point that I was directing, pero itong nakaraang mga taon, na-miss kong umarte. Kaya umarte muna ako.
“I’m doing this Netflix series na BuyBust with Direk Erik Matti. So, I’m happy that I got this project.
“I was able to do two movies, one with Direk Brillante Mendoza, Until She Remembers, and of course with Joel Lamangan, Jackstone 5.
“So, parang na-miss kong umarte. Kaya it’s something that na gusto ko pang gawin. Na maybe not on a full-time. Paminsan-minsan pag may magandang project.”

Pagbibigyan lang daw muna ni Eric ang interes niya sa pag-arte, kaya gumagawa siya ng mga pelikula.
Bukod sa pag-aartista, gusto pa rin daw ni Eric na ituloy ang pagpo-produce ng pelikula.
Gusto na niyang gawin ang biopic ng kanyang ama, ang yumaong Comedy King na si Dolphy.
Pagkatapos ng sa Arizona, dadalhin din ang pelikulang Jackstone 5 sa Washington, DC sa April 29. Hindi pa raw tiyak kung madadaluhan pa ito ni Eric.
Read: Mister ni Kiray Celis, higit pa sa Disney princess ang trato sa aktres

JERRY OLEA
Sabi ni Eric Quizon, matagal na niyang binabalak ang pagdidirek muli, at pinag-usapan na raw nila ni Bibeth Orteza ang tungkol dito.
Pahayag ng actor-director: “Siyempre, gusto ko pang magdirek, kasi marami pa akong gustong gawin.
“Maybe my dad’s biopic, or sa sobrang rich ng istorya niya, parang ang hirap gawin kung dalawang oras. Parang magandang gumawa ng mini-series.
“The idea is there. I’ve already told Bibeth Orteza. Because Bibeth Orteza wrote the book of my dad.
“So, mas kilala niya yung daddy ko… yung mga antics, yung mga kuwento ng daddy ko.
“So, maganda lang na magawa namin siya.”
Read: Lead Actress, hindi pa makapagsimula ng teleserye dahil buntis?
LAST FIVE WEEKS OF DOLPHY
Hinding-hindi raw makakalimutan ni Eric ang mga huling linggo ng kanilang ama nung nasa hospital ito.
“Ang iniisip ko nga, ang initial title niya is Five Weeks. This is the time when my dad was rushed to the hospital and I asked for prayers.
“And then, somehow a miracle happened na humaba yung buhay ng daddy ko. At nakapiling pa namin siya for five weeks.
“Five weeks kasi yung duration hanggang sa namatay siya.
“Parang ang gusto ko mangyari na parang yung book ends… yung umpisahan mo siya dun sa dinala siya sa hospital hanggang sa namatay siya.
“Kasi yung nangyari dun sa hospital na yun, sobrang… hindi ko makakalimutan yung nangyari.
“Kasi saan ka nakakakita na kaming magkakapatid, nasa ICU kami, naggigitara kami dun. E, bawal yun sa ICU, di ba?
“Pero yung buong pamilya namin nandun at walang magawa yung mga nurses at mga doctor sa amin.
“So it was a painful experience, but it was a beautiful experience at the same time. So, if ever, that’s what that I want to do.
“And of course, gusto ko pa rin gumawa. Depende talaga sa istorya, depende sa material.
“Kasi kung artista ka, at ikaw ay isang filmmaker at artist ka, gusto mo pa rin gumawa ng content na puwede mong i-share sa mga tao.
“So, I think… even with the current situation, ahhh gagawa at gagawa pa rin ako ng pelikula.
“Siyempre, yung budget din, slashed nang mabuti,” saad ni Eric.
Read: Daisy Reyes, hindi ikinakahiya ang pagbebenta ng kanyang produkto
NOEL FERRER
Alam ko, may idinidirek si Kaizz (tawag natin kay Eric Quizon) under Regal Entertainment, Inc. with Rico Blanco as lead, kaya kaabang-abang yan.
Nakatabi namin si Eric sa second-to-the-last day ng performance ng kapatid niyang si Epy sa About Us But Not About Us, at nabanggit niyang bukas din siyang gumawa ng play.
Isa ngang magandang materyal sana ay ang dati pang pinaplanong Pusong Mamon (1998), pero hindi pa naman ito itinutuloy ng Viva.
Kaya isa pang alternative na materyal ay Markova (2000) na puwedeng pamahalaan ng produksiyon nina Eric.
Pero interesting itong life story ng Comedy King Dolphy, dagdag pa itong materyal para sa pagpu-push sa kanya para maging National Artist sana.
