PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kiray Celis, nag-react sa "ano ang ambag ng asawa mo?" comment

Kiray Celis, nag-react sa "ambag" comment sa kanyang mister
by PEP Troika
Published Apr 1, 2026
kiray celis stephan estopia
Kiray Celis clarifies speculation that her husband, Stephan Estopia, has no "ambag" financially: “Parang… akala kasi nila, parang siguro yung iniisip nilang walang ambag, sa pera siguro... Kasi lahat ng pera ko, na kina Mama at Papa noon. So, hindi ko kaya nang ako lang po mag-isa. Kaya nga may mga sarili rin siyang business. Siyempre nagpatulong din po ako, di ba... Asawa ko ito talaga! Kasi siya yung into business.”
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Hindi pa rin tinatantanan ng bashers ang mag-asawang Kiray Celis at Stephan Estopia.

“Natawa nga ako!” bulalas ni Kiray sa mediacon ng Kiray’s Brands na Hello Bloom, Hot Babe, Skin Vibe at Day-Li noong Marso 28, 2026, Sabado, sa Storya Kitchen, V. Luna Avenue, Diliman, Quezon City.

“Kasi one time, nanonood ako ng TV. Tapos nakahilata ako, nakataas pa yung paa ko sa table.

“Tapos meron akong nakitang comment. Sabi, ‘Ano ba ang ambag niyang asawa mo?!’ Parang ganun.

“Tapos nakita ko siya [Stephan], nagma-mop siya doon sa bahay namin. Tapos sabi ko, ‘O, bakit aligaga ka?’ ‘Wait lang, yung niluluto ko, baka masunog!’

“Sabi ko, parang ako yung walang ambag. Kasi yung asawa ko ang napakabait.

“Parang… akala kasi nila, parang siguro yung iniisip nilang walang ambag, sa pera siguro.

“Pero siyempre malaking bagay na hindi rin naman kaya ng pera ko po noon. Kasi lahat ng pera ko, na kina Mama at Papa noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, hindi ko kaya nang ako lang po mag-isa. Kaya nga may mga sarili rin siyang business. Siyempre nagpatulong din po ako, di ba?

“Hindi ko rin naman kaya ng pera ko lang yun. And hindi ko kaya nang sa isip ko, pag-usapan or ilagay yung... yung mga opinions or yung mga ideas nang ako lang yun.

“Asawa ko ito talaga! Kasi siya yung into business.”

Read: Mister ni Kiray, higit pa sa Disney princess ang trato sa aktres

Kiray Celis defends cricticisms about her pre-nup photo in Japan vending machine
Stephan Estopia and Kiray Celis
Photo/s: @mymetrophoto Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KIRAY CELIS EARNS MORE IN ONLINE SELLING

Mas malaki ba ang kinikita ni Kiray sa online selling kesa sa pag-aartista?

Tumango si Mrs. Estopia: “Dito po talaga… at mas kalmado ako dito. Kasi kahit hindi ako pumunta sa office, OK lang. Kahit online lang, di ba?

“Tapos every Friday lang naman yung live ko. E, sa taping [ng TV show], minsan siyempre kapag ano, kailangan every day ka. Di ba?

“May guesting. Puyat pa. yun na nga, tapos hindi ko pa hawak ang schedule. Saka baka sabihin kasi na… minsan mag-inarte ako na… ahhmm meron kasi dati.

“Nagte-taping ako kina Ate Marian [Rivera], yung My Guardian Alien. yung show po namin dati. Tapos siyempre mas malaki yung [kita sa] live, di ba?

“Sabi ko, ‘Baka puwede po akong mag-live, yung araw na ito?’ E, noong time na yun, siyempre si Ate Marian, doon lang sa day na yun puwede.

“So parang… sino ang mag-a-adjust? Ako o si Marian? Di ba? Kaya parang simula nun, sabi ko, ‘Ay! Hindi ko muna priority mag-taping!’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kasi ang thinking nila, ang laki na agad ng ulo ko. Pero hindi nila alam, siyempre mas malaki yung sahod ko dun.

“At siyempre may commitment kasi ako sa show na yun. Kaya hindi ako puwedeng mag-inarte.

“Kaya instead na mag-inarte, ako na lang yung nag-adjust. Hindi na ako nag-taping.”

Read: DISMISSED: Liza Diño cyber-libel complaint against PEP, Tirso Cruz III, Joey Reyes, Atty. Joji Alonso

kiray marian my guardian alien
Kiray Celis and Marian Rivera in My Guardian Alien
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Affected ba siya sa pagtaas ng presyo ng fuel?

Napakunot-noo si Kiray Celis: “Medyo mali nga. Kasi kung kailan nagtaas yung fuel, bumili kami ng bagong sasakyan, di ba?

“Tapos 80 liters yung kailangan naming punuin. E, parang yung mga 20 liters ngayon, tatlong libo na, apat na libo na yata.

“Parang iyung full tank namin noon, PHP5K. Feeling ko, parang nasa PHP10K na ngayon, oo.

“Pero kasi, ewan ko… siguro, nasa-sad lang ako sa mga kailangang magkaroon ng pera, tapos kailangang mamasada, tapos kailangan pang magbayad ng boundary.

“Parang hindi pa sa iyo yung pera pero magba-boundary ka pa, bago mapunta sa iyo yung pera talaga na pinagtrabahuhan mo. Doon ako naaawa.”

BUSINESS OVER TAPING

Ano sa tingin niya ang mangyayari sa kanyang business na kinabibilangan ng barley juice, barley coffee, at skincare products na sabon, facial foam wash, serum, at lotion?

“Hmmnn, so far OK naman po. Tuluy-tuloy naman… moving naman po yung iba,” tugon ni Kiray.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And ano lang, sipag lang sa pag-promote. Kasi ako lang naman yung model, e. Hindi ko pa kayang magbayad ng artista. OK pa ako, sige pa.”

May plan B ba siya sakaling humina ang business niya dahil sa mga kaganapan sa ekonomiya? Babalik siya sa pag-aartista?

“May mga naipundar naman ako. Pero for me kasi, mas forever ang business kaysa sa taping, e,” sambit ni Kiray.

“Mas stable pa kumbaga kaysa sa taping. Kasi minsan sa taping, pag hindi ka na trending, wala na rin, e. Di ba?”

Read: Daisy Reyes, hindi ikinakahiya ang pagbebenta ng kanyang produkto

NOEL FERRER

Si Kiray Celis mismo ang Chief Executive Officer (CEO) ng Kiray’s Brands. May idol ba siyang CEO? Yung nais niyang sundan ang mga yapak…

Natigilan sandali si Kiray: “Idol na CEO? Siguro idol ko yung CEO ng Tesla [Elon Musk]. Bakit? Wala lang. E kasi, walang gas! Doon mo maa-appreciate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Andami ko namang idol na CEO. Actually, yung mga bagong CEO ngayon bago ako, siyempre yan iyung nilu-look up ko rin, no.

“At saka hindi tingin ko sa kanila ay kalaban. Wala akong gustong kalabanin.

“Kahit nga nasa likod lang nila ako, basta mapunta sa mga pila nila, OK na. Kahit hindi na mapantayan or sumobra pa doon, OK na ako.

“Kahit hindi sobrang sikat basta kalmado lang, at saka hindi nawawalan.”

KIRAY CELIS ON FANNY SERRANO

Noong 2013 na inokray-okray ng netizens si Kiray, to the rescue sa kanya si Fanny Serrano o TF (Tita Fanny).

Pumanaw ang fairy godmother niyang si TF noong Mayo 10, 2022.

fanny serrano kiray celis
Fanny Serrano and Kiray Celis
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung buhay si TF at makita niya si Kiray na isa nang CEO, ano kaya ang mararamdaman nito?

Read: Kiray Celis gets dramatic makeover from Fanny Serrano in a fashion shoot

Mabining napangiti si Kiray: “Super-proud yon. At saka alam niyo po… malamang si TF din yung isa sa mga nag-makeup nung kasal ko.

“Kasi yun, hindi na yun nagme-makeup sa ibang artista. Totoo, ha, wala sa pagmamayabang. At saka never ako nagbayad kay TF.

“Ganun si Fanny Serrano. Never akong nagbayad kay Fanny Serrano. Gusto niya lang talagang maayos ako. Maging maayos ako.

“At saka parang maiba yung image ko na… may hitsura pala ako?! Alam mo yun.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kiray Celis clarifies speculation that her husband, Stephan Estopia, has no "ambag" financially: “Parang… akala kasi nila, parang siguro yung iniisip nilang walang ambag, sa pera siguro... Kasi lahat ng pera ko, na kina Mama at Papa noon. So, hindi ko kaya nang ako lang po mag-isa. Kaya nga may mga sarili rin siyang business. Siyempre nagpatulong din po ako, di ba... Asawa ko ito talaga! Kasi siya yung into business.”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results