NOEL FERRER
Mukhang nasa bahay na lang ang karamihan ng mga tao noong nakaraang Semana Santa.
Hindi na siguro nagbakasyon ang iba, dahil sa mahal na presyo ng gasolina, kaya okay na sa kanilang nasa bahay na lang at nanood ng telebisyon.
Hindi gaanong mababa ang ratings ng mga programa sa free TV.
Noong Martes Santo, Marso 31, 2026, ay nakapagtala ng 5.2% ang It’s Showtime. Ang katapat ntiong Eat Bulaga! ay 3 %.
Ang Born To Shine ay medyo tumaas pa sa 5.3%. Ang katapat nitong replay na Can’t Buy Me Love ay 0.8%; at ang Frontline Express ay 1.6%.

Sumunod ang House of Lies na 4.9%, at ang replay na Senior High ay 0.4%.
Ang Apoy Sa Dugo naman ay 4.4%, at ang Kapamilya Gold Hits ay 0.1%.
Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 3.4%, at ang My Sweetest Taboo ay 2.4%.
Ang Una sa Lahat ng TV5 ay 0.7%, at ang TV Patrol Express ay 0.3%.
Ang Family Feud ay 5.5%.
Read: Arnel Pineda reveals he tried to retire as vocalist of Journey
PRIMETIME RATINGS
Pagdating sa primetime, naka-10.2% ang 24 Oras.
Ang Frontline Pilipinas ay 1.3%, at ang TV Patrol ay 2.8%.
Sumunod ang Sang’gre na 8.7%, ang The Alibi ay 4%, at ang Totoy Bato ay 0.9%.
Ang Never Say Die ay 6.3%, at ang penultimate episode ng What Lies Beneath ay 2.9%.
Ang The Secrets of Hotel 88 ay 3.4%, at ang Love Scout ay 1.4%.
Ang Saksi ay 2.2%.

JERRY OLEA
Noong Miyerkules Santo, April 1, April Fools’ Day, ay bahagyang bumaba ang viewership, pero hindi siya masyadong mababa.
Maaring nagsimula nang magbiyahe ang iba para sa ilang araw na bakasyon.
Ang It’s Showtime ay 4.8%, at ang Eat Bulaga! ay 3.2%.
Ang Born To Shine ay 5.1%; ang Can’t Buy Me Love ay 0.7%, at ang Frontline Express ay 1.8%.
Medyo tumaas ang House of Lies na naka-5.2%. Ang Senior High ay 0.6%.
Sumunod ang Apoy Sa Dugo na 4.2%, at ang Kapamilya Gold Hits ay 0.5%.
Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 2.5%, at ang sumunod na My Sweetest Taboo ay 1.4%.
Ang Una Sa Lahat ay 1.2%, at ang TV Patrol Express ay 0.7%.
Ang Family Feud ay 4.3%, at ang Minute To Win It ay 1%.
Read: Impersonator Michelle O'Bombshell dies
WHAT LIES BENEATH FINALE RATING
Sa primetime naman ay sinimulan ng 24 Oras na 9.7%. Ang Frontline Pilipinas ay 1.7%, at ang TV Patrol ay 2.7%.
Ang Sang’gre ay 9.4%, ang The Alibi ay 3.5%, at ang Totoy Bato ay 0.8%.
Ang Never Say Die ay 7.3%, at ang finale ng What Lies Beneath ay 2.3%.

Ang The Secrets of Hotel 88 ay 4.5%, at ang Love Scout ay 1.5%.
Ang Saksi ay 2.3%.
GORGY RULA
Nagbabalikan pa lang sa Maynila ang mga bakasyunista noong Linggo ng Pagkabuhay, Abril 5.
Ang iba naman ay nasa labas para i-celebrate ang Easter Sunday.
Kaya mababa pa ang viewing level noong araw na yun.
Simulan na lang muna natin sa All Out Sundays na naka-2.4%; ang ASAP Natin ‘To ay 1%, at ang Cine Astig ng TV5 ay 0.9%.
Ang Regal Studio Presents ay 2.5%, at ang Sunday Blockbusters ay 1%.
Ang Resibo ay 2.7%, at ang sumusunod na FPJ sa GMA ay 2.8%.
Ang My Puhunan naman ay 0.7%, at ang Kuan on One ay 0.5%.
Ang Kuwentong Marc Logan ay 0.5%, at ang Frontline Weekend ay 0.5%.
Sa primetime, ang 24 Oras Weekend ay 4.5%, at ang Kapatid Mo Idol Raffy Tulfo ay 0.8%.
Sumunod ang Bubble Gang na naka-4.9%; at ang Rainbow Rumble ay 1.8%.
Ang Stars On The Floor ay 6.3%; at ang Your Face Sounds Familiar na nag-umpisa na ng grand showdown ay 2.3%.

Marami pa rin ang nanonood sa PBA Games sa RPTV; ang PBA Recap ay 2.3%, at ang PBA Game 2 ay 2.7%.
Ang Kapuso Mo, Jessica Soho ay 10.3%; ang Rated Korina ay 1.4%, ang Mega Blockbusters ay 0.7%, at ang Tik Talks ay 0.4%.
Ang TBATS ay 2.7%, at ang sumunod na Doors ay 0.5%.
