PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pretty Young Star at Tall & Handsome Personality, magkaka-baby na

Congrats!
by PEP Troika
Published 2 days ago
blind item pretty young actress pregnant
ILLUSTRATION: Chat GPT

GORGY RULA

Hindi mapigil ang pagtaas ng presyo ng fuel bunsod ng sigalot sa Middle East.

Hindi mapigil ang domino effect.

Pabigat nang pabigat, pahirap nang pahirap ang pinagdaraanan ng mga nasa Pilipinong nasa laylayan at middle class ng lipunan.

Hindi rin mapigil ang init ng pagmamahalan ni Pretty Young Star at ng kasintahang Tall & Handsome Personality.

PRETTY YOUNG ACTRESS AND TALL & HANDSOME PERSONALITY ARE EXPECTING

Kaya ayun, hindi mapigil ang paglaki ng tiyan ni Pretty Young Personality dahil sa bunga ng kanilang pag-iibigan.

Excited ang magkasintahan sa biyayang ito sa kanilang buhay. Wala man sa kanilang plano ay buong puso nila itong tinanggap.

Ang pinoproblema ni Pretty Young Star ay kung paano niya aaminin ang kanyang kalagayan sa mga taong kaugnay sa kanyang relihiyon.

Read: Enchong Dee, naglitanya sa hindi magandang karanasan sa Air France

JERRY OLEA

Mahigpit ang panuntunan sa relihiyon ni Pretty Young Star pagdating sa moralidad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kailangang makasal muna ang isang babae bago siya magdalantao.

Kaya abangan natin kung mag-iisang-dibdib sina Pretty Young Star at Tall & Handsome Personality sa lalong madaling panahon.

Tiyak na matutuwa ang Poging Kuya ni Pretty Young Star na magkakaroon na siya ng pamangkin.

Matagal nang karelasyon ni Poging Kuya ang isang Beautiful Actress, pero mauuna pang magka-baby si Pretty Young Star.

Mas matulis siguro si Tall & Handsome Personality kesa kay Poging Kuya.

NOEL FERRER

Parang love got the best from these talents na may potential sa kani-kanyang larangan.

Sana, handa sila sa consequence nito na kailangang i-pause muna ang career ni Pretty Young Star habang si Tall & Handsome Personality na muna ang kumayud-kayod sa kanyang chosen career.

Tiyak na mabibigyan ng magandang advice ni Poging Kuya si Pretty Young Star.

Focused si Poging Kuya sa kanyang career at nagagawa niyang balansehin ang rubdob din ng kanyang lovelife.

Oh well, a child is always a blessing. May dalang grasya ito at leksyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Basta, mananalangin na lang tayo na i-bless ang buhay nina Pretty Young Star at Tall & Handsome Personality.

Bawal stress.

Basta sana, mailagay sa ayos ang buhay ng young couple na ito because they still have a long journey ahead!

Congrats and ingat!

Read: Frankie Pangilinan flexes boyfriend Dan Laurel on Instagram

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results