GORGY RULA
Nakatsikahan ng PEP Troika si Beauty Gonzalez sa nakaraang premiere night ng pelikulang Huwag Kang Titingin, na showing na sa mga sinehan simula ngayong Miyerkules, April 15, 2026.
Napag-usapan namin ang nag-viral na eksena ng House of Lies na paglublob niya kay Kris Bernal sa cake, pati ang pagsuntok niya kay Mike Tan.
Ginawa rin ito ni Direk Gina Alajar sa Nagbabagang Luha kung saan nakatikim ng backhand slap si Claire Castro at sinampal ng cake sa mukha. Ang lakas ng dating ng eksenang yun at pinag-usapan online.
Read: Baguhang si Claire Castro, nakatikim ng backhand na sampal mula sa beteranang si Gina Alajar
Ganundin ang nangyari sa House of Lies kung saan ang lakas ng suntok ni Beauty kay Mike Tan at inilublob si Kris sa slab o sheet cake.

Sabi ng ilang artistang suki sa mga afternoon drama, sinasadya raw talaga ito pagdating sa afternoon drama.
Yung mga ganitong matitinding eksena ay nakakagising sa mga manonood na sa halip mag-siesta ay nanonood na lang sila ng afternoon drama.
JUSTIFIED OA REACTION
Pero sabi naman ni Beauty, “Sa totoo lang, sa totoong buhay, OA naman talaga ang reaksiyon mo pag malaman mo na… tapos magkasama kayo sa isang bahay. Labing-anim na taon, itinago sa akin.
“Siguro ako… baka ikaw, sobra pa. Kulang pa nga yung suntok ko kay Paolo, e, kay Mike Tan. Dapat flying kick pa.”

NOEL FERRER
Umaayon si Beauty Gonzalez sa sinasabi ng iba na dapat talagang exaggerated na ang ibang eksena para malakas ng dating sa mga manonood.
Saad ni Beauty: “Pero alam mo naman, soap opera, kailangan talaga exagg. Hindi naman afternoon or evening. Pag soap opera, kailangan talaga, i-all out, di ba?
“And at the same time, nakakatuwa naman na makalimutan ng tao ang pagtaas ng presyo ng gas sa panahong yun.
“I’m happy sa suporta at nag-trending yung show naming yun.”
At sa hirap ng buhay, okay na rin sa mga artista kahit nalulublob sila sa cake, sa putikan o kahit anong ipapagawa sa kanila.
Ang mahalaga, may trabaho sila.
JERRY OLEA
Sa totoo lang, bumabalik na ang paglakas ng ratings ng mga dramang panghapon.
Noong Biyernes, April 10, 2026, ay naka-5.7% ang Born To Shine.
Ang House of Lies ay 5.4%, at ang Apoy sa Dugo ay 4.2%.
Noong Lunes, April 13 ay 5.7% ang Born To Shine.
Ang House of Lies ay 6.2%, at ang Apoy sa Dugo ay 5.4%.
Noong Martes, April 14, naman ay 6.2% ang Born To Shine.
Ang House of Lies ay 5.9%, at ang Apoy Sa Dugo ay 4.4%.
Read: Rob Sy breaks silence on bullying allegation against son, complaint filed by Alfred Vargas and wife
