PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sang'gre, muling tumataas ang ratings ngayong patapos na

Kumusta ang total ratings ng mga programa sa telebisyon?
by PEP Troika
Published 2 days ago
tv ratings
Kapuso primetime series Sang’gre continues to dominate the ratings game as it nears its finale, keeping rival shows Blood vs. Duty and Totoy Bato at bay.

GORGY RULA

Muling tumataas ang ratings ng Sang’gre ngayong malapit na itong matapos.

Gumaganda pa naman ang takbo ng kuwento ng Blood vs. Duty, pero hirap itong tumapat sa telefantasya ng GMA-7.

Ang Totoy Bato ng TV5 ay malapit na ring matapos, pero wala namang nabago sa ratings nito.

Noong Biyernes, April 10, 2026, ay naka-9.7% ang Sang’gre.

Ang Blood vs. Duty ay 3.5%, at ang Totoy Bato ay 0.6%.

Medyo bumaba ang Never Say Die na naka-5.9%, at ang The Alibi ay 3.3%.

Sumunod ang The Secrets of Hotel 88 na 2.8%, at ang Love Scout ay 1.5%.

Ang Saksi ay 1.6%.

APRIL 13 & 14 PRIMETIME RATINGS

Noong Lunes, April 13 ay lalo pang tumaas ang Sang’gre na naka-10.8%.

Ang Blood vs. Duty ay 4.6%, at ang Totoy Bato ay 1%.

Tumaas ang viewing level noong gabing yun kaya maganda ang ratings.

Ang Never Say Die ay naka-6.7%, at ang The Alibi ay 3.7%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang The Secrets of Hotel 88 ay 3.2%, at ang Love Scout ay 1.7%.

Sumunod ang Saksi na 1.5%.

Noong Martes, April 14, ay bahagyang bumaba ang Sang’gre na naka-9.8%.

Ang Blood vs. Duty ay 3.9%, at ang Totoy Bato ay 1%.

Read: Pretty Young Star at Tall & Handsome Personality, nagbunga na ang pagmamahalan

NOEL FERRER

Noong weekend ay halos wala namang nabago sa viewership.

Noong Sabado, April 11, ay naka-5% ang Its Showtime, at ang Eat Bulaga! ay 3.3%.

Sumunod ang Born To Shine na 4.9%, at ang Can’t Buy Me Love ay 0.8%.

Ang Frontline Express ay 1.8%, at ang Cine Hit ay 0.7%.

Sumunod ang Tadhana na naka-4.3%.

Ang Wish Ko Lang ay 3.3%, at ang SOCO ay 0.5%.

Ang TV Patrol Weekend ay 0.9%, at ang Frontline Weekend ay 0.5%.

Sa primetime ay naka-5% ang 24 Oras Weekend. Ang Rainbow Rumble ay 1.8%.

Ang Amazing Earth ay 6.1%.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang Pepito Manaloto ay 7.4%, at ang Your Face Sounds Familiar na magtatapos ay 2.9%.

APRIL 12 RATINGS

Noong Linggo, April 12 ay hindi pa ganoon kataas ang viewership.

Ang AOS ay nagtitiyaga na lang sa 2.5%, at ang ASAP Natin ‘To ay 1.3%.

Sumunod ang Regal Studio Presents na 2.6%, ang Cine Astig ay 0.5%, at ang Sunday Blockbusters ay 0.7%.

Ang Resibo naman ay 3.1%.

Ang sumusunod na FPJ sa GMA ay 4%. Ang My Puhunan ay 0.2%.

Ang Kuan on One ay 0.2%, at ang Kuwentong Marc Logan ay 0.7%.

Ang Frontline Weekend ay 0.4% at ang TV Patrol Regional ay 0.3%.

Sa primetime ay naka-4.5% ang 24 Oras. Ang Frontline Weekend ay 0.4%, at ang TV Patrol Weekend ay 0.6%, at ang Tulfo ay 0.7%.

Sumunod ang Bubble Gang na 4.9%, at ang Rainbow Rumble ay 2.2%.

Ang Stars on The Floor ay 6%, at ang finale ng Your Face Sounds Familiar ay 2.8%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang taas pa nga ng PBA Recap sa RPTV na naka-2.2%, at ang PBA Game 2 ay 2.8%.

Ang Kapuso Mo Jessica Soho ay 10.9%, ang Rated Korina ay 1.2%, ang Mega Blockbuster ay 0.7%, at ang TikTalks ay 0.3%.

Ang TBATS naman ay 2.4%.

Read: Beauty Gonzalez, nagkomento sa viral cake scene nila ni Kris Bernal

JERRY OLEA

Nakuha ng PEP Troika ang total ratings ng mga programa sa telebisyon.

Noong Sabado, April 11, ang NUTAM Total ratings mula 6:00 ng umaga hanggang 12:00 midnight, naka-7.7% ang nakuhang rating sa lahat na channel.

Ang nakuha ng GMA 7 ay 3.2%; ang TV5 ay 0.9%.

Ang GTV ay 0.6%; ang RPTV ay 0.4%; ang AllTV ay 0.4%; ang A2Z ay 0.4%; at mas mababa na ang iba pang channel.

Ang PPL Shares nung araw na yun — ang GMA 7 ay 40.9; ang TV5 ay 11.5; ang GTV ay 8; ang RPTV ay 5.6; ang AllTV ay 4.8; at ang A2Z ay 4.5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami ang nagtatanong sa amin kung gaano ba karami ang mga nanonood bawat porsyento na nakukuhang ratings.

Hindi pa namin ito na-update sa AGB Neilsen, pero ayon sa aming pagtatanung-tanong, ang equivalent daw ng 1 percent ay higit-kumulang sa 450,000 household.

Kaya halos kalahating milyon katao ang nakapanood sa 1 percent na nakuhang rating.

Ibig sabihin, kung naka-10% ang rating ng isang programa, halos limang milyong katao ang nakapanood.

Napakarami na niyan!

Ia-update pa namin ito sa AGB-NUTAM na siyang basehan pa rin ng sponsors at advertisers.

Pero sa totoo lang, ang ratings lang ba ngayon ng free TV ang dapat nating pagbasehan?

Iba na rin kasi ang viewing habit ng mga manonood. Hindi na lang sa telebisyon kundi sa online, at karamihan ay sa cellphone na nanonood, kundi man sa tablet o laptop.

Kaya ang ibang bansa kagaya ng Malaysia at Thailand ay hindi lang sila nagbabase sa survery ng free TV, kundi pati na rin ang online views.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mahalaga ay marami ang mga nakapanood ng isang programa sa free TV man o sa online.

Read: Actress Sue Prado dies at 44

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso primetime series Sang’gre continues to dominate the ratings game as it nears its finale, keeping rival shows Blood vs. Duty and Totoy Bato at bay.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results