PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Controversial Actress, spotted sa bar kasama ang guwapong afam

Controversial Actress, may ipinalit sa dating partner na hunky actor?
by PEP Troika
Published 3 hours ago
blind item controversial actress guwapong afam
ILLUSTRATION: Chat GPT

GORGY RULA

Namataan ng isang kaibigan ng PEP Troika si Controversial Actress sa opening ng isang bar sa bandang Taguig City.

Hindi raw mga kaibigan na madalas na naipo-post ni Controversial Actress ang kasama nito, kundi isang guwapong foreigner.

Namamalisyahan ang friend namin sa sweetness nilang dalawa.

Ang sabi ng friend namin ay parang dyowa raw ni Controversial Actress si Guwapong Afam. Parang lovers daw ang lambingan ng dalawa.

Nakahanap na ba si Controversial Actress ng kapalit pagkatapos ng hiwalayan nila ni Hunky Actor?

Read: British couple that attacked Pinay nurse in UK ordered jail time

TAMANG DUDA NI HUNKY ACTOR

Naalala namin itong si Hunky Actor na idinadaing daw sa ilang kaibiga na nagdududa siyang parang may nauugnay nang ibang lalaki si Controversial Actress.

Pagkatapos daw nilang maghiwalay, hinala ni Hunky Actor ay parang may something uli itong si Controversial Actress sa isa sa ex-boyfriend nito.

May nagpadala raw kasi sa kanya ng litrato na nakahawak ang ex-bf sa likod ni Controversial Actress. May malisya rin ang dating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mahirap naman daw mapatunayan kung sa litrato lang kaya hindi na yun pinag-usapan.

Ngayon ay hindi pala si Ex-boyfriend ang lumalabas na bagong karelasyon ni Controversial Actress kundi si Guwapong Afam.

Nakita raw ni Controversial Actress ang kaibigan namin sa bar. Kilala niya kasi ito.

Hindi raw makunan ng friend namin litrato o video ang Controversial Actress at ang guwapong afam. Dahil kung kumalat ito, tiyak na siya lang ang pagdududahang source.

Pero naikuwento naman niya sa amin, kaya ewan ko kung susugurin ni Controversial Actress itong kaibigan namin.

Matapang pa naman itong si Controversial Actress.

Read: Pretty Young Star at Tall & Handsome Personality, nagbunga na ang pagmamahalan

NOEL FERRER

Owwww, ayun na, paano ito, may sari-sarili na bang new sweetheart ang dating mag-partners?

Mas madali kasing mag-let go kung amanos at cuentas claras kapag pareho sila ng sitwasyon.

O kung pareho silang masaya na madaling magkapatawaran.

Pero paano kaya sa sitwasyong ito?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Technically, wala na sila at end of relationship na sina Controversial Actress at Hunky Actor kaya dapat malaya na sila to pursue their own happiness.

Kumplikado rin lang, kasi nasa mata sila ng publiko.

Sana, ma-sort out nila ito nang maayos hindi lang para sa kanila, kundi at lalung-lalo na para sa kanilang anak.

JERRY OLEA

Parang "You and Me Against The World" ang theme song noon nina Controversial Actress at Hunky Actor.

Akala natin ay "Endless Love" iyon, na "Forever’s Not Enough."

Pero iyon na nga, "Some Good Things Never Last."

Sa panibagong developments kina Controversial Actress at Hunky Actor, anu-ano kayang awit ang angkop sa kanila?

Read: BLIND ITEM: Aktor, spotted sa Bangkok hotel kasama ang "European-looking guy"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results