PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kiko Estrada, happy sa GF; wish na makatrabaho ang amang si Gary

Kiko Estrada, hiling na makatrabaho ang amang si Gary Estrada sa next serye.
by PEP Troika
Published 12 hours ago
Kiko Estrada happy sa GF, wish makatrabaho si Gary Estrada
Kiko Estrada on wanting to work with father Gary Estrada: “Si Papa? Sana po, sa susunod. Iyong sabi sa akin, na hindi daw po siya pinayagan nung network, ng management niya po."
PHOTO/S: Jerry Olea / Rommel Gonzales

JERRY OLEA:

Nagbabaga ang mga pasabog sa finale week ng action series na Totoy Bato matapos ang halos isang taon nito sa TodoMax Primetime Singko ng TV5.

Magwawakas ang serye sa Abril 24, 2026, Biyernes ng 8:00 PM.

Mas matitindi ang revelations sa Pook Paraiso matapos ang pagkamatay ni Don Silvio Castillo (Mon Confiado). Tuluyang aangat sa kapangyarihan si Dwayne Perez (Diego Loyzaga), na lalong magpapalawak ng kanyang kontrol sa pamilya Castillo.

Sino ang mananaig sa huling salpukan nina Totoy (Kiko Estrada) at Dwayne?

Nakapanayam si Kiko sa finale mediacon ng show noong Abril 17, Biyernes, sa Cignal Launchpad Lobby, Sheridan St., Mandaluyong City.

Pahayag niya: “Isa pong karangalan na magampanan ko ang isang karakter na gaya ni Totoy Bato, na ginampanan na ng ating idol na si FPJ, at of course, ni Robin Padilla.

“So iyan, just blessed and honored. Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng mga boss ko. I hope I did a good job. Kakayanin natin!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

What was the best part about being Totoy Bato?

“Iyung pinakamagandang part dun is yung makasama ko yung team ko ulit,” tugon ni Kiko.

“Yeah, kasi dikit siya, e. Lumuhod Ka Sa Lupa and Totoy Bato, parang isang buong experience siya.

“Tapos it’s like being with a family, tapos hinubog ka nila para maging isang magaling na artista, or the best you can be…”

Ano ang hindi niya makakalimutan sa Totoy Bato?

“Lahat ng bonding namin. Bago mag-break, lahat ng kulitan, lahat nung take hours na kung paano kami nagra-rally together,” saad ni Kiko.

“Grabe! All I can say is we rally together as a team kaya siya siguro ganyan kaganda yung quality nung show.

“Kasi isa kaming community na nagtatrabaho para sa isang magandang project.

“So I guess yung love naming lahat para sa project, yung love naming lahat para sa trabaho. Yung eagerness namin na gumawa ng content na ipagmamalaki ng Viva, ng TV5.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kasama rin sa cast ng Totoy Bato sina Eula Valdes bilang Ruby Perez, Claudine Barretto bilang Diamond Labrador, Cindy Miranda bilang Amber Castillo, at Mark Anthony Fernandez bilang Stanley Rocco.

Si Gold Aceron ay gaganap bilang Onyx, Billy Villeta bilang Dustin, Andrew Muhlach bilang Jett, Christine Bermas bilang Amethyst at Sapphire, at Angelica Hart bilang Pierra.

Read: Angel Locsin shows support for ABS-CBN amid Lopez family issue

NOEL FERRER:

Nag-umpisa ang teleseryeng Lumuhod Ka Sa Lupa noong Abril 8, 2024 na nasa afternoon slot ng TV5.

Inilipat ito sa panggabi noong Hunyo 24, 2024. Nanatili ito sa primetime hanggang sa ending noong Mayo 2, 2025.

Iyong Totoy Bato ay nag-premiere noong Mayo 5, 2025 sa 7:15 PM slot ng Lumuhod Ka Sa Lupa bilang pre-program ng FPJ’s Batang Quiapo.

Nang umalis sa TV5 ang FPJ’s Batang Quiapo, simula Enero 2, 2026 ay nasa 8:00 PM slot na ang Totoy Bato.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KIKO ESTRADA ON PLANS AFTER TOTOY BATO

Matapos ang back-to-back na teleserye, magbabakasyon ba siya? Ano ang gagawin niya?

“Iyung una kasi, iyung Lumuhod, walang break. Pinalitan ko iyung sarili ko sa primetime,” tugon ni Kiko.

“So, it’s gonna be a new experience. Siguro pahinga nang konti. Pero gaya ng sinabi ni Eula [Valdes] kanina, nabitin ako doon sa experience sa Totoy Bato.

“So yeah, ganado tayong gumawa. Ganado at gutom tayo na gumawa pa uli ng isang magandang project para sa primetime.”

Pakiwari ni Kiko ay itutuon muna niya sa pagwo-work out ang sarili habang walang bagong project.

“Yeah, kasi parang ang hirap isabay yung healthy lifestyle pag may taping ka. Kasi iyung oras ng taping is really alam niyo na, magdamagan po.

“Pero iyun, just take care of myself. Siguro bakasyon nang konti pero hindi naman sobra… sana, isang buwan lang. Isa, dalawa. Tatlo, pinakamalala.”

Inaasam ni Kiko na gampanan ang karakter ni Joaquin Bordado, na ginampanan ni Ramon Revilla sa pelikula noong 1988.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa TV ay si Robin Padilla ang Joaquin Bordado noong Pebrero-Hulyo 2008 sa GMA-7.

Read: Matet de Leon slams netizens criticizing her children

GORGY RULA:

Dapat sana’y kasama sa cast ng teleseryeng Totoy Bato ang ama ni Kiko Estrada na si Gary Estrada.

Nang maudlot iyon, nag-emote noon si Kiko. Heto nga’t magwawakas na ang Totoy Bato na hindi nasilayan maski anino ni Gary.

Malumanay na reaksyon ni Kiko, “Si Papa? Sana po, sa susunod. Iyong sabi sa akin, na hindi daw po siya pinayagan nung network, ng management niya po.

“Pero sana sa susunod, pagbigyan tayo ng isang… I mean, sana payagan siya ng network niya na makatrabaho po ako.”

OK sila ngayon ng kanyang papa? Noon, parang nagtampo siya…

Ang maiksing sagot ni Kiko, “Hindi naman niya ata kasalanan po yun. So, sana makasama ko po siya.”

At dahil pahinga muna siya sa taping ng primetime series, mas may oras na siya para sa kanyang lovelife?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iyun yung tanong ninyo kanina? Anong gagawin mo pag nagpapahinga ka?” natatawang sambit ni Kiko.

“Tayo’y masaya. Tayo’y focused sa trabaho.”

Read: Kiko Estrada, nagtatampo sa amang si Gary Estrada?

KIKO ESTRADA ADMITS TO HAVING A GIRLFRIEND

Meron daw girlfriend si Kiko.

Kumusta ang puso niya?

“Masaya, masaya. Sobrang saya ng puso ni Kiko Estrada ngayon," sagot ng binata.

Hindi ba siya naiinggit kay Diego Loyzaga na meron nang baby na lumalaki? Nasa tamang edad at estado na siya para magpamilya.

"Tama po. Sa tingin ko, kailangan ko pang paghirapan. At kailangan kong ma-deserve ang karangalan na maging isang ama,” sagot ng 33-anyos na si Kiko.

“Kaya po tayo nagpapakahirap ngayon dahil tayo’y nagpupursige para mabigyan ko ng pinakamagandang buhay yung pamilya ko.”

In other words, gusto na niyang maging ama!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kiko Estrada on wanting to work with father Gary Estrada: “Si Papa? Sana po, sa susunod. Iyong sabi sa akin, na hindi daw po siya pinayagan nung network, ng management niya po."
PHOTO/S: Jerry Olea / Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results