GORGY RULA
Ipinagdiwang ng DustBia fans nina Dustin Yu at Bianca de Vera ang first anniversary ng kanilang loveteam.
Ginanap ang selebrasyon sa Palacio de Maynila sa Malate noong Biyernes, April 17, 2026 ng gabi.
Kinarir ng fans na maging elegante ang kanilang pagdiriwang kung saan ay binalikan nila ang mga masasayang alaala na nagsimula sa PBB house hanggang sa nakalabas sina Dustin at Bianca.
Hindi magkamayaw sa pagpalakpak at pagsigaw ang fans, habang nagpapasalamat ang dalawa.
DUSTIN YU ON DUSTBIA JOURNEY WITH FANS
Si Dustin ang unang nagsalita, at hindi raw niya alam kung ano ang sasabihin niya sa sobrang tuwa sa inihandang ito ng fans.
Aniya, “Ako, personally, kanina sinasabi ko kay Bianca na grabe talaga yung pagmamahal niyo sa amin. Kahit ang iba ay nasa ibang bansa, ramdam na ramdam namin yung love talaga.
“Kahit yung family ko, family ni Bianca, sobrang ramdam namin yun. At hindi namin alam kung saan namin hahanapin yung ganung klaseng pagmamahal, to be honest.
“Kami, sobrang suwerte namin na kayo’y naging kasama namin sa journey namin.
“Sobrang sarap sa pakiramdam na meron kaming DustBia na talagang since day one, hindi niyo talaga kami iniwan.
“And to be honest, talagang sandata namin sa lahat ng laban na pinagdaanan namin.
“Hindi tayo aabot ng one year siguro kung hindi dahil sa inyo. And sobrang salamat sa lahat sa inyo. Yung mga nasa ibang bansa, can’t wait na ma-meet namin kayo at mapasalamatan.
“And of course, sa lahat ng tulong, sa lahat love, sa support, efforts, maraming-maraming salamat.
“I mean, lagi naming sinasabi yun, but totoo yun. I mean, for sure kulang pa yung thank you talaga, pero ayun, maraming-maraming salamat.”
Read: Lotlot de Leon's camp breaks silence on issue with brother Ian de Leon
JERRY OLEA
Punung-puno ang puso ni Bianca de Vera sa nakita niyang pagmamahal ng mga loyal DustBia fans.
Pinipigilan niyang maging emotional, pero habang nagsasalita siya, gumagaralgal na ang boses niya.
Ani Bianca: “Sinasabi ko din kay Dustin nung pumapasok kami dito, parang nag-flashback talaga amin pareho yung mga unang times namin kayo ang nakita paglabas namin ng PBB.
“So, parang sobrang nostalgic lang ang pakiramdam and sobrang sarap sa pakiramdam, because alam namin na marami sa inyo ang nanatili.
“I mean, we both know that it was really a rollercoaster of our ride. I think, alam natin lahat that there were good times, there were bad times. There were times wherein we really had to fight and fight and fight.
“You know, honestly, Dustin ang I wouldn’t make it this far if it weren’t for you, guys.
“Talagang isa kayo sa rason ang motivation namin para gumising araw-araw and para maging better version ng sarili namin.
“I remember, you know there was a time, before PBB na parang, sobrang vivid sa akin na wala pa akong ganun karaming supporters.
“Ayokong umiyak! Basta, I remember na parang medyo naging insecurity ko siya for a very, very long time, because I felt like baka hindi ako kamahal mahal na artista, o baka hindi ko deserved ng ganung klaseng support system.
“Until PBB came… and siyempre, sa loob ng bahay, nag-o-overthink ka na nang nag-o-overthink.
“There was a time… tulad nang nilagay ko diyan sa loob ng letter — lagi kong tinatanong si Dustin kung marami bang nagmamahal sa amin sa labas.
“Until I met… we met all of you. And you know, it’s a different kind of love that… parang ako, ang wish ko para sa ibang tao na maka-experience ng ganitong klaseng pagmamahal.
“Because, it’s truly something else. And I just want to say thank you, to all of you for making me feel so loved, for making us feel so seen every day.
“Sobrang… it’s unbelievable, the kind of love that you gave us. I could say that it’s really unconditional love.
“Kaya naman, again gusto kong magpasalamat sa inyo, for those who stayed. For those who fight for us every day.
“And again, tulad ng sinabi ko sa letter, within us guys, you will always have a home to come home into. We love you guys!”
Dumalo rin doon si Keith Monteverde ng Regal Entertainment na all-out ang suporta sa kanilang tambalan, lalo na’t si Dustin ay nagpo-promote ng pelikula nilang Almost Us na magso-showing na sa Mayo 6.
Read: British couple that attacked Pinay nurse in UK ordered jail time
NOEL FERRER
Hindi lang fans dito sa Pilipinas ang nagtulung-tulong na mabuo ang kanilang selebrasyon, kundi pati ang mga nasa ibang bansa na karamihan ay mga OFW.
Bahagi ng kanilang selebrasyon, namigay pa sila ng libreng gasolina sa jeepney drivers.
Sa tulong nina Dustin at Bianca, nagpa-customize pa sila ng jeepney na gagamitin daw para makalibre ng sakay ang mga commuters.
Ani Dustin, “Ang lalim niyo sumuporta, e. Paano niyo yun naisip? Kasi, alam naman natin na meron tayong oil crisis ngayon.
“But of course, kayo, hindi niyo talagang hinayaan na hindi kayo makatulong sa mga tao.
“Kami rin ni Bianca, of course, lahat naman tayo nakarananas ng ganung problema. But then, lagi pong pumapasok sa isip ko kung paano pa kaya sila?
“Maraming salamat dahil naisip niyo silang tulungan. Hindi lang sa amin, kundi nakakatulong kayo ng ibang tao.
“So, ipagpatuloy lang po natin yun, kasi marami po tayong nai-inspire. Hindi lang kami, of course, ahhh mga outside sa DB, sa DustBia, and ayun maraming-maraming salamat sa inyo and mahal na mahal namin kayo sobra.”
BIANCA DE VERA ON DUSTBIA FANS HELPING OTHERS
Sabi naman ni Bianca: “Tulad ng sinabi ko kay Dustin kanina. Grabe!
“Nakakatuwa, because yung pagmamahalan nating lahat, nakakarating siya sa ibang taong nangangailangan rin.
“What we saw really mean so much to us. Kasi, alam niyo naman na malapit sa amin din talaga yung mga taong nangangailangan.
“And honestly, we’re just so so proud all of you for having hearts like that, and talaga namang masasabi ko na diyan tayo nagkakaisa.
“So, thank you so much. And other than that, guys, thank you so much for making it tonight.
“Alam ko na kung gaano kayo kalayo. I’m sure most of you, sobrang layo, traffic, mahal yung gas. But yet, you guys are still here.
“Thank you for spending one year with us. And many more years to come guys. Hindi tayo mauubusan ng taon.”
