GORGY RULA:
Nagpakilig si JM de Guzman noong Biyernes, Abril 17, 2026, sa advance screening ng bagong drama series niya sa TV5 na My Bespren Emman.
Nang magsalita sila bago ang screening, may pahabol pa siyang bati para sa girlfriend na si Donnalyn Bartolome na dumalo roon para suportahan ang aktor.
JM DE GUZMAN PRIMETIME SHOW ON TV5
Itong My Bespren Emman ang unang teleserye na ipalalabas ng TV5 pagkatapos tinanggal ang mga content ng ABS-CBN sa Kapatid Network.
Makakasabay nito ang A Secret in Prague na papalit sa timeslot na iiwan ng Totoy Bato, at ang kasunod ay itong My Bespren Emman.
Napanood namin ang unang three episodes ng My Bespren Emman, at iba siya kung ikumpara sa mga nakasanayan nating teleserye sa primetime na matitinding aksyon ang ginagawa.
May mga action scenes din ito, pero inspirational ang kuwento, na ang laki ng nagagawa ng religious song na "Hesus ng Aking Buhay" para lalo kang maantig sa mga madramang eksena.

Pero talagang ginastusan nang husto ang mga action scenes sa pilot episode nito.
Ang tindi ng car chase, mga pinalipad, inihulog sa ilog at pinasabog na kotse. Kaya talagang pasabog ang pilot episode.
Para kay JM, ang laki raw ng ibinago ng seryeng ito sa buhay niya.
“The show helped me to reconnect with God. Na-renew yung aking spiritual relationship with God,” sabi ni JM.
“Sobra akong lumakas dahil sa show na ito, kasi it’s about God.
“Disiplinado na ako ngayon sa aking training, sa aking lifestyle, sa aking pagkain, sa aking pananaw. Iba ito.”
Kasama ni JM dito sa My Bespren Emman sina Shaina Magdayao at Sid Lucero na nakatrabaho na niya sa panghapong teledrama ng ABS-CBN na Alyna (Setyembre 2010-Pebrero 2011).
Mahalaga rin ang role dito ni Ai-Ai delas Alas; at mabuti nabigyan ng pagkakataong makabalik sa teleserye si Kit Thompson.
Nasa cast din sina Ely Buendia, Elyson de Dios, Michael de Mesa, Mitch Valdes, Yasmyne Jill, Donna Cariaga, Zion Cruz, Long Mejia, Jae Acosta, Daytona Cajucom, Raffy Tejada, Niño Mendoza, Duds Teraña, TJ Valderrama, at Ryrie Sophia Turingan.
Sa tatlong episodes na napanood namin, nakikita na talagang kinarir nina Jerome Pobocan at Derick Cabrido ang pagdidirek.
Ang premiere ng My Bespren Emman ay sa Abril 27, Lunes ng 8:45 PM sa TV5.

NOEL FERRER:
Kuwento ng second chances ang My Bespren Emman, at ang suwerte ni JM de Guzman na nabigyan siya ng pagkakataong makabalik sa primetime.
Bukod sa My Bespren Emman ay kabilang din siya sa main cast ng Sigabo ni Coco Martin.
Pero prioritized ni JM ngayon itong sa TV5.
“Nag-taping na din ako sa Sigabo. Pero sa pilot lang ako dun and… ang sabi po sa akin ni Direk Coco, baka after nito, ibabalik niya ako.
“Kasi nagkasabay,” saad ni JM.
Read: Slater Young breaks silence: “Monterrazas did not cause flooding”
JM DE GUZMAN ON GF DONNALYN BARTOLOME
Masaya ang aktor na sinuportahan siya ng girlfriend na si Donnalyn Bartolome sa screening ng My Bespren Emman.
“Happy naman siya. Hindi ko pa natatanong kung ano yung mga comments niya,” sey ni JM.
May balak na ba siyang pakasalan si Donnalyn?
Ngumiti si JM, “Isa sa mga goals ko iyan.”
In fairness, nagtuluy-tuloy ang pagbabawas ng timbang ni JM. Minus 15 pounds na raw siya!
“Nakatulong po ang show na ito. Kasi iyun nga, na-renew yung connection ko with God,” sabi ni JM.
“Spiritually kasi… Mentally, kaya kong sabihin sa sarili ko na, ‘Sige, mag-work out ka, ibahin mo yung lifestyle mo.’
“Pero nung spiritually ano ako, parang reconnected, mas kinaya ko yung hindi na ako kumakain ng sugar, hindi na ako masyadong nagkakarne, pork.
“Wala na akong alak. Walang sofdrinks. And malinis na lifestyle and araw-araw almost akong nagwo-work out.”
Kasama niya si Donnalyn sa journey na iyon…
“Siya ang aking nutritionist actually! Siya iyung pag nagfa-fast ako, nagtatago ng pagkain!” bulalas ni JM.
“Nagpe-prepare ng mga tubig na may electrolytes. Basta lahat, siya ang tumulong sa akin sa journey na ito.
Read: Sue Prado's cause of death revealed by family
JERRY OLEA:
Very grateful si Donnalyn Bartolome na nabigyan ang boyfriend niyang si JM de Guzman ng TV series na inspirational at faith-based.
“Ang galing-galing niya lagi. Pagka pinapanood ko nga siya, nagiging emotional ako,” sambit ni Donnalyn.
“Kasi siyempre, siya yun. So ayun…”
Natawa si Donnalyn nang iparating namin ang sinabi ni JM na ang laking tulong niya bilang nutritionist nito. Nabawasan nga raw ng 15 pounds si JM.
Pag-ayon ni Donnalyn: “Yeah, yeah. Na-achieve na niya. Hindi na siya overweight. Kasi, iba-iba naman ang katawan ng mga tao.
“Just because nagge-gain sila ng weight, hindi naman ibig sabihin na pabaya sila sa katawan nila.
“Sometimes meron lang talagang condition. Iba’t ibang conditions ang tao kaya nagkakaganun.
“So kailangan konting ingat lang, ganun. And it’s his discipline as well.”
