GORGY RULA
Isa si Kelvin Miranda sa kilalang celebrities na rumampa sa Bench Fashion Week Spring and Summer 2026 na ginanap sa SPACE sa One Ayala, Makati, noong April 19, 2026, Linggo ng gabi.
Napansin agad ito ng ilang netizens nang nai-post sa social media ang mga larawan ni Kelvin mula sa fashjon show..
Kamamatay lang kasi ng kanyang ama nitong weekend, at nakikita sa social media posts ng Kapuso actor kung gaano siya kaapektado sa biglaang pagpanaw ng kanyang daddy.
Pero rumampa pa rin siya sa Bench fashion show.
THE SHOW MUST GO ON
Hindi naman na-bash ang Kapuso actor, pero may mga nagko-comment na “working while grieving for the death of a loved one.”
“The show must go on,” sabi ng iba.
Naintindihan ng karamihan dahil trabaho ito, commitment niya sa Bench.
Nagtatanong lang ang iba kung bakit kailangang lumabas agad ni Kelvin ngayong nagluluksa siya.
Tinanong ng PEP Troika ang isang manager ni Kelvin na si Tyrone Escalante.
Nilinaw niyang matagal na itong natanguan sa naturang Filipino lifestyle brand.
Tinanong daw ni Tyrone si Kelvin kung kaya ba niyang lumabas at rumampa para sa Bench.
“Sabi niya, kakayanin. Ayaw daw ng tatay niya na maging mahina siya, kahit namumugto ang mata at nagdadalamhati,” text ni Tyrone sa PEP Troika.
Kailangan daw ipagpatuloy ni Kelvin ang trabaho, lalo na’t siya ang gagastos sa burol at pagpapalibing sa kanyang ama.
“He needs to continue his work. Breadwinner siya, and in-charge sa expenses ng burial and funeral service.
“Malaking bagay yung tuluy-tuloy na work. Kesa sa bahay madalas, maaalala niya tatay niya.
“He needs to be productive, para ma-divert ang attention niya,” sabi pa ni Tyrone.
Read: Kelvin Miranda mourns death of father Patricio
NOEL FERRER
Hanggang ngayon ay hindi pa nakaburol ang ama ni Kelvin Miranda na si Patricio Miranda.

Natagalan ang pagsisimula ng burol sa namayapang ama ni Kelvin dahil dapat ay ipapa-autopsy pa raw nila. Pero nagbago ang desisyon at hindi na raw nila itutuloy.
Kapag nakahanap na sila ng available na chapel sa Caloocan, sisimulan daw nila ang burol sa Abril 22, Miyerkules.
Gusto raw nila doon sa Caloocan gagawin ang burol dahil doon daw ipinanganak at lumaki ang ama ni Kelvin.
JERRY OLEA
Indeed, the show must go on.
At least, sandaling rampa lang ang kailangang gawin ni Kelvin Miranda matapos pumanaw ang kanyang ama.
Nang pumanaw last year si Pilita Corrales, ang daughter niyang si Jackielou Blanco ay umakting pa sa dulang The Foxtrot katambal si Royce Cabrera.
In honor of her mother Pilita ang performance na iyon ni Jackielou. Nakilala si Pilita bilang consummate professional.
Nang yumao si JM Canlas noong Agosto 2023, nag-report pa rin sa taping ng High Street ang kuya niyang si Elijah Canlas.
May iba pang mga artista o celebrity na kahit namatayan ng kapamilya ay tuloy ang natanguang commitment, kahit pa sa napakalayong lugar gaya ng Pagudpud, Ilocos Norte.
Ipinaaabot ng PEP Troika ang taus-pusong pakikiramay kay Kelvin.
