GORGY RULA
Muling naglabas ng bagong teaser ang TV5 tungkol sa rebranded na talent management arm nila, ang Star Worx.
Ang Star Worx ang ipinalit sa MediaQuest Artists Agency (MQAA) kung saan maglulunsad sila ng mga bagong mukha.
Nang ipinakilala si Mr. Johnny Manahan o Mr. M bilang bahagi na ng Kapatid network noong 2025, binanggit na niyang Star Worx ang kanyang balak ipalit sa MQAA.
“Parang ang hirap sabihin e,” pakli niya. “Iyon yung balak namin. Rebrand it. Maybe younger….
“Sabi ko nga, Star Worx na X. Sana matuloy yun.”
Read: TV5 malapit nang ilunsad ang artist center na pamumunuan ni Mr. M
WHO ARE THE FIRST BATCH OF STAR WORX ARTISTS?
Excited naman ang karamihan dahil may mga nanghuhula na kung sino ang mga bagong mukhang ipakikilala ng Star Worx.
Naglabas sila ng pangalawang teaser sa Eat Bulaga! noong Sabado, April 18, 2026.
At ang kasunod ay nasa social media account na ng Kapatid network.
May pasilip na sila rito sa ilang bagong talents na ipapakilala nila.
Ang tagline nito: “Stars don’t just appear, they are built. You work. You become a star.”
May mga nanghuhula na kung sino itong bagong talents na merong nagpasilip ng mata, bibig. Meron daw anak ng kilalang celebrity at athlete.
Pero wala pang ibinibigay na idea ang taga-Star Worx kung sino ang mga ilulunsad nila sa Mayo 5.
Abangan na lang natin!
NOEL FERRER
Panibagong challenge na naman ito kay Mr. M, pagkatapos ng napakarami niyang napasikat sa Star Magic.
Sa GMA-7 naman ay na-rebrand din niya ang GMA Artist Center sa Sparkle.
“Yung mga lessons na nakuha namin from experience. And like I said, we have… just a little different way of applying what we learned,” pakli ni Mr.M nang napag-usapan ito nang winelcome siya ng TV5 noong nakaraang taon.
Sabi pa niya, ang isang talent ay parang kotse na hindi kailangang i-deconstruct o i-reinvent.
“So, we do what we have learned. I’m sure there will be brilliant things coming…” pakli niya.
Ang laki raw ng kumpiyansa ni Mr. M sa mga taga-TV5 at ipinapaubaya sa kanya kung paano i-handle ang mga bagong mukhang ilulunsad nila.
Madali pa raw kausap, lalo na si Sir Manny V. Pangilinan.
“Madaling kausap, e. You know, white is white. Black is black. Walang itinatago, all above board.
“And like five minutes lang, nasabi ko na ang gusto kong sabihin sa kanya, about how I can help the organization. Madali lang! Mabilis.
“Ang laki ng kumpiyansa ko dito,” saad ni Mr. M.
Read: Johnny Manahan signs with TV5; leads new artist center
JERRY OLEA
Nang inilabas nila ang unang teaser, kung saan ipinakita ang logo ng Star Worx, samu’t sari na ang opinyon ng netizens.
Ang iba ay nanlait na agad at hindi pabor sa pangalang Star Worx.
Parang pangalan daw ng floor wax.
May mga nagsasabi kung saang kampo nanggagaling ang ilang bashing sa Star Worx. Pero ayaw na lang daw nila itong i-nega.
May ibang kampo na magaling talagang mag-manipulate sa social media.
At malaking tulong ang social media sa pag-promote ng mga bagong mukhang ilulunsad nito. Kaya pinapalakas din ang social media ng Star Worx.
“Magti-Tiktok na nga ako, e. Sasayaw na rin ako,” natatawang pakli ni Mr. Johnny Manahan.
STAR WORX ARTISTS AND ENTERTAINMENT PRESS
Hindi lang sa social media, kundi pati sa entertainment press.
Paano kaya iha-handle ng Star Worx ang pakikipagrelasyon ng bagong talents nila sa entertainment media, lalo na sa mga traditional press?
Hinaing ng ilang press na tila inilalayo raw sa kanila ang mga hawak nilang artista noon, lalo na yung nasa Star Magic.
Itinanggi ito ni Mr. M.
“Walang ganun. Parang mali. Fake news,” bulalas ng kilalang star builder.
Kapag nagkaisyu raw ang kanilang mga artista at kailangang magsalita, hindi raw nila ito haharangin.
“That’s one of the lessons we learned. You cannot keep them quiet. Sasabihin nila ang gusto nilang sabihin.
“Of course, they come to us and say you know, ‘What should I say…’ To guide them.
“Whenever there’s an occasion for that, they speak out, and we encourage that. Walang wall dito,” sabi pa ni Mr. M.
Read: Vice Ganda questions government plan for drivers amid fuel hike
