Trigger Warning: Mention of depression, suicide
JERRY OLEA
Marami ang nagpapalagay na mahihina ang mga kabataan ngayon kaya “bumibigay” agad sa depression.
“Not true!” bulalas ni Kim Atienza noong Abril 13, 2026, Lunes, sa Sante Headquarters sa Eton Cyberpod Corinthian, Ortigas Center, Quezon City.
“Hindi mahina ang kabataan ngayon. Ang kabataan ngayon, pareho ng kabataan noon.
“Pero maraming mga factors na… ang utak ng kabataan ngayon, that can kill them.
“Kung kaming boomers, binigyan mo kami ng internet nung panahon namin, binigyan mo kami ng social media nung panahon namin, binigyan mo kami ng information superhighway nung panahon namin — baka mas maraming nagpakamatay noon.
“Matibay ang bata ngayon. Pero ang attack sa utak ng bata ngayon, marami. You cannot compare."
KUYA KIM REACTS TO SENATOR ROBIN PADILLA'S "YOU ARE WEAK" REMARK
Kaugnay nito ay tinawagan daw ni Kuya Kim si Senator Robin Padilla upang paliwanagan matapos sabihin ng actor-politician na "you are weak" ang mga kabataan ngayon.
Saad ni Kuya Kim: “That’s why I called nga Robin. Kaibigan ko si Robin. That’s why I told him, it’s not as simple. Because it’s not.
“Hindi question ang kahinaan ng utak. Question ang ano ba ang mundo ngayon, ano ba ang mundo noon? Iba, e. You cannot compare.
“For instance, tayo, we learned how to deal with boredom. Di ba? And I became a better person because I was bored.
“Example, I would take public [transportation] to UP. Ang public ko is about one hour and 15 minutes, a Love Bus. Sosyal ako nang konti, naka-Love Bus ako. Naka-aircon.
“Bababa ako ng kotse ko sa Rustan’s Makati, sasakay ako ng Love Bus doon. Isang oras iyon papuntang UP. Walang magawa sa bus.
“Pag nagbabasa ako ng libro ko, nahihilo ako dahil umaandar yung bus. Ano ang gagawin ko rito?
“Natuto akong ipikit ang mata ko, hindi ako natutulog, iniisip ko yung crush ko. Nagde-daydreaming.
“May nasabi yung crush ko nung isang araw. ‘Siguro, gusto niya ako.’ Ang sarap! Paulit-ulit yun sa utak ko. Andami kong mga scenario.
“Nag-iisip ako, pagka-graduate ko ng Film, mag-aartista ako. Pag naging artista ako, ito ang gagawin ko.
“Pagdating ko sa UP, nalibang ako. Natuto tayo dahil bored tayo, e. Walang ganun ngayon ang bata, e.
“Ngayon kasi… cellphone agad, e. Wala sila nung quality na ganun, na meron tayo.
“Ito naman ang dilemma ng parents. ‘Tatanggalan ko ba ng cellphone yung anak ko?’
“Lalong magpapakamatay yan. Social life nila yan, e. Nandiyan lahat ng kaibigan nila, e. Ang buhay nila, nandiyan.
“Hindi mo puwedeng tanggalin yan.”
At kapag hindi pinagamit ng cellphone ang bata…
“Lalaki silang walang alam sa tech. Hindi papasa ng eskuwela yan,” pagmamatwid ng 59-anyos na si Kuya Kim.
“Balanse. Dapat, balanse…”
Ano ang sabi ni Senador Robin na magkasalungat ang kanilang saloobin?
“Tinawagan ako ni Robin. Sabi niya, ‘Kim, kaya ko nga sinabi yan para to defend Emman.’
“Tinawagan ko si Mariel [Rodriguez, Robin's wife]. Sabi ko, ‘Ma, parang pangit ang nangyari. Parang naglalaban kami ni Robin.’
“In all respect, gusto ko lang sabihin kay Robin na it’s not simple, ganun lang yon.
“Pinasabi ni Robin kay Mariel, sabi niya, ‘Kaya ko nga sinabi iyon sa Senate hearing, in defense of Emman, e. Dahil ipinagtatanggol ko si Emman.’
“So, iba lang ang pagkasabi. Robin is always coming from a good place. Kilala ko yan, e.
“Laging galing sa prinsipyo lagi ang ipinaglalaban,” saad ni Kuya Kim.
Read: Robin Padilla may buwelta sa "pangungutya" ng political analyst
GORGY RULA
Nag-suicide ang anak ni Kim Atienza na si Emman Atienza, 19 noong Oktubre 22, 2025, dahil sa depression.
“Dahil sa pinagdaanan ng pamilya namin, alam ko na. Ang wish ko nga, sana arte lang,” malumanay na pahayag ni Kuya Kim.
“Most parents think kasi, ‘Umaarte lang yung anak ko.’ Sana nga! Sana nga, umarte lang si Emman.
“At the back of my head, habang maysakit ang anak ko, sinasabi ko yon. ‘Arte lang yata ito…’
“Sana nga, arte lang. Alam natin na hindi lang arte, huli na ang lahat.”
KUYA KIM ON GRIEVING OVER DAUGHTER EMMAN'S DEATH
Magkakalahating taon na mula nang pumanaw si Emman, ngunit nagdadalamhati pa rin ang kanyang iniwang pamilya sa magkakaibang paraan.
Pagtatapat ni Kuya Kim: “People grieve differently. My wife is an intellectual. Si Feli, matatapos na nga ng pangalawang Masters sa Harvard… she grieves intellectually.
“That’s how she grieves. She studies.”
Sa tabi ng study desk ng wife niya, nakapuwesto raw roon ang konting abo ni Emman.
“I’m sure she grieves, but she wants to grieve alone. Ako, I want to grieve with people. Ito, I’m grieving now. I like to express,” lahad ni Kuya Kim.
“I tried expressing to Fely one time. Ganun ako, e. Ayun, nagalit siya sa akin. ‘Don’t do that!’
“And I realized, iba-iba, e. She grieves differently.”
Maski ang mga anak nila ay iba-iba ang paraan ng pagluluksa.
Ang isa ay ibinuhos ang pighati sa sports — lalong gumaling sa sports. Ang isa pa, kagaya ng ina na itinuon sa pag-aaral.
“Ang pinakapareho ko, si Emman. Medyo baliw nang konti, medyo nakakatawa,” sabi ni Kuya Kim.
“Medyo malalim na mababaw.”

BRAND AMBASSADOR
Siyangapala, nasa ika-15 taon na si Kuya Kim bilang brand ambassador ng Sante International — reigniting a relationship built on credibility, advocacy, and a shared mission to uplift health and wellness in the Philippines.
Sabi ni Kuya Kim: “For 15 years, Santé has been part of my life and advocacy. I’m truly grateful for the trust, the friendship, and the shared purpose we’ve built through the years.
“Masaya ako na mas mapapalawak pa natin ito by reaching more people, helping more lives, and inspiring more Filipinos to choose wellness every day.”
For Santé International President and CEO Joey Marcelo, the enduring partnership is both a celebration of legacy and a springboard to the future.
Pahayag ni Sir Joey: “We are incredibly grateful to still have Kuya Kim with us after all these years. His authenticity and passion have helped shape Santé into what it is today.
“To our community and the Filipino public, maraming salamat for your continued trust and support. Together, we move forward into an even stronger, more impactful future.”
Read: PRC explains “Name Withheld” in 2026 Physician Licensure Exam

NOEL FERRER
Kakakausap ko lang kay Kuya Kim kanina, at talagang buhay na buhay pa rin si Emman sa puso at diwa niya at ng buo nilang pamilya.
Sa katunayan, magkaaroon kami ng meeting sa isang NGO na kasama sa network ni Emman na Circle of Hope.
Doon pag-uusapan ang concerted efforts para sa isang comprehensive mental health program in honor of Emman.
Buti na lang talaga, buo at solid ang pamilya nina Kim at grabe ang suportahan nila sa isa’t isa.
Sa mid-May hanggang June 2, a-attend sila sa graduation nina Eliana at Feli sa U.S., at dun magaganap ang family bonding nila ulit.
Isa sa efforts na pinapa-save ko kay Kim ay ang pagtago at pagkolekta ng mga sulat na nakukuha niya sa puntod ni Emman tuwing Monday, at plano naming gumawa ng libro sa koleksiyon na iyon na nagpapatunay na grabe ang impact ng buhay (at pagkamatay) ni Emman.
Nakaka-miss nga siya talaga… at kung kailan niya tayo iniwan, doon ko lalong nararamdaman ang aking inaanak.
