JERRY OLEA
Inspirational at faith-based ang teleseryeng My Bespren Emman, kung saan bida si JM de Guzman bilang Mateo de Jesus.
Katambal dito ni JM si Shaina Magdayao, at magpe-premiere ito sa Abril 27, 2026, Lunes ng 8:45 P.M. sa TV5.
Pahayag ni Shaina bago ang screening ng first three episodes ng My Bespren Emman noong Abril 17, Biyernes, sa Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City: “Tonight is a celebration po ng lahat ng hard work na inilagay namin sa teleseryeng ito.
“I’m very proud of this show. Gaya ng lagi kong sinasabi, this is actually an answered prayer dahil bata pa lang ako, gumagawa na ako ng family dramas.
“So when this was presented to me, I said yes right away dahil matagal-tagal na rin akong hindi nakakagawa ng ganitong materyal.
“And at this point in our lives, sa lahat ng kaguluhan na nangyayari ngayon sa ating mga buhay, kailangan natin nitong reminder na ito na meron tayong Diyos na makakapitan.
“And there’s also a God in all of us. Na kahit na ang saklap ng mga nangyayari, ano, but there’s always something good.
“And meron pa ring mga mabubuting taong ipinadadala ang Diyos sa atin. May mga Emman sa lahat sa atin.”
Swak na swak sa My Bespren Emman ang kantang "Hesus ng Aking Buhay," na inawit nina Carmela Lorzano at Rouelle Cariño.
Nasa cast din sina Sid Lucero, Ai-Ai delas Alas, Kit Thompson, Michael de Mesa, Mitch Valdes, Elyson de Dios, Yasmyne Jill, Zion Cruz, at Ely Buendia bilang Emman.
Ang direktor ay sina Jerome Pobocan at Derick Cabrido.
Read: PRC explains “Name Withheld” in 2026 Physician Licensure Exam

NOEL FERRER
Matapos ang screening ng first three episodes ng My Bespren Emman, ang tanong ni Shaina Magdayao sa mga nanood, “Nagustuhan niyo po ba?”
Siyempre, umoo ang audience.
Dagdag ni Shaina: “Patikim pa lang po yun. Marami pang paghihirap… pero di ba, isa siyang salamin ng totoong buhay.
“At ngayon ay naiintindihan niyo na ho siguro kaya ko sinasabi na kailangan na kailangan natin ang ganitong materyal ngayon.
“Hindi rin naman siya preachy, di ba? Kasi nakikita nyo rin yung human side. Yung mga hindi gumagawa masyado ng maganda pero naiintindihan natin kung saan ang pinanggagalingan nila.”
INSPIRING TELESERYE
Mala-pelikula ang pagkakalatag ng first three episodes ng My Bespren Emman. Mahusay ang cinematography.
“Maganda ang quality, at isa yun sa mga ikinakikilig ko at ikinapa-proud ko siyempre,” pakli ni Shaina.
Sang-ayon si Direk Jerome Pobocan sa sinabi ni Shaina.
Ani Direk Jerome: “We’re very excited with this project. In the past I’ve done a teleserye na inspirational, and this is similar to that.
“It’s close to my heart. Kasi parang pakiramdam ko, tama ang sinasabi ni Shaina, napapanahon itong project na ito.
“Kailangan nating ma-inspire. Kailangan nating kumapit.”
Read: Sue Prado's cause of death revealed by family
GORGY RULA
Nagpasalamat si Shaina Magdayao kay Ely Buendia sa pagpayag nitong gumanap bilang Emman sa My Bespren Emman.
“If I’m not mistaken, this is his first teleserye,” sambit ni Shaina.
“Kaya noong nalaman po namin… dahil Diyos ko! Ilang Emman na po ang iniisip namin. Hindi namin mahanap si Emman.
“So finally po, nung nag-yes po siya, we’re all very happy. And ako po, bilang isang fangirl, ay siyempre tuwang-tuwa.”
Ang unang pelikulang pinagbidahan ni Ely ay ang Cinemalaya 2025 full-length film na Padamlagan, kung saan gumanap na sister niya si Sue Prado.
Read: Punched in the face? Zayn Malik, Louis Tomlinson involved in alleged altercation
SHAINA MAGDAYAO ON ACCEPTING MY BESPREN EMMAN
Nang i-offer kay Shaina ang My Bespren Emman, natuwa siya.
Ani Shaina, “Matagal-tagal na ring napapaisip-isip ako na sana meron akong ganitong materyal, na magawa ulit.
“Dahil I grew up making films or teleseryes na ganito rin yung pinag-uusapan. Pero it would be a different challenge.
“Kumbaga, ibang level na ulit dahil hindi na ako yung baby doon sa materyal. Ngayon, ako na yung nanay. So, parang full circle.”

SHAINA ON WORKING AGAIN WITH JM AND SID
Nagkatrabaho before sina Shaina, Sid Lucero, at JM de Guzman sa panghapong teledrama ng ABS-CBN na Alyna, na umere noong Setyembre 2010 hanggang Pebrero 2011.
“Kaming tatlo, meron na kaming chemistry. Kasi, nagkatrabaho na kami sa Alyna,” pagsisiwalat ni Shaina.
“Huwag na po nating talakayin kung anong taon iyon. Ibang nilalang pa ho sila noon.
“So when I say na I’m very proud to be able to work with them now na they’re… you know, I would like to say more mature, more responsible. Ahhm I am proud.
“I am really proud na nasa maayos na lugar po sila. Work-wise, personal life-wise. Di ba, nakakatuwa?
“Ahhmm kaya siguro may ibang klaseng chemistry naman din kami ngayon.
“Mahirap na kasi yung role, e. Mahirap na yung roles namin. Masyado na siyang challenging pero lagi ko ngang sinasabi, hindi siya mahirap i-mount.
“Kasi we feel very well supported, and ako, masasabi ko na hindi mahirap ang trabaho ko dahil sila ang mga kaeksena ko.”
Tawang-tawa sina JM at Sid nang sabihin ni Alyna na “ibang nilalang” pa sila noong panahon ng Alyna.
Read: Kelvin Miranda, rumampa pa rin sa Bench fashion show kahit nagluluksa
