GORGY RULA
May latest na nasagap ang PEP Troika sa nagdadalantaong Pretty Young Star at kasintahan nitong Tall & Handsome Personality.
Ayon sa aming reliable source, nakatakda na silang magpakasal.
Maayos na nagkausap ang kani-kanyang pamilya at maluwag daw nila itong tinanggap.
May nabasa kasi kami sa social media na itiniwalag na raw ang dalawa sa kanilang simbahan dahil sa kalagayan ni Pretty Young Star.
Pero sabi ng iba pang napagtanungan namin, maayos daw ito sa kanilang simbahan —basta magpakasal lang silang dalawa.
Kaya inaayos na ang kasal, na ewan kung ia-announce pa nila ito sa publiko.
Sana maging okay na si Pretty Young Star at hindi na siya nai-stress para maayos ang kalagayan niya hanggang sa kanyang panganganak.
Abangan na lang natin!
Read: Pretty Young Star at Tall & Handsome Personality, magkaka-baby na
JERRY OLEA
Totoo bang magti-three months nang preggy si Pretty Young Star?
Noong nalaman daw ng poging kuya nito, sobrang nagulat daw ito at hindi pala agad natanggap.
Pero ngayon ay okay na raw si Poging Kuya at excited na ang buong pamilya sa kanyang magiging pamangkin.
PRETTY YOUNG STAR, SUMALI PA KAYA SA BEAUTY PAGEANT?
Naalala panaming hinihimok pa si Pretty Young Star na sumali sa isang timpalak pangkagandahan.
Ngayong magiging mommy na siya, maiiba na ang tatahakin niya.
Bet kaya niyang lumahok sa Mrs. World, Mrs. Universe, Mrs. International, Mrs. Globe, o Mrs. Heritage International?
NOEL FERRER
A child is always a blessing.
We wish this couple the best pati na sa paparating na supling nila.
Sana lang, with the coming of this baby, magkaroon sila ng firm resolve na pagandahin pa ang kanilang buhay at career.
Make a difference pa rin dapat sa larangan nila.
Iyan sana ang blessing din na dala ng bata — clarity of mind, goodness of heart and, yes, prosperity and peace…
Read: Lead Actress, hindi pa makapagsimula ng teleserye dahil buntis?
