JERRY OLEA
First time sa kasaysayan ng local television na ang tatlong Pinoy teleserye sa 8:00 P.M. timeslot ng tatlong TV network ay mapapanood ang advance episodes sa streaming platform na Netflix Philippines.
BLOOD VS. DUTY
Abril 3, 2026, Biyernes Santo, nag-umpisang mag-Netflix streaming ang Kapamilya primetime series na Blood vs. Duty (80 episodes) starring Richard Gutierrez and Gerald Anderson.
Umeere ito Lunes-Biyernes ng 8:00 P.M. sa ALLTV2.
Streaming na ang 15 episodes ng Blood vs. Duty, na ang logline: “In the world of crime and justice, dangerous missions force those on opposite sides of the law to choose between protecting family and doing their duty.”

A SECRET IN PRAGUE
Bukas, Abril 24, Biyernes, ay mag-i-streaming na sa Netflix ang Kapatid primetime series na A Secret in Prague starring Enrique Gil and Andrea Brillantes.
Simula Abril 27, mapapanood ito Lunes-Biyernes ng 8:00 PM sa TV5.
Ang logline nito: “A Filipino waiter in Prague falls for a crime boss's daughter — but when he's recruited to spy on her family, their romance hangs in the balance.”

THE MASTER CUTTER
At sa Mayo 8, Biyernes, ay mag-i-streaming na sa Netflix ang Kapuso primetime series na The Master Cutter starring Dingdong Dantes.
Simula Mayo 11, mapapanood ito Lunes-Biyernes ng 8:00 P.M. sa GMA 7.
Ang logline nito: “In Baclaran, a former scout ranger turned tailor hides his secret life as a tracker — until he takes in a street-smart girl and is hired to hunt her down.”

Interesting ang scenario na ito sa local television at sa streaming platform — labanan sa TV ratings, at sa puwesto sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines.
Read: From "Name Withheld" to Top 1: Erwin Parchaso’s 10-year journey to becoming a doctor
NOEL FERRER
Interesting ang circumstances na naging daan para ang primetime shows na Blood vs. Duty, A Secret in Prague, at The Master Cutter ay pawang mag-streaming sa Netflix Philippines habang umeere sa 8:00 P.M. timeslot ng local television.
Nasa ikasampung taon na ang Netflix sa bansa.
Kaugnay rito, ini-announce ng Netflix Philippines noong Pebrero 9, 2026 ang mga naka-lineup nilang Filipino films and TV shows para sa taon.
Kabilang diyan ang mga sumusunod:
Ganito, Ganyan, Ganoon (Agosto 13) nina Jodi Sta. Maria at Agot Isidro
Paskong Pinoy (Disyembre 3), four-episode anthology
The Master Cutter (Abril 17) ni Dingdong Dantes
Someone, Someday nina Kathryn Bernardo, James Reid, at Maja Salvador
Buybust: The Undesirables nina Anne Curtis at Gerald Anderson
18th Rose nina Xyriel Manabat at Kyle Echarri
Balaraw nina Janine Gutierrez, Charlie Dizon, at Agot Isidro
Ayon sa source ng PEP Troika, kasama sanang ia-announce sa “Next on Netflix 2026 Philippines” ang Kapatid primetime series na The Kingdom: Magkabilang Mundo starring Piolo Pascual, Derek Ramsay, Sue Ramirez, Cristine Reyes, and Ryza Cenon.
Pero nagkaroon ng mga pagbabago sa pamunuan ng TV5, at naudlot ang taping ng The Kingdom: Magkabilang Mundo dahil daw sa malaking budget.
Yung slot ng Netflix Philippines para sa The Kingdom: Magkabilang Mundo ay ibinigay ba sa A Secret in Prague?
SIGABO
Marso 13, 2026, Biyernes, nagwakas ang FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin matapos ang dalawang taon at isang buwan.
Dapat sana’y eere na by March 16 ang kasunod na teleserye ni Coco, yung episodic na Sigabo na pagtatambalan nila ni Julia Montes.

Minabuti ni Coco na ipagpaliban muna ang Sigabo dahil gahol pa sila. Ayaw raw nilang madaliin.
Nabago tuloy ang programming lineup ng Kapamilya primetime shows.
Umpisa Marso 16 ay napunta sa 8:00 PM timeslot yung The Alibi: Ang Buong Katotohanan nina Kim Chiu at Paulo Avelino.
Sa pag-ere ng Blood vs. Duty sa ALLTV umpisa Abril 6 ay bumalik sa 8:45 PM timeslot ang KimPau series.
Wala pa tayong balita kung kailan eere ang Sigabo.
Sakaling mabuo ng Blood vs Duty ang 80 episodes ay mapapanood ito sa TV hanggang Hulyo.
SANG’GRE
Abril 17 sana ang finale episode sa GMA 7 ng Encantadia Chronicles: Sang’gre, kaya sa araw na iyon sana mag-uumpisa ang streaming ng advance ep ng The Master Cutter.
Na-extend (na naman) ang toprating na Sang’gre hanggang Mayo 8, kaya naging Mayo 8 rin ang streaming date ng pilot episode ng The Master Cutter sa Netflix.

Interesting din to note na Mayo 8 mag-uumpisang mag-streaming sa Prime Video PH ang Love Is Never Gone nina Joshua Garcia at Ivana Alawi.
Read: HOW MUCH? A unit at Slater Young's The Rise at Monterrazas
GORGY RULA
Iba na kasi talaga ngayon ang viewing habit ng mga manonood.
Wala na yung nagmamadali kang umuwi para habulin ang paborito mong programa sa telebisyon.
Kung hindi mo mapanood sa TV, meron din sa Netflix o saan mang streaming service, o puwede rin sa YouTube. Napaka-convenient na!
Kaya ilang taon na lang, ganito na talaga ang mangyayari sa mga TV show. Hindi na lang sa TV network mapapanood kundi pati na rin sa streaming platform.
Pero merong mga artistang sikat sa telebisyon, iba rin ang mga artistang sikat sa streaming.
Ngayon pa lang ay may mga artistang gustung-gusto ng Netflix dahil kapag pelikula o TV series nila ang nai-stream, kaagad itong nagna-No. 1.
THE RATINGS GAME
Kaya dapat hindi na lang ang ratings sa free TV ang basehan natin.
Depende rin kung malakas din ba ang mga programang ito sa streaming o online at kung nagte-trending ba ito. Ganito na dapat ang basehan ng malalakas na TV shows.
Kung ratings sa free TV ang titingnan natin, winner pa rin si Sang’gre.
Lalo na’t papainit na ang kuwento sa nalalapit na pagtatapos nito. Nagte-trending pa ito paminsan-minsan.
Ang Totoy Bato nina Kiko Estrada at Diego Loyzaga ay magfi-finale na bukas, Abril 24.
Noong Lunes, April 20, ay naka-10.8% ang Sang’gre.
Ang Blood vs. Duty ay 4.2%, at ang Totoy Bato ay 1.2%.
Noong Martes, April 21, naman ay 9.6% ang Sang’gre; ang Blood vs. Duty ay 3.9%, at ang Totoy Bato ay 1.1%.
Matindi ang labanan sa tatlong primetime shows kung alin sa A Secret in Prague, Blood vs. Duty, at The Master Cutter ang magtatagal sa Top 10 TV shows ng Netflix.
Yung Blood vs. Duty ay two days pa lang nag-No. 1, noong Abril 7 at 8.
Noong Abril 20, Lunes, ay pumuwesto ito sa No. 10, pero tumataas na muli ang ranking.
Kahapon at ngayon ay No. 4 ang Blood vs. Duty sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines.
Samantala, challenging para sa A Secret in Prague at My Bespren Emman ng TV5 kung mas mataas ba ang ratings nila sa papalitang shows.
