PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

K Brosas, aminadong 11 years nang hindi nagkakarelasyon

K Brosas, identified sa TV5 kaya nalilimitahan ang offers.
by PEP Troika
Published 4 hours ago
k brosas a secret in prague
K Brosas says she isn’t looking for any specific qualities in a partner: “Wala, wala akong hinahanap. Mas mayaman sa akin dapat! Let’s face it… menopause na ang lolah nyo, teh. Fifty na ako, magpi-fifty-one na ako this year. Kaya nga, may phase siya. Kasama sa menopause ko, nawawala [ang sexual drive]. Nawawala talaga."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Takaw-pansin si Donabel Valtrovi (K Brosas), ang ina ni Chiara Valtrovi (Andrea Brillantes) sa Kapatid teleseryeng A Secret in Prague.

Si Donabel ay dating beauty queen na tubong-Mabalacat, Pampanga.

Naging caregiver siya sa Prague, Czech Republic. At napangasawa ang ultra-rich na si Viktor Valtrovi (Ruben Maria Soriquez).

“Of course, nakita niyo naman siguro na parte ako, whether I like it or else, nung Valtrovi na sindikato,” lahad ni K matapos ang screening ng first three episodes ng A Secret in Prague noong Abril 22, 2026, Miyerkules ng gabi, sa Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City.

“Pero makikita mo dito na hindi ako dark. Hindi dark yung character ko. Ako yung nagbibigay ng light.

“Tapos yung asawa ko, si Viktor, ander de saya sa akin… Consistent siya na kahit anong tapang niya, pagdating sa akin, tiklop siya.”

Ramdam na ramdam niya ang pagiging beauty queen?

“I know, right!” bulalas ni K.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mas ramdam ko yung pagiging mayaman. Sana, how I wish, no!”

Nilinaw ni K na legit beauty queen si Donabel at hindi chipangga.

K BROSAS ON WORKING WITH ANDREA AND ENRIQUE

Kumustang katrabaho si Andrea, at si Enrique Gil na gumanap bilang Mikoy D. Pinagpala?

Mabilis na tugon ni K: “Ay, grabe! Si Enrique, dati nakatrabaho ko na siya o nakasama sa mga shows. Wala siyang pinagbago.

“Wala siyang pinagbago. Sobrang bait nung batang yon. Mamatay na ako ngayon.

“Si Andrea, ngayon ko lang nakatrabaho. ‘Zsavalen zsanzsanzsi…’ Hindi nga, ganun talaga siya! Natural niya yon kaya I love her.

“Tawag niya sa akin, ‘Mama,’ on the set. Off and on cam. So nakakatuwa. Kasi, di ba, hello?

“Andrea… K Brosas… hindi siya nagkakalayo, teh.”

Mag-i-streaming sa Netflix ang pilot episode ng A Secret in Prague bukas, Abril 24, Biyernes.

Eere ito sa TV5 umpisa Abril 27, Lunes ng 8:00 P.M.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Tatlong primetime series, unang mapapanood sa Netflix bago sa free TV

NOEL FERRER

Identified si K Brosas sa TV5. Nalilimitahan ba ang trabaho niya sa ibang TV station?

Pag-amin ni K: “Yes, actually yes. Although, honestly, hindi naman ako ahhmm exclusive. Never.

“Twenty-five years ago ako nag-start mag-showbiz, wala akong exclusive contract kahit saan.

“Nag-offer sa akin, Animal Planet. Hindi ko tinanggap.

“Pero every time, per show ako. Hanggang sa TV5, per show ako. Pero natuwa ako sa TV5 kasi, thank you, Lord, hindi ako nawawalan ng trabaho.

“And I guess, hindi sa pagmamayabang, kasi siguro naman masipag din ako. And I guess marami naman akong… itong mga past projects ko, e, naging maganda naman at nagkaroon tayo ng konting recognition.

“Mga awards, nagkaroon tayo ng mga awards sa Sing-Galing at saka sa [Ang Himala ni] Niño. So, nakakatuwa. Blessed…

“Tayo naman, kung nasaan ang trabaho, maganda ang proyekto, why not? Sobra akong blessed and grateful.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

K BROSAS ON FUEL CRISIS

Naramdaman ba niya ang pagtaas ng halaga ng fuel? Naapektuhan ba siya?

“Oo naman, teh! Sy*t*ng inames, ano toh, doble?! Totoo! Hindi ako hybrid,” sambit ni K. “

Wala akong hybrid. Diesel ako, teh. Doble. Kaya naman labada pa more!”

Read: K reacts to Alvin's remarks vs celeb parents with LGBTQIA+ kids

GORGY RULA

Pagsisiwalat ni K Brosas, kailangan niyang maglabada pa more dahil ang kanyang next project ay beach house sa Camaya 2.

“Three years ago ko nang binili yung lupang yon. Dahil kay Pokie [Pokwang], Camaya 1 siya, di ba?” pagtatapat ni K.

“So, binili ko yung Camaya 2 nung pre-selling.”

Naiisip na ba niyang mag-retire kaya gusto niyang magpatayo ng beach house?

“Kasama na yun. Siyempre diyan pumapasok ang mga insurance, pension plan, ganun, di ba? Importante yan,” sey ni K.

“Adulting 101. Bukod sa mga insurances, sa mga life blah-blah-blah, kailangan yung pension plan, retirement plan. Importante yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi hindi masasabi ang buhay. Ipon is life.”

Hanggang kailan siya magtatrabaho?

“Hangga’t kaya ng katawang lupa ko, go! Sinasabi ko lang is… di ba? Yung meron kang nakatabi. Importante yon.”

is K BROSAS still LOOKING FOR A PARTNER?

Meron ba siyang nakakatabi? Dream niyang magkaroon ng afam na katabi sa pagtulog and whatever, di ba?

Napatili si K: “Charot lang! Anong dream?! Di na! Wala na!

"E, Sa sobrang kaartehan ko, paano? Hindi naman ako lumalabas. Hindi ako nagka-club, hindi ako nag-aano.

“Kung nagso-solo travel ako, puro ako tour ng sarili ko. Yung culture ang inaano ko, hindi para manlalaki! Gets?!

“Paano ako magkakadyowa?! Ang arte-arte ko. Meron nga akong Bumble. Nag-try ako ng Tinder. Tinamad din ako. Napakaarte ko, teh!”

Eleven years ago pa raw nang huling magkadyowa si K.

“I know, right. Relasyon to, ha, relasyon. Sex? Hindi ko na ikukuwento sa inyo pero matagal na rin,” saad ni K.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Four, five years ago.”

Bet niya ang bagets?

“Hindi. No. No offense. No, thanks. No, no offense sa mga bet, kanya-kanyang trip tayo. Pero sa akin, been there, done that,” sabi ni K.

“Nung 30s ako, nagkaroon ako ng dyowa na mas bata sa akin pero huwag na. Marami na akong kahit paanong na-invest sa sarili ko, di ba?

“Kung gusto ko, napakadali. Kaso nga, napakaarte ko. Hindi puwede sa akin ang bagets. Kasi dominant yung ano ko.”

Anu-ano ang qualities dapat ng isang lalaki para magustuhan niya?

“Wala, wala akong hinahanap. Mas mayaman sa akin dapat! Let’s face it… menopause na ang lolah nyo, teh,” sambit ni K.

“Fifty na ako, magpi-fifty-one na ako this year. Kaya nga, may phase siya. Kasama sa menopause ko, nawawala [ang sexual drive]. Nawawala talaga.

“Mula nung mid-40s ko hanggang ngayong 50s ko, wala, wala ako sa mood.”

Read: Lotlot de Leon's camp breaks silence on issue with brother Ian de Leon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
K Brosas says she isn’t looking for any specific qualities in a partner: “Wala, wala akong hinahanap. Mas mayaman sa akin dapat! Let’s face it… menopause na ang lolah nyo, teh. Fifty na ako, magpi-fifty-one na ako this year. Kaya nga, may phase siya. Kasama sa menopause ko, nawawala [ang sexual drive]. Nawawala talaga."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results