PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea at Vincent, ikinasal na sa Maynila? Bea, hindi pa raw buntis

Bea Alonzo at Vincent Co, ikinasal muna sa Pilipinas bago sa ang kasal sa Spain?
by PEP Troika
Published 6 hours ago
bea alonzo vincent co wedding
Actress Bea Alonzo and businessman Vincent Co are rumored to have quietly tied the knot in Manila. However, there has been no confirmation from either camp. The couple is also reportedly set to hold a wedding in Spain in May 2026.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

May ilang taong malapit kay Bea Alonzo ang nakabili na pala ng plane tickets patungong Spain para dumalo sa wedding ng A-list actress sa Puregold scion na si Vincent Co.

Meron pa ngang naglabas ng date na sa May 16, 2026 daw ang kasal nina Bea at Vincent sa Spain.

Pero walang nagkumpirma at walang sagot ang ilang taong malapit sa magkasintahan.

May haka-hakang baka ma-move daw ito dahil hindi pa ganun ka-stable ang sitwasyon sa Middle East.

WEDDING IN MANILA?

Ngayon ay may kumakalat namang tahimik na nagpakasal na raw sina Vincent at Bea dito sa Maynila.

Mauuna raw muna sa Pilipinas bago sila magpakasal sa Spain. Pero wala pa ring nakukuhang kumpirmasyon mula sa kanila.

Basta, tuloy lang daw sa pagte-taping si Bea ng bagong teleserye niya sa GMA-7 , ang Whispers From Heaven.

Naantala lang daw noon, pero hindi dahil sa nagdadalantao ang aktres.

At ayon sa isa pang napagtanungan ng PEP Troika, huwag na lang daw patulan ang kumakalat na balitang ikinasal na sina Bea at Vincent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bea Alonzo wedding banns with Vincent Co announced at a church

JERRY OLEA

Nakatsikahan ko sandali ang manager ni Bea Alonzo na si Shirley Kuan aka SK bago ang advance screening ng A Secret in Prague noong Abril 22, 2026, Miyerkules ng gabi, sa Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City.

Si SK din ang manager ni Andrea Brillantes na lead actress sa A Secret in Prague.

Tanong namin kay SK, pupunta na ba siya ng Spain?

Sagot ng manager nina Bea at Andrea, “Sorry, my destination is Los Angeles! Ha! Ha! Ha! Ha! I’m gonna see my doctors.”

After L.A., California, USA, saan na siya tutungo?

“I’m flying home! Ha! Ha! Ha! Tawag nila sa interbyu ko, laru-laro,” sambit ni SK.

“Noong una, ang sagot ko — hindi ko alam. Tapos mamaya pagkatapos, alam ko. Tapos sabi ko, hindi ko sasabihin. Ha! Ha! Ha!”

Hindi raw nabilang ni SK kung nakailang taping days na si Bea para sa Whispers in Heaven.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

BEA ALONZO NOT PREGNANT

For the record, buntis ba o hindi ang 38-anyos na si Bea?

“No. Not that I know of. Baka secret din. Hindi ko rin alam.”

A Secret in Madrid? A Secret in Barcelona?

Kailan ang kasal?

Mabilis na tugon ni SK, “Itanong niyo sa pari! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Read: Bea Alonzo at Vincent Co, sa Spain ikakasal sa May 2026?

NOEL FERRER

Masaya ako sa napapabalitang pagpapakasal ni Classmate Bea.

At kung buntis man siya, natural progression iyon dahil she is of age at desisyon na niya yun.

I wish her all the best, at least nailalagay na niya sa ayos ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Pero bakit usung-uso ang mga usaping pagdadalantao?

BIDANG AKTRES SA TELESERYE, DI TOTOONG BUNTIS

Maliban pa sa teleserye ni Bea, may isa pa raw teleserye na nade-delay ang taping, kaya pinagdudahang baka buntis ang lead actress.

Pero napag-alaman nating hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binago lang daw ang takbo ng kuwento kaya hindi nagtuluy-tuloy ang taping.

Pero tahasang itinanggi ng kampo ang isyung buntis.

Maayos na raw ang script kaya ratsada na ang taping, at makikita raw kung buntis ba talaga si thirtysomething lead actress o hindi!

Hamuna sila, I’m sure alam na alam naman na nila ang kanilang ginagawa.

Hindi kagulat-gulat ang pagbubuntis nila, kasi nasa edad na sila, at napatunayan nila na kaya nilang magtaguyod ng pamilya.

Yun na!

Read: Tuesday Vargas receives on-the-spot endorsement contract

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Bea Alonzo and businessman Vincent Co are rumored to have quietly tied the knot in Manila. However, there has been no confirmation from either camp. The couple is also reportedly set to hold a wedding in Spain in May 2026.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results