JERRY OLEA
Nag-first shooting day na si Direk Louie Ignacio ng pelikulang The Flying Red Balloon ngayong Abril 24, 2026, Biyernes, sa Taiwan.
Kinunan ni Direk Louie ang mga bidang sina Liezel Lopez at McCoy de Leon. May eksena rin ang supporting actor na si Paolo Gumabao.
Ipinost ng line producer na si Dennis Evangelista sa Facebook ang ilang BTS (behind the scenes) ng shoot.
Inusisa ko si Dennis via Messenger kung nasa Taiwan na rin si Tanya Gomez, ang napabalitang kapalit ni Sue Prado bilang Tita Belle na isang online seller sa movie.
Sagot ni Dennis, sa Manila kukunan ang mga eksena ni Tanya.
DETAILS FOR SUE PRADO'S FINAL ARRANGEMENTS
Ngayon ding Biyernes pinost ng younger sister ni Sue na si May Shereen Prado ang details sa final arrangements para sa yumaong aktres.
Noong Abril 20, Lunes, ang huling araw ng wake / urn viewing kay Sue sa Loyola Memorial Chapels and Crematorium sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
Sa Abril 26, Linggo, ang paghahatid kay Sue sa huling hantungan.
“To help guide everyone, please note that the Holy Mass and the inurnment will be held at two different locations,” bahagi ng post ni May Shereen.
Ang Holy Mass ay 1:00 P.M. sa Holy Family Parish Church sa Parang, Marikina City.
Ang Inurnment / Final Resting Place ay 2:00 P.M. sa Loyola Memorial Park, A. Bonifacio Avenue, Marikina City. (Garden of Resurrection, Section B119, Lot C03).
Sabi pa ni May Shereen: “From the bottom of our hearts, thank you to everyone who has reached out, prayed with us, and stood by our family during this incredibly difficult time.
“Your love, messages, and presence have brought us comfort and strength, and we truly feel less alone because of you.
“Thank you for continuing to remember Sue and for honoring her life with us. We are deeply grateful for each and every one of you.”
Read: Sue Prado's cause of death revealed by family
NOEL FERRER
Sue Prado will always be remembered, not only as a very good and award-winning artist but also someone na may puso sa mga katrabaho at komunidad niyang artists, at opinyonada at may prinsipyo at paninindigan.
Natatangi siya sa ganyan.
Habang ang ibang mga artista’y walang pakialam sa iba, at ang iba’y they keep to themselves — si Sue, mahal siya ng mga katrabaho niya, at may malasakit siya sa mga ito.
Mami-miss natin siya!
GORGY RULA
Nakakabilib ang producers na patuloy pa ring nagpo-produce ng mga pelikula, kahit walang katiyakan kung mababawi nila ito.
Tingnan natin kung may chemistry ba sina McCoy de Leon at Liezel Lopez.
Base sa mga ipino-post sa social media, wala pa akong nakikitang meron.

Sana, maganda ang kalabasan ng pelikula.
Hindi pa kasi gaanong naka-relate ang karamihan sa flying red balloon, or lantern.
Ginagawa ito dati sa Boracay, pero ipinagbawal ng LGU dahil hindi ito eco-friendly.
Bukod pa riyan, hindi pa sila nagsimula, namatayan sila ng cast member.
Sana, nagpalamig muna. Hindi na muna ipinilit?
Isa-submit ba ito sa MMFF, o may playdate na kaya kailangan nang simulan?
