JERRY OLEA:
Buntis na si Kiray! Ini-announce ni Kiray Celis sa kanyang Facebook page nitong Abril 24, 2026, Biyernes, na magkaka-baby na sila ng husband niyang si Stephan Estopia.
“Ikaw ang pinakamatamis na sagot sa lahat ng panalangin namin,” sabi ng Kiray kalakip ang video clip na "Finding out I’m pregnant."
Agad ding nag-post si Stephan sa FB na may video clip na may resulta ng ultrasound o sonography.
Ani Stephan, “Ikaw ang pinakamatamis na sagot sa lahat ng panalangin namin.”
Ngayong Abril 25, Sabado, ni-repost ni Kiray ang FB post ni Stephan, na dinagdagan niya ng hanash.
“Finally, our little miracle is here. P.S. sana yung height makuha niya sa papa niya Stephan Estopia. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!”
Noong Disyembre 13, 2025 ikinasal sina Kiray at Stephan sa Shrine of St. Therese of the Child Jesus sa Newport City Complex, Pasay City.

KIRAY CELIS ON TAKING A BREAK FROM SHOWBIZ
Nang makatsikahan namin si Kiray sa mediacon ng Kiray’s Brands na Hello Bloom, Hot Babe, Skin Vibe at Day-Li noong Marso 28, 2026, wala sa itsura niyang nagdadalantao siya.
Sabi ni Kiray, pahinga muna siya sa pag-aartista.
Naka-focus siya sa pagva-vlog, online selling, at pagpapalago ng Kiray’s Brands kung saan siya ang Chief Executive Officer (CEO).
Aniya, “Siyempre mahirap kapag bumalik ako sa showbiz, tapos biglang nagka-family ako bigla.
“Hindi ko alam kung paano ako papatayin sa eksena. E, noong time na yon, mga dalaga pa naman ako. So, wala naman. So OK lang.
“Pero ngayon, parang feeling ko po, OK po muna mag-business. Saka ikinasal ako. Nung bago naman ako ikinasal, nagpaalam ako sa manager ko sa Sparkle.
“Na soon, mag-i-start na rin ng family. Kasi mag-aasawa. So, ano ba namang next?
“Saka yung asawa ko, excited talaga siyang magkaroon ng anak. Pito ang pangarap niya, di ba? Seven pa naman yung pangarap ko.”
Congrats, Kiray and Stephan!
Read: Mister ni Kiray, higit pa sa Disney princess ang trato sa aktres
GORGY RULA:
Kitang-kita namang sobrang excited ang mag-asawang Kiray at Stephan Estopia sa pagkakaroon nila ng baby.
Mukhang hindi tayo mahuhuli dahil mag-a-update sila sa social media.
Pagkatapos nga nilang in-announce ito sa Facebook, sunud-sunod na ang mga posts nila.
KIRAY CELIS SHOWS SONOGRAM
At base sa huling FB post ni Kiray, parang gusto nilang magka-baby boy.
May ipinost siyang video ng kamay ng mag-asawa. May nakasulat na 1997 sa kamay ni Stephan, 1994 naman sa kamay ni Kiray.
Sa result ng ultra sound, may nakasulat naman na 2026, at makikita sa background ang maliit na sapatos ng parang sa baby boy.
Boy ba ang wish nilang magiging first baby?
Noong huli kong nakatsikahan si Kiray bago ang kanilang kasal nung nakaraang taon, sinabi pa ni Kiray na hindi raw niya ma-imagine na mabubuntis siya.
Hindi raw niya maisip kung kaya ba niyang mabuntis. Bahala na raw si Lord kung biyayaan agad sila ng baby.
Wish namin siyempre ang safe na pagbubuntis ni Kiray hanggang sa kanyang panganganak.
Read: Kiray Celis is now married to Stephan Estopia
NOEL FERRER:
Congratulations, Kiray at Stephan! Sana’y maging as hardworking at masaya at inspiring ang inyong supling.
Naipakita ni Kiray sa atin na maaaring umangat ang buhay dahil sa pagsisikap.
Sana’y ang magiging bunga ng pagmamahalan nila ay makuha ang best traits nilang mag-asawa.
