JERRY OLEA:
Noong nakaraang Linggo, Abril 19, 2026, tatlong event ang ginanap kunsaan tampok ang makikisig na lalaki.
Una, ang press presentation at welcome dinner ng 14 official candidates ng Ginoong Nueva Ecija sa Zer’s Cafe and Restaurant sa Talavera, Nueva Ecija.
Ikalawa, ang swimwear competition ng 22 kandidato sa Mister Pampanga 2026 sa The Lakeshore Pampanga sa Mexico, Pampanga.
At ikatlo, ang ikatlong araw ng Bench Fashion Week SS 2026 sa SPACE @ One Ayala, Makati City kunsaan sandamukal ang rumampa.
Read: Mister Pampanga candidate RJ Perkins reacts to body-shaming
CALIX ESGUERRA
Sa dinami-dami ng nagpakitang-gilas sa pauga ng Bench ay takaw-pansin ang sariwang si Calix Esguerra na Mister Teen of the Philippines 2025.

RJ PEKINS
Pero sa lupon ng mga lalaki sa tatlong event na iyon noong nakaraang Linggo, pumukaw nang lubos sa pansin ng netizens ang Mister Pampanga 2026 candidate na si Richard Jermaine “RJ” Perkins, 21 anyos, kinatawan ng Angeles City, dating trainee sa Star Hunt Academy.
Umekstra si RJ sa mga teleseryeng Kadenang Ginto at The Iron Heart.
Chubby is the new pogi, ikanga.

CALIX ESGUERRA SUPPORTS RJ PERKINS
At ngayong Abril 25, Sabado, nag-post si Calix sa Facebook ng litrato with RJ.
Sabi ni Calix, “No need to hate where someone is starting. Everybody has its own journey.
“Pageantry isn’t just about the crown or having the ‘perfect’ physique. It’s about confidence, growth, and how you carry yourself in the stage. Same with fitness it changes you not just physically but as a person.
“Everyone deserves a second chance to improve and to shine. Support each other always.”
Read: Kiray Celis, pregnant sa first baby nila ni Stephan Estopia
GORGY RULA:
Ang preliminary competition ng Mister Pampanga 2026 ay sa Mayo 3, Linggo ng 4:00 PM sa SM City Pampanga.
Ang gabi ng koronasyon ay sa Mayo 9, Sabado ng 6:00 PM sa Eastgate Convention Center sa San Fernando City.
Abangan natin kung may makakamit na special award si RJ Perkins, at kung makakasama siya sa Top 5.
At kung hindi man siya pumuwesto sa Top 5, abangan natin ang pagpapatuloy ng kanyang dumadagundong at yumayanig na journey.
Read: Manuel Chua, iniuugnay sa bagong kumakalat na video scandal
NOEL FERRER:
Support ako riyan sa nagpo-promote ng body positivity. Ako pa ba, na nag-i-struggle din sa pagiging overweight?
Kaya support ako sa advocacy ni RJ Perkins, na nagpapakita ng kahusayan at kabutihan kahit na may kabigatan.
Sana, hindi man siya palarin sa pageant, maging heavygat din sana ang kanyang kontribusyon sa ating lipunan.
Hindi lang kay RJ kundi pati sa mga katulad naming may kalusugan.
