JERRY OLEA:
Nag-live ang TikTok sensation na si Jayden Fernandez ngayong Abril 25, 2026 kaugnay sa kumalat niyang sex video kasama ang isang babaeng maraming tattoo.
Bago si Jayden, naunang umamin na nabiktima ng modus operandi sina Ron Angeles, Nikko Natividad, Gil Cuerva, Arron Villaflor, Nico Locco, at Andre Cue.
May tatlo pang mga personalidad ang nasasangkot ngayon sa video scandal, pero wala pang opisyal na pahayag ang mga ito.
Read: Alleged video scandal ng "The Big Four" kumakalat
Kilala si Jayden bilang model at online seller. Nagwagi siyang Mr. Grand Philippines Culture 2024 gamit ang tunay na pangalang Jonas Harina.
Rumampa siya sa Bench show na Body of Work noong Marso 21, 2025 sa SM MoA Arena.
Ayon kay Jayden, nangyari ang namagitan sa kanila ng nasa video noong siya ay single pa.
Lumuluhang pagtatapat ni Jayden, “Hindi ko po binigyan ng consent iyong pagkalat po ng private stuff na yon.
“Pagdating po doon sa mga narinig niyo, nalaman niyo doon about the video, I admit po, before nung single po ako… I tried things out of curiosity.
"Na right now, pinagsisisihan ko. Hindi ko na inisip iyong consequence…
"Husgahan niyo na ako, sabihin niyo lahat ng gusto niyong sabihin. Pero huwag nyong idamay yung girlfriend ko, and yung family ko.
"Hayaan niyong ako na lang," pakiusap niya sa netizens.
Nag-sorry si Jayden sa kanyang pamilya, sa kanyang partner, at sa pamilya ng kanyang partner.
Nagpasalamat si Jayden sa mga sumuporta sa kanya, at patuloy na umiintindi sa kalagayan niya ngayon.
JAYDEN FERNANDEZ PRIVATE PICTURES
Nakapanayam namin si Jayden sa press presentation at sashing ceremony ng Mr. Grand Philippines 2024 noong Oktubre 8, 2024 sa Viva Cafe, Cubao, Quezon City.
Ang adhikain niya sa timpalak, social media management at responsible use of social media due to lack of knowledge of people on how to really use it.
“I was a victim… my private pictures spread without my consent," sabi niya noon.
Noong kasagsagan ng pandemya ay kumalat ang kanyang nude picture. Ex-girlfriend daw niya na taga-Batangas ang nagpakalat niyon.
“That was the biggest trauma of my life,” sabi noon ni Jayden.
Inamin niya rin noong siya talaga ang nasa litrato.
Dagdag ni Jayden, “Lahat naman ng tao, nagkakamali. And what’s really important is, paano tayo babangon.”
For sure, mas nakaka-trauma para sa kanya itong pagkalat ng video scandal.
Inaasam natin na malagpasan ni Jayden ang panibagong pagsubok na ito sa kanyang buhay.
Read: Nikko Natividad admits video scandal: "Nademonyo ako, natukso."
GORGY RULA:
Nagpahinga lang sandali itong parang sindikatong ito na nagbebenta ng mga sex video na nakukunan nila.
Tapos, ngayon ay bumalik na naman. Malamang na meron pang lalabas iyan kapag hindi pa sila natukoy kung sinu-sino talaga ang may pakana nito.
Sabi nga ng film producer at ang nagha-handle kay Ron Angeles na si Bryan Diamante, marami pa raw talagang mga sex video na hindi pa lumalabas.
May ibang aktor pa raw na involved, kaya asahan na meron pang lalabas kapag hindi pa masugpo ito.
Sabi ni Bryan nang kinumusta namin sa premiere night ng pelikula nilang Huwag Kang Titingin, itutuloy raw nila ang pagsampa ng reklamo.
May ilang aktor at models na nakipag-ugnayan na sa kanila at sasama sa pagsampa ng reklamo.
Meron na raw isang nahuli. Hindi lang nilinaw kung isa sa mga babaeng nakasama sa video ng mga male personalities na ito.
Ang dinig kasi namin ay tatlong babae raw ito, at hindi na matunton kung saan na ang iba.
Pinost nga ng isang netizen sa X (dating Twitter) ang pagsusuri sa hinihinalang babae na sangkot sa scandal.
Base sa tattoos ng babae, the same girl ang nakasama sa scandal nina Nico Locco, Jayden Fernandez, at iyong sa alleged video ni Jayden Fernandez.
Another girl daw iyong ka-partner nina Gil Cuerva, Andre Cue, at iyong sa alleged video ng isa pang artistang nasasangkot din ngayon sa scandal.
Still another girl umano iyong nakatalik nina Nikko Natividad, Ron Angeles, at Arron Villaflor, na walang direktang kumpirmasyon kung siya nga sangkot sa scandal.
Mag-a-update daw ang kampo ni Ron kapag umusad na ang kaso.
Pero sabi nga ni Bryan na handler ni Ron, dapat na makipagtulungan na raw ang iba pang nabiktima para sa bumigat ang reklamong isasampa sa mga taong may kagagawan nito.
Read: Gil Cuerva breaks silence amid leaked video scandal
NOEL FERRER:
Pebrero 28, 2026 nagsimulang kumalat ang intimate videos nina Ron Angeles, Gil Cuerva, Nikko Natividad, at Arron Villaflor na tinaguriang "The Big Four."
Sumunod ang private videos nina Nico Locco, Andre Cue, at iyong alleged videos sangkot ang dalawa pang personalidad na di pa naglalabas ng statement tungkol sa isyu.
Pang-"Season 2" nga raw itong kay Jayden Fernandez at alleged video ng isa pang personalidad na nasasangkot ngayon sa video scandal.
MOVING FORWARD DESPITE THE SCANDAL
Sa kabila ng kontrobersiya, tuloy ang trabaho ng mga personalidad na nasangkot at umamin tungkol sa kani-kanilang video scandal.
Sina Ron at Andre ay gumanap bilang lovers ni Sylvia (Pinky Amador) sa Kapuso afternoon drama series na Apoy sa Dugo.
May bagong indie movie pa si Ron. Si Nikko ay may mga guesting pa rin.
Nag-post siya ng happy family picture sa Facebook recently with the caption, “Mamuhay ng simple sa probinsya ng may 500million sa bangko.”
Sa kaso ni Arron, ang huli niyang statement ay hindi muna siya magsasalita hangga't ongoing ang investigation.
Read: Arron Villaflor finally addresses alleged video scandal
Tuloy ang trabaho ni Arron bilang public servant.
Sa recent post niya sa FB, inihayag niya na hindi niya hahayaang maapektuhan ang trabaho ng kinasasangkutang isyu.
“Maaaring sinusubok tayo ng panahong ito, ngunit hindi nito tinutukoy ang ating kinabukasan. Sama-sama tayong babangon, magdadamayan, mag-iingatan, at muling magtatayo ng may pag-asa sa ating mga puso.
“Sa kabila ng lahat, nananatiling matatag ang diwa ng Pilipino. May liwanag na naghihintay sa atin kung tayo’y patuloy na magtutulungan.
“Padayon. Para sa bayan.”
Tuloy rin ang work ni Nico bilang host at artista.
Naawa ang road manager ng isang model sa consequences ng pagkakaroon nito ng sex video.
Ayon sa road manager, nag-back out iyong mga nag-offer ng commercial para sa kanilang alaga dahil sa morality clause.
Hopefully, malagpasan iyon eventually ng nasabing model.
Dalawang newbie sa pag-aartista na nagkaroon ng video na pinapaligaya ang sarili na nasa showbiz pa rin.
Ang isa ay kabilang sa winners ng isang timpalak kamakailan, at ang isa pa ay may magandang supporting role sa isang bagong primetime series.
