PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alex Gonzaga, nagpahiwatig sa Instagram na buntis siya?

Alex Gonzaga, hindi sinasagot ang tanong sa rumored pregnancy.
by PEP Troika
Published 2 days ago
alex gonzaga rumored pregnancy
Alex Gonzaga posted this message on Instagram last Easter Sunday: "Thank you Jesus for this life that we have together. Thank you for your grace, trials, favor and blessings. You have risen!!!!"
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Hindi sinasagot ni Alex Gonzaga ang pangungulit namin kung totoong nagdadalantao siya.

Marami kasi ang nagdududa magmula nang mag-post siya sa Instagram noong Easter Sunday na tila nagpapahiwatig sa kanyang kalagayan.

Pero wala siyang kinumpirma.

Mensahe niya noon sa Instagram: "Thank you Jesus for this life that we have together. Thank you for your grace, trials, favor and blessings. You have risen!!!!"

Lalong kaduda-duda nang in-edit niya ang caption sa kanyang IG post at tinanggal ang katagang “little” life.

Sumagot lang si Alex nang ifinorward ko sa kanya ang isang post sa X ng litrato nila ng mister niyang si Lipa City Vice-Mayor Mikee Morada.

Kapansin-pansin kasing malaki ang kanyang baby bump sa naturang larawam.

Obvious namang AI yun, pero tinanong ko pa rin siya kung totoo ba ito.

Doon lang siya nag-react at sinagot niyang, “AI po yan hehehe!”

mikee morada alex goznaga ai photo
An AI-generated image of Alex Gonzaga and Mikee Morada shows the actress-vlogger with a baby bump.
Photo/s: X (Twitter)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nang sinundan ko ng tanong tungkol sa kalagayan niya ngayon, at kung totoo bang buntis, hindi na siya sumagot.

Kahit ang ilang taong malapit sa kanya ay hindi rin malinaw ang sagot. Ang iba ay sinasabi nilang wala silang alam.

Read: Bea Alonzo at Vincent Co, ikinasal na sa Maynila?

FANS ARE HAPPY FOR ALEX GONZAGA

Pero excited at masaya ang fans ni Alex na nagko-comment sa kanyang IG post.

Umabot na ng mahigit 300,000 ang nag-like at mahigit 2,000 ang nag-comment na masaya sila kung totoong buntis na nga siya.

Kahit hindi pa ito kino-confirm ni Alex, ramdam daw nilang lahat at masaya sila para sa actress-vlogger.

Ilan sa mga kaibigang taga-showbiz na nag-comment ng love at prayer hands emoji ay sina Isabel Oli, Jessy Mendiola, Bayani Agbayani, at Charee Pineda.

JERRY OLEA

Dalawang aktres ang pinagdudahang dyontilds, pero tahasang itinanggi iyon ng kani-kanyang kampo.

Nasa interesting stage ang isang pretty young star, at nabalitaan nating pakakasal sila ng kasintahan niyang tall & handsome personality sa lalong madaling panahon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Pretty Young Star at Tall & Handsome Personality, magpapakasal na

Ini-announce ni Kiray na magkaka-baby na sila ng husband niyang si Stephan Estopia.

Read: Kiray Celis, pregnant sa first baby nila ni Stephan Estopia

Masaya tayo para kay Alex Gonzaga kung totoong preggy siya ngayon.

NOEL FERRER

Mahal ko si Alex Gonzaga at alam niya yan.

Matagal na nating ipinagdarasal na mabiyayaan sila ni Mikee Morada ng supling.

Kung totoong buntis man siya, masaya tayo sa kanya at ipagdarasal pa ring maging safe siya lagi.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Gonzaga posted this message on Instagram last Easter Sunday: "Thank you Jesus for this life that we have together. Thank you for your grace, trials, favor and blessings. You have risen!!!!"
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results