GORGY RULA
Na-hold ang isang malaking movie project na pagbibidahan ng isang premyadong aktor na nagdidirek din ng pelikula.
Maganda ang script.
Kuwento ito ng isang kilalang political figure na mainit na pinag-uusapan ngayon.
Sa pagkakaalam ko ay kasado na ito dahil kumpleto na ang cast na karamihan ay talagang mga kilala at magagaling.
Dinig ko ay magsisimula na sana ang shooting sa susunod na buwan.
Pero ang latest, sinabihan ang mga artistang involved na maho-hold muna ito.
Puwede raw silang tumanggap ng ibang trabaho, at ibinalik na ang ipina-block na schedule.
ON HOLD DUE TO "UNAVOIDABLE CIRCUMSTANCES"
Hindi ganoon kalinaw ang dahilan, pero "unavoidable circumstances" daw ang rason.
Isa pa, masyado raw mainit ang political conflicts na pinag-uusapan sa ngayon.
May ideya kami sa mga artistang bahagi ng film project na ito, pero tiyak na wala silang sagot tungkol dito dahil may Non-Disclosure Agreement (NDA) nang tinanggap nila ang naturang project.
Read: Pageant kings Kenneth Cabungcal and Kenneth Marcelino reveal their real score
JERRY OLEA
Kontrobersiyal ang istorya at mga karakter sa nasabing pelikula tungkol sa kilalang political figure.
Siyempre, marami pang ibang personalidad sa political landscape ang bahagi ng kuwento.
Pahiwatig ng ating unimpeachable source, hindi maiiwasang ikonek ang movie project sa eleksyon sa 2028.
Kung super-react ang netizens sa pag-entra ni Robin Padilla bilang Ahmad Mustapha sa Kapamilya primetime series na Blood vs. Duty, siguradong matindi rin ang balitaktakan kapag napabalita na ang mga bagay-bagay sa malaking pelikulang pagbibidahan ng premyadong aktor.
Title pa lang ng nasabing movie, sandamakmak na ang mapapa-"shukran."
Read: Robin Padilla, nagbabalik-telebisyon sa Blood vs Duty
NOEL FERRER
Buti naman at on hold na muna ang nasabing movie project.
Hayaan na ang sining na maging kapaki-pakinabang para sa sambayanan, hindi para lang sa interes ng iilan.
Sana nga’y hindi na magamit pa ang sining ng pelikula para sa ambisyong politikal ng mga kakandidato.
Mas okey na harapang managot ang mga ito sa mga bukas na talakayan, forum, at debate, kaysa gamitin pa ang sining para sa ambisyong mahalal sa puwesto.
Read: Jayden Fernandez, umaming may video scandal; nag-sorry sa partner
