PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Heaven Peralejo, nanlibre ng gas sa 150 jeepney drivers

Heaven, katuwang ang fans nila ni Marco Gallo sa pamimigay ng libreng gas.
by PEP Troika
Published 1 Hour ago
heaven peralejo free gas
Actress Heaven Peralejo, through the help of Heaven-Marco Gallo fans MarVen Royals, provides free fuel to 150 jeepney drivers in Quezon City.
PHOTO/S: Oskee Recabar

JERRY OLEA

Inilunsad ng aktres na si Heaven Peralejo ang proyektong "Pasada for A Cause" noong Abril 26, 2026, Linggo ng hapon, sa Metro Oil gas station sa P. Tuazon Blvd., Cubao, Quezon City.

Isang daan at limampung (150) jeepney drivers ang nakatanggap ng tig-PHP500 halaga ng gasolina.

Katuwang ng aktres sa initiative na ito ang fanbase na MarVen Royals.

“Hindi natin magagawa ito kundi naman po sa suportang ibinigay ng MarVen Royals, di ba?” sabi ni Heaven.

“Maraming salamat po for this opportunity — nakapagpaligaya tayo ng mga jeepney drivers ngayon.

“At alam naman natin kung gaano kahirap ang buhay. Masaya na nakakatulong din tayo sa kanila.

“Nakakapagbigay tayo ng aksyon kumbaga. So this means a lot.”

MARVEN LOVETEAM

Ang MarVen ay portmanteau ng pangalan nina Marco Gallo at Heaven Peralejo.

Nabuo ang kanilang tandem sa online series na The Rain in España (2023) na nag-streaming sa Viva One.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkamabutihan ang MarVen sa totoong buhay pero naghiwalay kalaunan.

Ganunpaman ay nanatili silang magkaibigan, at andiyan pa rin ang suporta ng MarVen fans.

Sabi ng kaibigang Oskee Recabar na saksi sa charity event: “Nakakatuwa si Heaven, sumakay talaga sa jeep at kinausap ang mga driver!

“Ang Pasada for a Cause ay patunay na sa panahon ng pagsubok, ang sama-samang pagkilos — mula sa mga artista hanggang sa kanilang komunidad—ay kayang maghatid ng tunay na pagbabago at pag-asa sa kalsada.”

Read: Mayor Vico Sotto to teach at a university after his term ends in 2028

heaven peralejo jeepney drivers
Actress Heaven Peralejo interacts with jeepney drivers who received PHP500 free gas from her.
Photo/s: Oskee Recabar
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GORGY RULA

Parang noong nakaraang pandemic, bentang-benta ang sardinas, noodles, bigas at iba pa sa mga paayuda.

Ngayon naman na parang pandemic na rin ang pinagdadaanan natin, gasolina na ang ipinamimigay.

Ang ganda lang ng mga fans club ngayon, kagaya ng MarVen fans, dahil may katuturan ang pagse-celebrate nila kasama sina Marco Gallo at Heaven Peralejo.

FREE GAS FROM OTHER CELEBS

Noong first anniversary ng DustBia nina Dustin Yu at Bianca de Vera ay namigay rin ang fans ng gasolina sa jeepney drivers.

Read: DustBia fans, may palibreng gas sa jeepney drivers

Kamakailan lang ay nag-round 2 ang Beautederm CEO na si Rei Anicoche-Tan ng pamimigay ng gasolina sa mga tricycle drivers at riders sa tulong ng Rotary Club of Balibago at mga malalapit na kaibigan.

Bahagi ng ipinost ni Ma’am Rei sa kanyang Facebook account: “Di man natin mabago ang sitwasyon, pero kahit isang araw lang, we were able to bring smiles and relief to 600 riders. And that already means everything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“In times like this, kindness becomes our greatest strength. When the world feels heavy, even the smallest act of compassion can restore hope.”

Read: Rei Anicoche-Tan, may palibreng gas sa tricycle drivers at riders

ANOTHER PRICE ROLLBACK

Mahirap pa rin ang buhay, kahit unti-unti nang bumababa ang presyo ng gasolina at diesel. Laban pa rin!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Martes, Abril 28, ay another rollback na naman ang ipatutupad ng gobyerno.

Ayon sa Department of Energy, bababa ng PHP12.94 per liter ang diesel; at PHP15.71 per liter naman ang ibababa sa kerosene.

Pero bahagyang tataas ng PHP0.53 per liter ang gasolina.

NOEL FERRER

Salamat sa ganitong initiatives ng private individuals para sa ating mga kababayang nangangailangan.

Sana, mas palawigin pa ng pamahalaan ang tulong nila sa mga nangangailangan ngayong panahon ng krisis.

Ramdam nating lahat ang hirap ng buhay.

Sa huli’t huli ba’y tayu-tayo na rin lang ang magtutulungan?

Nasaan na yung nga ibinoto ninyo sa kapangyarihan?

Read: Vice Ganda questions government plan for drivers amid fuel hike

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Heaven Peralejo, through the help of Heaven-Marco Gallo fans MarVen Royals, provides free fuel to 150 jeepney drivers in Quezon City.
PHOTO/S: Oskee Recabar
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results