PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kumusta ang ratings ng A Secret in Prague at My Bespren Emman?

Sang'gre, patuloy na namamayagpag; A Secret in Prague, No. 1 na sa Netflix.
by PEP Troika
Published 8 hours ago
a secret in prague my bespren emman tv5
TV5's new offerings, A Secret In Prague (left) starring Enrique Gil and Andrea Brillantes and My Bespren Emman (right) starring JM de Guzman and Shaina Magdayao, both premiered on April 27, 2026.
PHOTO/S: TV5

GORGY RULA

Wala kaming nakuhang ratings ng pilot episode ng dalawang bagong teleserye ng TV5 na A Secret in Prague at My Bespren Emman na nag-umpisang umere noong Lunes, Abril 27, 2026.

Wala kaming ideya kung mataas ba ang pagsisimula ng mga ito.

Ang nakuha lang namin ay ang ratings nung Martes, Abril 28.

Hindi ito nalalayo sa rating na nakukuha noon ng Totoy Bato.

Ang A Secret In Prague ay 1.2%, at ang sumusunod na My Bespren Emman ay 1%.

Samantala, mas tumaas ang katapat nitong Sang’gre dahil sa umiinit na ang kuwento sa nalalapit na pagtatapos nito sa Mayo 8.

Ang Sang’gre ay 10.2%, at ang katapat din nitong Blood vs. Duty ay 3.8%.

Ang 24 Oras ay 10.4%; ang Frontline Pilipinas ay 1.4%, at ang TV Patrol ay 2.8%.

Ang Never Say Die ay 7.3%, at ang The Alibi: Ang Buong Katotohanan ay 3.2%.

Ang The Secets of Hotel 88 ay 4%; at ang Love Scout ay 1.7%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumunod ang Saksi na 1.9%.

Read: Vice Ganda, may "pasabog na collab" para sa MMFF 2026

JERRY OLEA

Sa talaan ng Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines, pangalawa ang A Secret in Prague noong Linggo (Abril 26) at Lunes (Abril 27).

Nanguna ito kahapon, Martes (Abril 28), at ngayong Miyerkules (Abril 29).

APRIL 27 PRIMETIME RATINGS

Base sa Facebook post ng Encantadia Chronicles: Sang’gre, ang A Secret in Prague ay naka-1.1% sa pilot episode noong Lunes, Abril 27.

Wala kaming nakuha sa pilot episode ng My Bespren Emman.

sang'gre ratings
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang Sang’gre pa rin ang nanguna noong araw na yun, na mas tumaas pa.

Hanggang Mayo 8 na lamang ang Sang’gre sa GMA Prime, at simula Mayo 11 ay papalitan na ito ng The Master Cutter ni Dingdong Dantes.

Simulan muna natin ang Monday primetime ratings sa 24 Oras na 10.9%; ang Frontline Pilipinas ay 2%, at ang TV Patrol ay 2.8%.

Ang Sang’gre ay 10.9%, at ang Blood vs. Duty ay 4.1%.

Ang Never Say Die ay 7.5%, at ang The Alibi ay 3.3%.

Sumunod ang The Secrets of Hotel 88 na 4.3%, at ang Love Scout ay 1.6%.

Ang Saksi naman ay 1.9%.

Read: Alex Gonzaga, nagpahiwatig sa Instagram na buntis siya?

NOEL FERRER

Gumaganda naman ang viewing level sa mga panghapong programa.

Noong Lunes, Abril 27, ay naka-5.2% ang It’s Showtime, at ang Eat Bulaga! ay 3.1%.

Ang Born To Shine ay 5.8%; ang Can’t Buy Me Love ay 0.7%, at ang Frontline Express ay 1.7%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumunod ang House of Lies na 5.9%, at ang Senior High ay 0.5%.

Ang Apoy sa Dugo ay 5%, at ang Kapamilya Gold Hits ay 0.3%.

Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 3%.

Ang My Sweetest Taboo ay 2.2%, ang TV Patrol Express ay 0.8%, at ang Una Sa Lahat ay 1.3%.

Ang Family Feud ay 5.6%, ang Minute To Win It ay 0.9%, at ang Frontline Pilipinas ay 2%.

Noong Martes, Abril 28, naman ay naka-5.7%, at ang Eat Bulaga! ay 3%.

Tumaas pa ang Born To Shine na naka-6.1%; ang Can’t Buy Me Love ay 0.7%, at ang Frontline Express ay 1.6%.

Sumunod ang House of Lies na 5.9% at ang Senior High ay 0.5%.

Ang Apoy sa Dugo ay 4.6%, at ang Kapamilya Gold Hits ay 0.4%.

Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 3%.

Ang kasunod na My Sweetest Taboo ay 2%, ang TV Patrol Express ay 0.5% at ang Una Sa Lahat ay 0.8%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Family Feud naman ay 5.4%, at ang Minute To Win It ay 1%.

Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co's wedding date

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV5's new offerings, A Secret In Prague (left) starring Enrique Gil and Andrea Brillantes and My Bespren Emman (right) starring JM de Guzman and Shaina Magdayao, both premiered on April 27, 2026.
PHOTO/S: TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results