GORGY RULA
Sa apat na adopted children ng namayapang Superstar at National Artist na si Nora Aunor, kilala ng mga taga-showbiz si Matet de Leon bilang pinaka-vocal.
Talagang sinasabi nito ang nararamdaman at nasa isip niya.
Sa gitna ng isyung mana sa pagitan nilang adopted children at ng biological son na si Ian de Leon, minsan lang nagbigay ng pahayag si Lotlot, at idinaan niya ito sa pamamagitan ng kanyang legal counsel.
Read: Lotlot de Leon's camp breaks silence on issue with brother Ian
MATET DE LEON'S POST
Habang si Matet ay idinadaan sa social media ang reaksiyon nito sa isyu sa kanilang pamilya, gamit ang litrato nila ng kanyang mga kapatid na sina Lotlot, Kiko, at Kenneth.
Ang isa sa huli niyang ipinost kamakailan ay umani na naman ng sangkatutak na reaction at komento, na karamihan ay galing sa Noranians.
Mensahe ni Matet: “Post ko lang uli. Pag nakapagbigay ng impormasyon kung sino ang nagsabing naghahabol kami may prize. Comment down below!!!”
Obvious na ang tinutukoy niya ay tungkol sa mana.
Kabilang sa unang nag-react sa post ni Matet ay si Lotlot mismo.
Comment ni Lotlot: “Hahahahahahaha dami ko tawa hahahahaha”
Sagot ni Matet: “O di ba te? Tawa tayo nang tawa.”
Marami rin ang nag-react sa comment ni Lotlot, at mukhang kilala ni Matet ang iba rito.
Sabi pa ni Matet, itatawa na lang nila ang mga haka-haka.
Read: Is this Matet’s reaction to inheritance issue with brother Ian?
MATET LASHES BACK AT BASHERS
Pero may ibang komentong hindi nagustuhan ni Matet, at talagang sinasagot niya ito.
May nag-comment na hayaan na lang daw sa biological child ang mana. Magpasalamat na lang daw na nabigyan sila ng magandang buhay.
Sagot ni Matet na napamura pa, “Mukha ba kaming may pake jan sa picture na nakikita mo? Di mo ba gets?”
Nag-react din si Matet nag-comment na nakakasira pa raw sa magkakapatid ang mana na yan.
Sabi ni Matet: “Walang mana. Bastusan meron.”
Meron pang iba na ikinokonek ang isyu sa karakter na ginagampanan ni Matet sa Kapuso afternoon drama series na Apoy sa Dugo.
Nasa social media rin ni Matet ang mga ginagawa niya bukod sa pag-aartista. Tuluy-tuloy siya sa pagla-live selling para kumita.
Noong Martes, April 28, ay nag-post siya uli sa Facebook.
Sabi niya, “Wala na… Ang cocorny niyo na… ugh”
May nag-comment na mabuti at nandiyan daw si Matet na handang makipaglaban para sa kanyang mga kapatid at dignidad.
Sagot ng aktres, “Hindi po ako titigil. Para sa aming apat.”
Read: Ian de Leon no personal motive in managing Nora Aunor's legacy
JERRY OLEA
Sa Mayo 21 ay kaarawan ng kanilang ina, si National Artist Nora Aunor.
Posible kayang magkasama-sama silang limang magkakapatid sa araw na iyon?
Puwede kayang mamagitan ang ama nilang si Christopher de Leon upang maayos ang anumang gusot?
NOEL FERRER
Nakakalungkot itong nangyayari sa mga anak ng ating Superstar.
Sana talaga, may maganap na intervention para mabuo at magsama-sama ulit sila…. sa tamang panahon… sa tamang pagkakataon.
Patuloy nating ipinagdarasal silang lahat!!!
