JERRY OLEA:
Tatlong pelikulang Pinoy sana ang mag-o-open sa local cinemas noong Abril 22, 2026, Miyerkules.
Ang mga ito ay ang 3 Words, Rosario, at Neophyte 26. Natuloy ang showing ng 3 Words kunsaan bida sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte. Ang direktor ay si Fifth Solomon.
Above the title din ang billing nina Queenay Mercado, Kych Minemoto, Kate Alejandrino, Renzie Aguilar, at Angel Raymundo sa poster ng pelikulang ito.
ROSARIO
Naudlot ang showing ng horror movie na Rosario starring Aubrey Caraan, Jairus Aquino, Lance Carr, Meg Imperial, Yumi Garcia, Suzette Ranillo, Rose Van Ginkel, and Bernadette Allyson. Ang direktor ay si Roni Benaid.
NEOPHYTE 26
Ipinagpaliban din ang showing ng advocacy film na Neophyte 26 starring Derrick Monasterio, Elle Villanueva, Angelica Jones, Ronald Adamat, Jon Lucas, Neil Ryan Sese, at Andrea del Rosario.
Kasama rin sina Mike Lloren, Mosang, Lance Raymundo, Maxine Trinidad, Chris Leonardo, Vince Ricarte, Chichi de la Cruz, Angelika Santiago, at Princess Estanislao.
Naroon din sa Neophyte 26 sina Dharelle Alconcel, Meredith Breña, Ancient Tabora, Timothy Chan, Matt Gregorio, Andrew Lucas, Dexter Cipres, and Angelo Alday. Ang direktor ay si Rommel Penesa.
NORMAL
Nasa April 22 playdate din ang American crime thriller na Normal na pinagbidahan ni Bob Odenkirk, pero na-postpone din ito.

FOREIGN FILMS
Pitong foreign films ang kasabay ng 3 Words na nag-showing sa ating mga sinehan — The Magic Faraway Tree, One Ok Rock: Detox Japan Tour 2025, Ginatama on Theater 2D: Ikkokukeisei-hen, Decadence, Rosemead, Mother Mary, at ang biographical film na Michael.
Humataw sa takilya sa iba’t ibang bansa ang Michael.
Ayon sa Box Office Mojo ay umabot na sa $238M ang global gross nito, pang-anim sa pinakamalalakas na movie sa buong mundo ngayong 2026.

Noong Abril 29, Miyerkules, natuloy na ang showing ng Normal, pero missing in action pa rin ang Rosario at Neophyte ‘26.

Isang pelikulang Pilipino lamang ang nag-showing sa local cinemas last Wednesday, iyong She Who Must Not Be Named starring Francine Diaz and Seth Fedelin.
THE DEVIL WEARS PRADA 2
Bumangga ang FranSeth movie sa The Devil Wears Prada 2, kunsaan tampok sina Meryl Streep, Anne Hathaway, Emily Blunt, at Stanley Tucci na pawang multi-awarded.
Of course, pinanood ko noong opening day ang The Devil Wears Prada 2 (TDWP2). Humaplos at kumurot sa aking puso at balun-balunan iyong moment nina Miranda Priestly at Andy Sachs sa kotse.
Sa Power Plant mall ng Rockwell Center, Makati City ako nanood.

Sa walong sinehan ng Power Plant mall, pito ang butas ng TDWP2. Hapon ako nanood. Noong gumagabi na ay halos sold-out ang screenings. Andaming tao sa lobby, na karamihan ay fashionista ang arrive. Pila-pila sa bilihan ng popcorn.
Pakiwari ko’y mas marami pang dadagsa this weekend sa Power Plant mall para panoorin ang TDWP2, maski itaga pa ninyo sa pangalan nina Emily Charlton at Nigel Kipling.
Itong movie sequel na TDWP2 ay malayung-malayo sa kuwento ng sequel novel na Revenge Wears Prada: The Devil Returns (2013) ni Lauren Weisberger.
Ang iba pang mga nobela ni Laura ay Everyone Worth Knowing (2005), Chasing Harry Winston (2008), Last Night at Chateau Marmont (2010), The Singles Game (2016), When Life Gives You Lululemons (2018) aka The Wives na second sequel ng The Devil Wears Prada, at Where The Grass is Green and the Girls Are Pretty na inilathala rin sa title na One Little Lie.
Ang TDWP2 ay isa sa limang pelikula ni Anne Hathaway for 2026. Ang apat pa ay Mother Mary, Verity, The End of Oak Street, at The Odyssey.
Ayon sa Facebook page ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), ang tatlo pang banyagang pelikula na nag-showing noong Miyerkules ay Vampires, Mermaid at Cinco de Mayo: The Battle.

Sa darating na Mayo 6, Miyerkules, showing na ang Almost Us nina JM Ibarra at Fyang Smith. Ang director ay si Dan Villegas.
Nakalatag na kasabay nito ang showing ng foreign movies na The Sheep Detectives, Mortal Kombat II, at The King’s Warden.
Ewan kung maipapalabas na rin ang Rosario at Neophyte ‘26. O baka naman nag-showing na ang mga iyan at hindi ko lang namalayan?
Kung hindi pa… naku!!! Anong foreign film kaya ang tatapatan nila?
Coming soon, sooner or later ang The Mandalorian and Grogu, Masters of the Universe, Toy Story 5, Supergirl, Moana, The Odyssey, at Spider-Man Brand New Day! Kapana-panabik panoorin ang mga ito batay sa kani-kanyang trailer, ha?!
Read: Vice Ganda reveals reason for recent break from It's Showtime
NOEL FERRER:
Ayon sa source ng PEP Troika ay naka-P100K ang first day gross ng 3 Words noong Abril 22.
Hindi na natin nabalitaan kung mas tumaas ang kita nito nang mga sumunod na araw.
This Friday pa lang ang showing ng The Devil Wears Prada 2 sa North America.
Positibo ang reviews dito ng karamihan sa mga kritiko. May special participation dito si Lady Gaga. May cameo si Donatella Versace.
Maikli pero markado ang exposure ni Lucy Liu bilang Sasha Barnes.
Sayang at walang cameo si Adrian Grenier na gumanap bilang Nate Cooper, boyfriend ni Andy, sa OG The Devil Wears Prada (2006). Na-edit out iyong cameo ni Sydney Sweeney as herself.
Kabilang sa Filipino movies na coming soon ang Midnight Girls, Tayo Sa Wakas, Love, Ngo, at Project Baby.
Ayon sa Box Office Mojo, ang pinakamalalakas na pelikula worldwide ngayong 2026 so far ay ang mga sumusunod:
1. The Super Mario Galaxy Movie, $834M
2. Pegasus 3, $649M
3. Project Hail Mary, $616M
4. Hoppers, $370M
5. Wuthering Heights, $242M
6. Michael, $238M
7. Scream, $208M
8. Blades of the Guardians, $203M
9. Scare Out, $200M
10. GOAT, $191M
Read: Mark Alcala shares photo featuring Kathryn Bernardo’s dog
GORGY RULA:
Ayon sa reliable source ng PEP Troika, naka-P17.2M ang The Devil Wears Prada 2 sa opening day nito sa local cinemas noong Miyerkules, Abril 29, 2026.
Nakasabay nito ang pelikula ng FranSeth na She Who Must Not Be Named na wala sa kamalayan kong may ganito palang pelikula.
Sayang at hindi gaanong na-promote nang husto ito, na kagaya ng OG The Devil Wears Prada ay may konek kay Harry Potter.
Sabi ng aming source, hindi pa raw umabot ng PHP500,000 ang kinita ng FranSeth movie na nag-open nung Miyerkules.
Tiyak na lalo pang lalakas this weekend ang The Devil Wears Prada 2 dahil maganda ang feedback sa pelikula, kahit sinasabi ng karamihang mas maganda pa rin ang unang movie.
Pero type kasi ng mga manonood ngayon ang nostalgic at magpaka-throwback, na interesado naman ang Gen Z.
Kaya inaasahang tatagal pa ito sa mga sinehan at makukuha pa nila ang ilang sinehan ng FranSeth movie.
Abangan natin sa Mayo 6 kung eepek sa mga pa-block screenings ng mga fans nina JM Ibarra at Fyang Smith para malakas ang unang araw ng Almost Us.
Magaling si Direk Dan Villegas, kaya baka maganda ang kalalabasan ng pelikula at lalo pang lumakas kapag maganda ang feedback.
