PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda, walang planong magretiro sa edad 50

Vice Ganda on people convincing him to enter politics: "Nagpapagod lang sila!"
by PEP Troika
Published 2 hours ago
Vice Ganda, walang planong mag-retire at 50
Vice Ganda on showbiz career: "I’m so obsessed doing what I do now. I’m so obsessed with Showtime. I’m so excited to do movies every year. Gusto ko pang mag-concert. Hindi, e. Saka mahal pa ako ng audience ko."
PHOTO/S: Vice Ganda Facebook

GORGY RULA:

Ang dami pa naming napag-usapan sa pa-dinner ni Vice Ganda sa ilang entertainment media at mga taga-SPEEd noong Lunes, April 27, 2026 sa Café Romulo, Quezon City.

Isa sa una naming napag-usapan ay ang pagtungtong niya ng 50 noong March 31.

Read: Vice Ganda reveals reason for recent break from It's Showtime

Sumagi na ba sa isip niya kung ano ang nakikita niya sa sarili sakaling gusto na niyang mag-retire?

Napailing agad si Vice Ganda dahil hindi pa raw niya ito naiisip.

Para sa kanya, marami pa siyang gustong gawin.

“That’s something I have [not] entertained yet. The thought of retiring? Hindi ko siya pinag-iisipan, kasi parang ine-enjoy ko pa siya, e. Kayang-kaya ko pa siya, di ba?

“Although, may mga nakakapagod din. Pero kayang-kaya ko pa siya, gustung-gusto ko pa siya,” pakli niya.

Gusto pa raw talaga niyang tuluy-tuloy ang pagtatrabaho.

“I’m so obsessed doing what I do now. I’m so obsessed with Showtime. I’m so excited to do movies every year. Gusto ko pang mag-concert. Hindi, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Saka mahal pa ako ng audience ko,” paliwanag ng Asia’s Unkabogable Superstar.

Para kay Vice Ganda, marami pa siyang puwedeng gawin at magagawa pa para sa kanyang audience. “No. I don’t wanna limit myself. I don’t wanna limit myself,” bulalas niya.

“I can still see myself doing a lot of many things. I believe meron pa akong mga undiscovered potentials.

“Kahit tumatanda ka, di ba? Meron kang mga hindi nagagawa dati… meron kang mga ginagawa dati na hindi mo na nagagawa ngayon.

“Pero you’ll be surprised, may mga hindi ka ginagawa dati na, ‘Ay! Kaya ko pala yun.’ ‘Ay! Gusto ko pala yun.’ ‘Ay! Ang saya pala nun.’

“So, all of us will stil have a lot of unrealized potentials na pag nalaman natin yun, mas masarap yung life, and you won’t mind like you know aging every year,” sabi pa ni Vice Ganda.

Marami raw siyang realizations pagtuntong niya ng singkuwenta anyos.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nalulungkot ako kasi ngayon hindi ako makapag-heels, samantalang dati, ang sarap-sarap na nakakasayaw ako na nakasapatos.

“Siyempre, habang tumatagal yung katawan, may mga pagbabago na nangyayari sa katawan mo na hindi mo nagawa yung dati mong ginagawa.

"Pero other than that, wala naman akong sad realization."

Mas nangingibabaw daw ang pasasalamat niya.

Pagpapatuloy niya: "Wala naman akong masyadong ganun, kasi I have been blessed all these years para…

"The mere fact na healthy ako, healthy si Ion [Perez]. Yung mga nanay namin, malulusog, parang okay naman.

"Yung realizations ko, it’s not just for me. Hindi ko realizations sa buhay ko. Realization ko sa paligid, sa Pilipinas, sa mundo, sa tao."

Read: Vice Ganda reflects on comedy, politics, and cancel culture

NOEL FERRER:

Meron pa bang birthday wish si Vice Ganda?

“Birthday wish? Bukod sa maging malusog ako, tayo, at lalung-lalo na yung mga taong malalapit at mahal na mahal sa atin, gusto kong umayos itong Pilipinas, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi pag hindi umayos ito, wala ring maapektuhan kundi ako din, kayo din, tayo din, lahat. Sana umayos na ang Pilipinas at ang buong mundo,” saad ni Vice.

Mabilis ang sagot niyang hindi talaga niya papasukin ang pulitika.

“Naku! Nagpapagod lang sila!” mabilis niyang sagot nang sinabi sa kanyang nasa survey siya para sa 2028 elections.

Hindi raw talaga mababago ang desisyon niyang tumakbo sa susunod na eleksyon.

“Ah hindi! Marami na ang nag-offer, pero hindi. It’s not my take,” diin ni Vice.

Sinabi pa sa kanyang baka siya pa ang makakaayos ng ating bansa.

“Hindi din!” mabilis niyang tugon. Para kay Vice, si Ma’am Leni pa rin. Siya pa rin talaga.

Read: The Devil Wears Prada 2, magkano ang PH box-office gross?

JERRY OLEA:

Surprise guest si Vice Ganda sa Jessica Sanchez Live in Manila na gaganapin sa Mayo 16, Sabado, sa Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.

Naunang i-announce bilang guests sa homecoming concert ni Jessica sina Gary Valenciano, Regine Velasquez, Martin Nievera, Darren Espanto, Morissette, at James Reid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Vice, “Sinurprise ko yung producer. Sinabi ko sa kanya, ‘Uy! Yung date na yan, available ako. Pupunta ako diyan, magpe-perform ako!

“Wala siyang nagawa. At sinabi ko sa kanya yun, may poster na siya, ha? Sabi ko, ‘Hindi mo ako kailangang ilagay sa poster. Basta, magpe-perform ako diyan.'"

Sabay pabirong hirit niya, "Gusto ko kasi si Jessica Soho. Eh, Jessica Soho?!”

Pagpapatuloy ng Asia’s Unkabogable Superstar, “Di ba, yun ang gusto niyong marinig?"

Ang tinutukoy ni Vice ay ang kontrobersiyang kinasangkutan niya dahil sa masamang biro niya tungkol sa respetadong broadcaster ng GMA-7 noong 2013.

Pero balik kay Jessica Sanchez, sabi niya, "Gusto ko si Jessica Sanchez. Nag-perform din siya sa GGV [Gandang Gabi Vice] dati. Maganda yung chikahan namin.

"Kaya nga sabi ko, ‘Huy, ha?! Ipainterbyu mo sa akin si Jessica!’"

Ayon sa concert producer na si RS Francisco, si Vice ang unang mag-iinterbyu kay Jessica Sanchez sa Mayo 9.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yes! Dahil kung hindi, hindi ako lalabas sa concert!” bulalas ni Vice.

Vice Ganda wants to be part of Jessica Sanchez concert
Vice Ganda wants to be part of Jessica Sanchez's homecoming concert in Manila.

EVERYBODY SING SEASON 4

Siyanga pala, nagbabalik ang community singing game show na Everybody Sing para sa ikaapat na season nito sa Mayo 2 (Sabado) at Mayo 3 (Linggo) ng 8:30 P.M. sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, iWant, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas kaabang-abang ang bawat linggo dahil may makakasamang special guest co-host si Vice Ganda.

Nagbabalik din ang resident band ng Everybody Sing na Six Part Invention.

Bagong pakulo ng programa ang “Singko Blanko,” kunsaan kailangang mahulaan ng celebrity guest at apat na "represingtatives" ang limang nawawalang lyrics ng kanta para sa tsansang manalo ng hanggang PHP200,000.

Everybody Sing Season 4 returns
Vice Ganda will have a celebrity co-host every week for Everybody Sing Season 4.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nandiyan din ang paboritong jackpot round ng viewers na “Ultimate Everybody Guessing,” kunsaan kailangang mahulaan ng "Songbayanan" ang 10 kanta para manalo ng PHP1M.

Ang bawat tamang kantang mahuhulaan ng 50 Songbayanan ay nagkakatumbas ng PHP20,000.

Ang kabuuang pot money na kanilang malilikom ay kanilang paghahatiaan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda on showbiz career: "I’m so obsessed doing what I do now. I’m so obsessed with Showtime. I’m so excited to do movies every year. Gusto ko pang mag-concert. Hindi, e. Saka mahal pa ako ng audience ko."
PHOTO/S: Vice Ganda Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results