JERRY OLEA
Sa mga celebrities sa mainstream, parang si Vice Ganda lang ang vocal sa paglalahad ng saloobin sa maiinit na isyu.
Ang iba’y tila bahag ang buntot…
“Gets ko rin naman sila,” pagmamatuwid ni Vice noong Abril 27, 2026, Lunes, sa Romulo Cafe, Sct. Dr. Lazcano St., Quezon City.
“Not everyone is as privileged as me, di ba? Parang yung iba, kailangan pang… di ba? Yung iba, nag-iipon pa lang.
“Ako kasi, ang suwerte ko… kasi, kaya may tapang din ako, e. Hindi yung parang…
“I can lose this endorsement. Di ba? Kakain pa rin ako sa mga susunod na taon kahit wala itong endorsement na ito. Yung ganun.
“Lahat naman ng tao, may kani-kanyang rason bakit nagkakaroon ng mga desisyon sa buhay.
“Kung bakit ka nagsalita, kung bakit hindi ka nagsalita. Kailangan nating igalang ang rason ng bawa’t isa, di ba?
“Kasi hindi naman natin alam kung ano talaga, di ba?”
VICE GANDA ON BEING A BELIEVABLE ENDORSER
Nawalan ba siya ng endorsement? May bumitaw ba sa kanya dahil sa pagiging outspoken niya?
Napangiti ang Asia’s Unkabogable Superstar: “Alam mo, surprisingly, mas dumadami ang endorsement ko!
“Lalo na sa Reader’s Digest ano ng most trusted brand. Pang-ilan ko na yun, parang pito na dire-diretsong taon. Kasi, parang mas pinaniniwalaan nila yung sinasabi ko.
“Mas lalo akong nagiging credible. Kasi, I speak my mind. Parang hindi ko sasabihin kung hindi siya natural sa nararamdaman ko.”
Inaasam ba niya na sana’y ilahad din ng ibang mainstream celebrities kanilang saloobin sa mga isyung panlipunan?
“Sana! Kasi, malaking bagay, e. Malaking bagay, kasi makakapagbigay ka ng kaalaman,” tugon ni Vice.
“Nakapagpapaliwanag ka sa mga tao, di ba? May mga maitutuwid kang mali, di ba?
“Lalo ngayon. Ang fake news, ang lala! Andaming clickbait. Andaming fake news. Andaming clout-chasing articles, di ba?
“Kaya andaming kailangang kumilos para makapagpaliwanag sa mga tao at maalalayan yung mga tao kung ano yung totoo at hindi.”
Read: Vice Ganda reflects on comedy, politics, and cancel culture
NOEL FERRER
Political Science ang kurso noon ni Vice Ganda sa Far Eastern University (FEU).
“E, kasi, mag-aabogado ako talaga. Mag-aabogado talaga ako,” pagtatapat ni Vice.
“Dati! Noong bata-bata ako. Kasi, di ba, lahat naman tayo, merong pangarap sa buhay nung bata.
“Na nung tayo’y nagtandaan na at nabuo na yung pagkatao at isip natin, nababago yun, e.
'“Nababago yung mga gusto natin, yung mga interes natin. Di ba? Nababago yung mga desisyon natin.
“Mas makikilala mo yung sarili mo. ‘Ay! Ito pala ako. Hindi pala ako yun.’ At saka most of the time, yung mga pangarap natin nung bata, influence yan ng ibang tao.
“Ng nanay mo, ng tatay mo. Nung nakita mong tagumpay nung tiyuhin mo, di ba? ‘Ay! Gusto ko rin yan! Gusto ko ring mag-nars!’
“Di ba? ‘Ay! Gusto ko ring maging doktor!’ ‘Gusto kong maging abogado.’
“So ako, influenced ako ng tatay ko, saka ng lolo ko.’”
VICE GANDA WANTS LENI ROBREDO FOR 2028 ELECTIONS
May point noon na mismo si Direk Lav Diaz ang nagsabi na puwede si Vice Ganda ang tumakbong Presidente natin.
Pinalutang yun at may nag aalok kay Vice pero siya mismo ang kumontra dun.
Kaya sa launch ng Tourism Campaign ng Naga City noong Mayo 1, Biyernes, inihayag na ni Vice ang kanyang sinusuportahan—ang kasalukuyang mayor ng Naga City at dating vice-president na si Leni Robredo:
Ang sabi niya sa mga taga-Naga: “Sa buong Pilipinas, kayo ang pinagpala. Kayong mga taga-Naga, kayo ang pinagpala sa buong Pilipinas. Kayo lang yung may mayor na ganyan.
“Ano ba yan, pahiram naman. Puwede bang i-share yan sa buong Pilipinas? Pa-share naman.
“Gusto din namin ng ganyan. Gusto namin maranasan yung nararanasan ng Naga.”
“Puwede ba maranasan yan sa buong Pilipinas?” Beke nemen, Ma’am Leni, di ba?"
Read: Vice Ganda on Mayor Leni Robredo: “Puwede bang i-share iyan sa buong Pilipinas?”
GORGY RULA
Nag-give up si Vice Ganda sa pagkuha ng Law. Muntik na rin siyang sumuko sa pagso-showbiz. Magku-quit na sana siya noon sa It’s Showtime.
Pagbabalik-tanaw ni Vice: “Nung bagu-bago, siguro nung bagu-bago pa. Nung hindi ko pa gamay. Nung from comedy bar, tapos nag-mainstream, tapos malala yung eksena.
“Naano ako doon, na-culture shock. As in lahat ng forms of shock. Parang na-overwhelm ako. Hindi ko siya kinaya.
“Kaya after nung first season ng Showtime, nagpahinga ako noon, e. I was supposed to leave.
“Kasi hindi ako makaraket. Tapos mababa lang ang bayad ko — parang HPP5,000 a day.
“Tapos parang andaming ginagawa. Andaming hinihiling sa akin. Parang nangarag ako.
“Pinimple ako nang malala. Tumaas yung hairline ko. Sobrang stressful niya. Parang… parang grabe ito para sa PHP5,000.
“Balik na lang akong comedy bar, kasi mas malaki ang kinikita ko sa comedy bar, yung ganun.
“So, nagpahinga muna ako. Hanggang sa kinausap nila ako ulit. Nabago na ang mga working conditions.”
Tumaas ang suweldo?
“Nadagdagan ng zero.”
At nakaka-demand na siya?
“Nakaka-demand? Hindi naman. Hindi pa rin ako nakaka-demand,” mahinay na saad ni Vice.
Napatunayan niya ang kanyang worth…
“Ay, oo! To be fair, alam naman nila. Alam naman nila ang worth ko. Hindi ko naman kailangang… “ lahad ni Vice.
“At kung may pagkakataon mang hindi maibibigay, nauunawaan ko. Naipapaliwanag naman. Kailangan lang mag-usap.
“Kailangang mag-usap. May mga times na hindi kayo nagtutugma, kailangan lang mag-usap. Naipapaliwanag naman.
“At saka nauunawaan ko. Nauunawaan din naman nila ako. Give-and-take lang.”
Read: Vice Ganda reveals reason for recent break from It's Showtime
